Chapter 20: Kiss

619 24 1
                                    

"Hays excited na ko! HUHUBELS talaga." madramang sambit ni Ate sa loob ng sasakyan.

"Ngiti ka naman ng onti diyan bunsoy. Hihi. Di ka naman namin iihawin dun. Hmp." dagdag niya at pinindot ang pisngi ko agad naman akong umurong para lumayo sakanya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Wala lang talaga ko sa mood makipagusap ngayon. Hindi naman sa tutol ako sa kasiyahan ni Ate, hindi ko lang talaga kaya ngumiti. Hays.

Nagsimula nang magdrive si Kuya. Hindi namin kasama si Namjoon ngayon dahil sa amin pa din natutulog si Ate.

Next week pa daw sila makakalipat dun sa sariling bahay nila kaya kasama namin siya ngayon.

Naging matagal din ang biyahe namin papunta sa beach na pupuntahan namin. Mga dalawang oras na din ang nakakalipas.

Pagaari ni Ate yung beach na pupuntahan namin. Dahil kung ako ay nagpiloto, si Ate naman naging business woman na palipat lipat lang ng bansa. Kaya ayun, tingin ko iyon din ang dahilan kung paano sila nagkakilala ni Namjoon.

Narinig kong maganda daw dun. Mabuti nga at magnonovember ngayon at hindi ganoon kacrowded. Of course sasabihin ni Ate na maganda yun. Like duh? Tamang promote lang. 

"We're here." sambit ni Kuya.

Nagayos na naman sila Daddy at bumaba na rin. Sila Kuya ay nagbubuhat habang si Ate namin ay nauna na dahil kailangan niyang kausapin ang mga tauhan niya. 

"Okay ka lang?" nagulat ako nang bigla akong tinanong ni Mommy.

Nginitian ko naman siya "I'm fine Ma." sambit ko at tumulong na din sa pagbubuhat.

Natapos din ang matagal na buhatan. Mostly ay gamit ni Ate ang dala namin. Dahil malapit lang dito ang napiling  bahay nila ni Namjoon. Beach front daw kasi ang gusto ni Ate.

#Sosyal #SanaAllBhie char.

Natigilan kami nang biglang dumating na si Namjoon, agad naman kaming nagbow ganoon din naman siya sa amin. "Good afternoon po Tita, Tito." nakangiting sambit niya.

"Aysus diba sabi ko sayo Mommy nalang?" sambit ni Mommy.  

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Mommy. Hays, hindi pa din ako sanay na kasal na si Ate.

Natigilan naman ako ng saglit nang biglang nagring ang phone ko. 

It's William. Nandito na kaya siya?

"My, Ate excuse lang." sambit ko at nagsign na may tumatawag sakin. Tumango lang naman sila.

Lumayo muna ako sakanila at  lumapit sa may beach para mas payapa. "Hello love? Saan ka na?"

"Love.. sorry.. I can't go. Nagkaemergency kasi dito sa Batangas, ayaw ako paalisin nila Tito." he said in dismay.

"Love naman.. ang lapit lang nito sainyo. Kahit sumaglit ka lang." i plead.

"Sorry talaga ha? Babawi ako promise love.." malambing na sambit niya.

Natigilan naman ako saglit nang may narinig na tumatawang babae sa background. Napayukom naman ako ng kamay.

"Ako nalang pupunta diyan love... Nasan ka ba?" i tried to sound calm or whatever, para hindi niya mahalata na nakakahalata ako.

May babae ata toh eh.

"W-wag na! Magulo lang d-dito.." he stuttered.

"Okay, take your time.." malambing kong sambit at binabaan siya ng cellphone.

Bumalik na naman ako agad sa kubo para kunin ang bag ko. "Aalis lang po ako ng saglit. Babalik din po ako agad." paalam ko sakanila.

"Jusko kang bata ka! San ka pupunta?!" sigaw ni Mommy.

Hindi ko na iyon pinansin at nilapitan si Kuya. "Kuya asan yung susi ng kotse?"

"Aba aba, san ka pupunta ha bata ka."

"None of your business. Let me borrow na kasi." 

"Attitude ka ghorl. Oh ayan." sambit niya at binato ang susi sakin nasalo ko naman iyon agad.

"Thank ya." maangas kong sambit at kumindat.

Nawala naman ang ngiti sa labi ko nang tumalikod na ko.

Hindi na ako nagulat nang makasalubong ko si Jungkook sa daan, ngunit siya ay nagulat nung makita niya ko. He looks shocked when he saw me.

Napatingin naman ako likod niya at nakitang nandun si Cindy at Rea magkasama. 

Mga bwiset. Bakit ba laging kasama yan si Rea? 

Hindi ko nalang iyon pinansin at nilagpasan nalang. Baka mag init pa ang ulo ko.

Pinaikot ko sa daliri ko ang susi habang naglalakad papunta sa sasakyan atsaka sinuot ang shades ko.

Nang makapasok ako sa loob ng kotse. I automatically opened my tracking app to track him. Pinatong ko naman ang cellphone ko sa lagayan at mabilis ng pinaharurot ang sasakyan.

Kung talagang may babae siya, hindi ko na alam mangyayari uli sakin. Matratraumatize na ata ako ng sobra.

Kinakabahan ako nang makarating na ko sa lugar nila. Parang hindi ako makahinga habang palapit sa baranggay nila.

Nag park na ako sa may gilid. Halos thirty minutes din ang naging biyahe ko papunta dito.

Sana nga may emergency sa bahay nila.. Sana.

Bumaba na ako sa sasakyan at napatingin sa bahay nila. Kulay puti ang bahay nila at mistula itong bahay ng mayayaman.

Masasabi ko talagang mayaman ang pamilya ni William.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa bahay. Kasalukuyang nakabukas ang gate nila at tingin ko'y may party sa loob.

Nagulat naman ako nang makitang nandun si William tinatanggihan ang baso ng alak na binibigay sakanya.

"Ayaw ko po Tito, kailangan ko na po talagang umalis.. Iniintay na po ata ako ng girlfriend ko." sambit niya habang tinatanggihan ang baso.

"Aysus kang bata ka! Minsan ka na nga lang umuwi, di mo pa pagbibigyan ang Tito mo?!" sigaw ng matanda at tumawa ng malakas. Sa tingin ko ay lasing na din.

Kumirot naman ang dibdib ko habang nakatitig lang sakanya. Buong akala ko talaga kasi ay may babae siya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

Nasasaktan ako pag naiisip ko na parang ginamit ko lang siya para makalimutan ko si Jungkook. Kahit alam ko namang maling mali yun. He's like a prince charming to me but sadly I'm not his princess.

Napagpasyahan kong tawagan siya para malaman niyang nandito ako. Nang maramdaman niyang may tumatawag sakanya ay nagpaalam agad siyang lalabas muna.

Natigilan siya nang makalabas siya at nakita niya ko. "William.." tawag ko sakanya at malungkot siyang nginitian.

"Kaye.." gulay niyang sambit.

"Anong ginagawa mo dito?" nagaalala niyang sambit.

Lumapit naman ako sakanya. Hindi ko alam kung nasa tamang isip ba ako pero tumingkayad ako para halikan siya.

Nababaliw na ata ako.. pero ginawa ko ang tinuro sakin ni Jungkook sa akin.

Na malalaman mo lang kung mahal ka ba ng isang tao gamit ang halik. Ngunit sa ginawa ko, wala kong maramdaman.. It feels dull. It feels nothing.

Nang makahiwalay ako ay malungkot akong ngumiti na tila alam na ang sagot sa lahat.

"Magbreak na tayo William.." malungkot kong sambit.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now