Chapter 38: Disneyland

291 19 2
                                    


Tahimik lang kaming nakaupo ni Azi sa loob ng isang cafe.

"You like it?" tanong ko kay Azi habang tahimik itong kumakain ng blueberry cheesecake.

Tumango tango naman ito. Agad naman akong kumuha ng tissue para punasan ang pisngi niya dahil kanina pa siya nagdudungis.

"Be careful, Azi. Mommy will buy again naman." sambit ko.

Tinawanan lang naman ako nito. Feeling ko mapupunit yung puso ko sa saya pag naiisip ko na okay na ang puso ni Azi.

Hindi na siya magkakasakit pa uli.

"Mommy.. Ba't ka po umiiyak? Don't cry." naiiyak niyang sambit at namula na agad ang ilong.

"Napuwing lang si Mommy. Eat ka na uli." nakangiting sambit ko.

Pinilit naman nitong ngumiti at kumain uli.

Napagplanuhan kasi namin ni Paulheen na magkita dito sa cafe. Pupunta kasi kami ngayon sa Tokyo.

Wish kasi ni Mina at Azi na pumuntang Disneyland. Hindi ko naman mapayagan dati si Azi dahil sa kondisyon niya. Kaya hindi ko talaga maiwasang hindi maluha kapag naiisip kong ayos na ayos na ang lagay niya ngayon.

Hindi na ko dapat magalala.

"Teh!!!"

Halos napatingin naman ang lahat ng tao sa sigaw ni Paulheen. Sinunok pa si Azi sa gulat kaya agad naman akong napasapo sa noo.

Kaibigan ko ba talaga 'toh? Parang gusto ko siyang i-unfriend bigla. Char.

"Hi po." bati ni Mina sa'kin.

"Ang ingay mo talaga. Kaloka ka. Kala mo di tayo magkikita eh." bungad ko sakanya.

"Bawal bang excited lang ha?! Hi Baby Azi!"

Nagtago naman agad si Azi sa'kin. "Mana ka talaga sa tatay mo." inis na sambit ni Paulheen.

Kumain muna kami saglit dahil gusto din daw ni Mina ng cake. Halos hindi ko na makilala si Mina, ang laki niya na kasi.

Mabuti nalang mas kamukha niya Tatay niya, char.

Pag katapos naming kumain ay napagpasyahan na naming magbiyahe dahil anong oras na din. Mageeight na din ng umaga.

Naging matagal din ang biyahe namin papuntang Tokyo dahil hindi naman kami ganon kalapit dun. Nasa Kyoto kami nakastay.

"Azi.. Nandito na tayo." bulong ko sakanya.

"I-iron man.." bulong nito at natulog uli.

Wala na kong choice kung hindi buhatin siya. Pagkatapos naming bumili ng tickets ay bumungad sa'kin ang ganda ng Disneyland dito.

"Oh shet, yamete kudasai."

"Gago ka talaga. Wag ka nga magganyan dito!" bulong ko kay Paulheen.

Tumawa nalang naman si Mina sa'min. Hays, mabuti nalang hindi ako nareincarnate noon as Mina. Kung hindi, feel ko itatakwil ko si Paulheen bilang nanay. Chos.

Nagising na din naman si Azi pag katapos. Halos buong ikot namin ay nakangiti lang ito.

"Rides tayo Mommy! Rides!" pagpipilit sa'kin ni Azi.

"Azi.."

"Mommy, don't worry I'm okay now."

Sa sinabi niyang yun ay narealize kong okay na nga pala siya. Agad naman akong tumango at nag-okay.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now