Chapter 27: Thrice

279 18 6
                                    

Naestatwa lang akong nakatitig sakanya. Hindi alam ang gagawin o ano pero nakasalalay ang buhay ng anak namin dito. Kung magmamatigas pa siya ay wala na kong magagawa.

"Will you allow me to leave or not?" matapang kong tanong.

Nakatitig lang naman siya sakin ng diretso. Tila walang emosyon. Walang pakiramdam. Kumirot naman ang dibdib ko at napalunok para mapigilan ang pagiyak ko.

"Kasi kung hindi. I'll file my resignation immediately." nangingiyak kong sambit.

"But i guess, hindi mo ko papayagan di'ba? Then sorry, mas mahalaga yung buhay ng anak ko kaysa sa trabahong toh." mariin kong sambit at iniwan siyang mag isa sa office.

Nagbagsakan na ang mga luha ko nang makalabas ako ng office niya. Tila hindi ko na kinaya.

Bakit ba ganito.. Bakit lagi kaming pinagtatagpo? Hindi ko naman alam na siya pala yung Boss namin. Kasi kung oo, matagal na kong bumalik sa Pinas.

Alam kong may karapatan si Azi na makita yung Ama niya pero bakit.. Parang gusto ko siyang tanggalan ng karapatan?

--

Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang puntod niya.

Hindi ko maiwasan hindi maluha at mapahikbi habang nakatitig dito. I miss him. I miss him everyday.

"Bakit kung kailan mas gusto pa kitang makasama ng matagal ay mawawala ka?" bulong ko.

"Kailangan ka pa ni Azi, Dy eh." bulong ko at bumaba ang tingin sa tiyan kong bilog na bilog.

Bago ako manganak ay namatay si Daddy. Inatake siya sa puso. Ngayon ko narealize na isa din pala yun sa dahilan kung bakit ayokong magstay sa Pilipinas.

It reminds me of him.

"Magkape ka muna.." sambit ni Ate Zoe at binigyan ako ng kape. Natauhan naman ako bigla at  tinanggap iyon atsaka nag pasalamat.

"Sorry Dianne.."

Nagulat naman ako sa sinabi niya at napalingon.

"Sorry kasi di ko naalagaan si Azi ng ayos.. Hindi ko siya natignan ng ayos. Ang pabaya ko, Dianne. I'm sorry." iyak niya sakin.

Tulala lang naman akong nakatitig sakanya at hindi ko maiwasang hindi rin mapaluha.

"Kasalanan ko Ate.. Please wag mo sisihin yung sarili mo." bulong ko sakanya at hinawakan ang kamay niya.

"Kung nakinig sana ko kay Kuya, hindi magkakaganto si Azi." nanghihina kong bulong.

I still blame myself for what happened to Azi. Kinabukasan, sa awa ng Diyos ay naging okay si Azi. Mabuti ay naging ayos siya dahil kung hindi baka hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

I'll blame myself for the rest of my life if something bad happens to him.

"Doc, how's my son? Is he alright?" tanong ko sa Doctor ni Azi bago pumasok sa kwartong nakaassigned sakanya.

"Don't worry, he's fine. What happens to him yesterday is not that severe. But still we need a transplant. His heart is getting weak as the time passed. We already discussed about it right? But as i said don't hurry about it. Take your time to find money for the operation."

"Thank you Doc.." sagot ko at halos maiyak na dahil sa sobrang pagaalala ko kay Azi.

"Cheer up, your baby is a strong boy. Don't worry too much." nakangiting sambit nito at tinapik ang balikat ko bago umalis. Gumaan naman ang loob ko kahit papano.

Huminga naman ako nang malalim bago pumasok sa kwarto ni Azi. Ngumiti muna ako para hindi niya mapansin na galing ako sa iyak. Magaalala kasi siya pag napansin niyang galing ako sa iyak.

"M-mommy.." nanghihina niyang bungad. Agad ko naman siyang pinuntahan.

"Yes, baby? Mommy's here.." sagot ko at hinalikan ang kamay niya.

"G-go to your work now Mommy.. I'm okay now." nanghihina niyang bulong at umubo.

"Shh.. Hindi ka pa okay. Hindi na papasok si Mommy sa work. I want you to just rest okay? Sleep Azi, mommy will be here."

"Hindi ka na po aalis.. uli?" medyo nabubuhayan niyang sambit.

Napangiti naman ako at tumango. "Yes.. Don't worry okay?" sambit ko at hinalikan ang noo niya.

Mga tatlong araw din akong nagalaga kay Azi. Hanggang sa bumalik na uli ang lakas niya. Mahina ang puso ni Azi kaya naman bawal siyang magpagod o mastress.

Napagpasyahan kong bumalik sa company para makapagpaalam ng ayos. Hindi ko na kakayanin kung may mangyari pa uling masama kay Azi.

"Uy girl. Ano okay ka lang ba? Rinig ko nangyari sayo sis ha. Kaloka." bungad ni Lea samin nang magkita kami.

"Lea.."

"Magreresign na ko.." sambit ko.

"HAH?!?"

"BAKIT?!"

"Hindi ko na kakayanin na may mangyari uling ganon. Natatakot ako.." takot kong sambit.

"Then pano na yung sa puso niya..? San ka kukuha ng pera? Diba sabi mo kaya ka nagtratrabaho para makapagipon ka?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya dahil totoo halos lahat ng yun. Ayoko na kasing umasa pa uli kay Kuya.

Masyado ko na siyang naabala.. Ayoko ng guluhin pa si Kuya. Hindi na din kasi sapat yung ipon ko para sa perang kailangan ng Doctor kaya mas okay ng magtrabaho ako.

Hindi din naman agad kailangan ni Azi ng puso dahil sabi noon ng Doctor na bata pa naman siya.

"Shit.. Ang insensitive ko talaga. Sorry.."

"Wala yun." sambit ko para hindi siya mailang.

"Nasan ba kasi ang fafi ng junakis mo teh?"

Natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihing yung Boss ng kompanyang toh ang tatay ni Azi.

Baka kapag sinabi ko yun, magwala pa ang media.

"Nasa Pinas. May iba ng asawa."

I tried to hide the bitterness in my voice but i can't. Hindi ko maiwasang hindi maging bitter sakanila ni Cindy.

Dahil kung tutuusin siya lang yung lalaking minahal ko sa buhay ko.

Simula highschool palang kami. Pero kahit ganon, hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya.

"Ay ganon? Pero ghorl feel ko mas maganda ka pa don."

"Feel ko lang."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Eh hindi naman ako mahal. Anong magagawa ko?" sagot ko at tumawa ng peke.

"Alis na ko Lea. Magiingat ka. Salamat sa lahat.." sambit ko at hinawakan ang kamay niya bago tumayo para umalis na.

"Teh naman eh! Iiwan mo na talaga ko?!"

"Baliw, bumisita ka nalang sa bahay. Sesend ko sayo adress." sambit ko.

Niyakap niya pa ang bewang ko para pigilan akong pumunta kay Miss Kim pero wala din siyang nagawa.

"Are you sure about this Kaye..?" tanong ni Miss Kim sakin nang sinabi kong magreresign na ko.

Tumango naman ako. Kahit naman istrikto si Miss Kim sakin ay napamahal na din ako sa trabaho ko.

"I'll pay you double." singit ni Justin.

Natigilan naman ako nang biglang may lalaking pumasok sa office ni Miss Kim.

"I'll pay you thrice." malamig na sambit ni Jungkook na nagpagulat sa aming tatlo.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now