Chapter 28: Office

554 25 5
                                    


"Kung ganon, matritriple yung sweldo mo sis! Edi halos 100k na din yung pera mo kada buwan? Isipin mo yun?! Kung nasa Pilipinas tayo sobrang laki na nun. Well, halos parehas lang naman dito sa Japan. Pero ang laking pera pa din nun!"

"Omg i really can't tanggap tanggap your beauty ghorl! Kaya kung ako sayo tanggapin ko na yung offer. Sayang eh." sambit ni Lea bago nilagok ng diretsuhan ang baso ng alak na hawak niya.

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay, tulog na si Azi at sila Ate. Napagpasyahan kasi ni Lea pumunta bigla. Kitang gabing gabi na nga.

Ang sabi niya kasi ay hindi naman daw siya mapapano dahil nasa Japan siya.

#Efas daw.

#Yolo ang peg.

Kahit naman gusto kong tanggapin yung offer iniisip ko pa din na magiging madalas ang pagkikita na naman namin ni Jungkook.

Eh ayun nga ang iniiwasan ko! Kaya nga ko nandito sa Japan diba? Geez, naiistress ako.

Hindi nalang ako sumagot at sumipsip sa yakult ko. Sabi ko sakanya ay hindi muna ko iinom ngayon dahil pagiisipan ko ng mabuti yung offer.

Kung may ganon akong perang matatanggap kada buwan ay mas magiging madali ang pagiipon para sa puso ni Azi.

Kaso.. Aish!

"Teh, chill lang. Mamaya batuhin mo ko bigla ng yakult. Masasaktan mga kuto ko teh pag tumama yan sa ulo ko. Char." pabirong reklamo ni Lea.

Napatingin naman ako sa yakult ko na halos malukot na sa paghawak ko.

"Text mo ko teh, pag nakapagpasya ka na. Alam mo naman gusto kita magstay pa. Hays, minsan lang ako nagkaroon ng bff na maganda."

"Ang chachaka ng mga bff ko dati plastikan session pa kami lagi." iritadong pagkwekwento niya na kinatawa ko naman.

Loka loka talaga.

"Itetext nalang kita.. Magiingat ka." paalam ko sakanya bago siya umalis.

Nang makaalis naman siya ay binagsak ko ang katawan ako sa sofa at natulala.

"Bakit kasi lagi nalang tayong pinagtatagpo.." inis kong bulong sa kawalan.

--

"Azi.. Azi?"

"Kakain na tayo. Wake up na." paggigising ko sakanya.

Unti unti niya namang minulat ang mata niya at niyakap ako agad. Binuhat ko na naman siya para mas mapadali.

"Wag mo ubusin lahat ng chocolates magagalit sayo si Azi niyan." rinig kong sambit ni Ate Zoe kay Vien.

"Good morning po Mommy Tita." bati ni Vien sakin.

Nginitian ko naman siya at mahinang kinurot ang pisngi.

"Si Kuya, Ate?" tanong ko habang naghahain siya.

"Ako na Ate diyan." pag iinsist ko at tumulong na din.

"Bumalik na sa trabaho niya. Nung una nga ayaw pa bumalik kasi nagalala sakin. Sabi ko okay lang naman. Wala naman akong flights and business trips this month." pagkwekwento niya.

"Nga pala, napagisipan mo na ba?" tanong niya.

Nakwento ko din kasi kay Ate yung offer sakin. And i already made my decision.

"Napagdesisyunan ko na.."

"I'll accept the offer." sagot ko.

---

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now