Chapter 1

32.7K 462 59
                                    

"Sinasabi ko sayo Frederiko, hindi na pwedeng mag-computer sa gabi at lalong wala ng cellphone!"

Napaangat ako sa pagbabasa   sa lakas ng boses ni Mama sa baba.
Napailing ako. Ano na naman kaya ang kalokohang ginawa ni Lorenz, kaya kahit hook na ako sa binabasa ko ay tumayo na ako.

"Ma, bakit na naman po kayo nagagalit? Baka ma-highblood kayo niyan" hinalikan ko siya sa pisngi.

"Hay naku, Summerina! Itong kapatid mo napakatigas ng ulo. Manang-mana sa pinag-manahan!"

Tinignan ko si Lorenz, pero niyukuan lang ako nito. Napansin ko ang Report card niya sa maliit na lamesa sa sala.

At namangha ako sa nakikita ko, napaka-consistent talaga ng kapatid ko.

Straight 77 ang card niya. Maliban pala sa EsP na 73 at Arts na 85 Kaya siguro mas galit si Mama.

"Magpapakita ka na lang ng kagandahang asal hindi mo pa magawa ng tama."

"Ma, hindi lang naman kagandahang asal ang Values eh" At dahil doon napatid na talaga ang pasensya ni Mama kaya nabatukan na siya. Buti na lang at napigilan ko ang matawa.

"Ma, tama na yan. Ako na po mag-tutor dyan kay Lorenz para kahit papano sumampa man lang sa 80 ang grades. At kapag nagpasaway siya. Sakin siya may batok."

Pero masama pa rin ang tingin ni Mama sa kanya.

"-Diba Lorenz?" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Opo" padabog na umakyat si Mama sa taas.

Tinabihan ko siya at inakbayan.

"Ate naman eh. I-tutor mo ako? Ayoko." Natawa ako doon.

"Ano ba kasing problema mo. Hindi naman ako naniniwala na bobo ka kasi sabi nila walang batang bobo, tamad lang"

"So, Ate. Tamad ako?"

"Oo."

"Ate naman" napakamot siya ng ulo.

"Umayos ka Lorenz ha, maawa ka nga kay Mama"

"Eh Ate wala naman ako ginagawang masama, 'tsaka isa lang naman bagsak ko. Hindi na lang nagpasalamat si Mama na pasado ako sa iba."

"Hoy, Lorenzo naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Puros ka palakol tapos sasabihin matuwa si Mama? Ang gusto iparating sayo ni Mama ay hindi lang hanggang diyan ang kaya mo, na kung magsisipag ka hindi lang yan ang pwede mong makuha"

"Kaya makinig ka sa Ate mo" sabay kaming napalingon kay Papa na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin.

Agad akong tumango at nagmano at humalik sa kanya.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?" Tinanong agad siya ni Papa pagkatapos niyang humalik sa pisngi.

Tamad na pinakita ni Lorenz ang Card niya kay Papa.

"Oh, Very good. Ang tataas ng grades mo. Ipagpatuloy mo 'Nak. Pero ipasa natin ng kaunti 'yung Values ha. Proud na Prou--"

"FRED!" Napalingon kami sa sigaw ni Mama. Mukhang kanina pa siya nandoon. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Papa

"Sinasabi ko naman sayo Lorenzo. Ayusin mo 'yang mga grades mo. Nakakahiya ka! Puro ka palakol. Hindi ka nakikinig sa Mama mo." sabay batok ni Papa kay Lorenz. Biglang nagbago ang timpla at tono niya.

Hayss. Napapailing na lang ako. Si Papa talaga puro kalokohan. Tama nga si Mama may Pinagmanahan si Lorenz.



Hi, I'm Summerina Eliza Miller. 19 yrs Old at kasalukuyang nasa Unang taon sa College. Hindi ako totoong anak nila Mama at Papa pero walang pagkakataon na naramdaman ko na hindi ako kabilang sa pamilya nila.

Ang totoo kong Nanay? Sabi ni Mama ay namatay daw ito noong 6yrs old ako. Alam ko ang kanyang mukha, naaalala ko pa pero hindi ko na masyado maaalala kung anong klaseng bonding meron kami.

Pero lagi naman pinapaalala sakin ni Mama na mahal na mahal ako ng totoo kong Nanay. At naniniwala ako doon,dahil binigay niya ako sa pamilyang alam niya na maaalagaan ako ng maayos at mamahalin na parang kanila talaga.

Ang Tatay ko? Sabi nila isa daw Amerikano. Halata daw kasi sa features ng mukha ko, hindi rin alam ni Mama kasi sabi-sabi lang naman daw iyon, pero natutuwa ako kapag naririnig kong kamukha daw ako ni Mama kapag pinapakilala niya ako.

Matanda ako ng 9yrs kay Frederiko Lorenzo. Grade 5 na siya ngayon.  Naalala ko dati na naiyak ako noong makita ko siya noong inuwi siya ni Mama dahil may bago na kaming baby. May aalagaan na ako.

Isang Architect si Papa sa isang malaking Construction Company dito sa Pilipinas. Si Mama naman ay isa sa mga Head ng Foundation malapit dito sa amin.

Foundation iyon na tumutulong sa mga batang hirap makapag-aral dahil sa hirap ng buhay, lagi ako sinasama ni Mama doon para tumulong lalo na kapag may out-reach program.

Nai-kwento sa akin ni Mama na halos parehas kami nang naging kapalaran dahil iniwan lang din siya ng kanyang Nanay sa Nanay ko noon.

Kaya masaya na kahit papaano nakakatulong ako sa mga batang kagaya ko.

Saan kami nakatira? Dito pa rin. Sa Iskinita Tres. Naging malaki ang pasasalamat ng mga tao dito sa Bagong halal na Mayor na si Generoso Lagdameo sa pag-aaward ng titulo sa mga tao.

Kaya nang makaluwag sila Papa at Mama ay agad ng pinaayos ang bahay, pinagbili naman ng magakabilaan naming katabi ang kanilang mga lote kaya mas malaki ang bahay namin kung ikukumpara sa iba.

'Yung bahay naman ni Papa ay ginawang extension ng Computer shop na si Tito Jason pa rin ang namamahala.

Sabi nila mayaman daw kami, pero kasi hindi naman namin nararamdaman dahil si Mama at Papa ay mas pinipili ang simpleng pamamaraan ng pamumuhay.

"Fred naman, kaya lumalaking pasaway yang anak mo dahil kinukunsinte mo!" Nakalapit na sa amin si Mama.

"Baby'"

"Huwag mo akong ma-baby-baby"

Pero niyakap pa rin siya ni Papa.

"Huwag na mainit ang ulo, sa susunod pagbubutihin na niya 'yan. 'Diba Lorenzo?"

Lahat kami napatingin kay Lorenz.

"Yes Pa" lumapit ito at yumakap kay Mama.

"Ma, sorry na. Payag na po akong magpatutor kay Ate. Huwag ka na po magalit."

Hindi rin natiis ni Mama at yumakap din ito.

"Dapat lang, pero hindi ka sa Ate mo magpapaturo dahil magiging busy din siya sa school kundi kay Bridgette"

Sabay kaming natawa ni Papa. Goodluck Brother.

Si Bridgette ang pangatlong anak nila Tito Brando at Tita Shine. Ang alam ko ay kasing-edad  lang ni Lorenz 'yun pero matalinong bata kaya tuwang -tuwa si Mama doon, pero bukod sa matalino ay may pagkamasungit ang batang iyon ilan nga lang ang kabigan noon dito sa Iskinita.

"Ma naman!" Umakyat na si Mama sa taas na agad na hinabol ni Lorenz.

"Nak, ok ka lang? " si Papa

" Yes pa. Kumain na po kayo? Ipaghahain ko po kayo"

"Hindi na, hihintayin ko na si Mama mo. Umakyat ka na at magpahinga ka na. Maaga pa pasok mo bukas. At Summer. No boys ok" natawa ako.

"Pa naman. Wala naman pong nanliligaw sa akin"









Anak ng BugawUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum