Chapter 2

20K 381 27
                                    

"Sum, hindi ka sasali?" Agad akong umiling.

"Sayang naman Sum, malaki sana ang chance ng Department natin" ngumiti lang ako.

Tapos na ako sa pagsali sa mga pageant, gusto ko na lang na magfocus sa pag - aaral ko. Suportado naman ako nila Mama at Papa noong nasa senior high pa ako pero iba na kasi ngayon. Natatakot akong hindi ko ma-balance ang pag-aaral at ECA.

"Iba na lang, mas marami namang magaganda sa section natin"

"Sum, ganda at talino ang hinahanap doon hindi mukha lang" hindi na ako nagsalita, mahirap na at baka iba ang maging interepretasyon ng iba.

Hindi rin ako pwede dahil naka-oo na ako kay Mama sa outreach program nila sa Foundation. Doon ako excited kasi sa bundok naman ang pupuntahan namin ngayon.

"Pwede ba ako sumama sa outreach program Sum?" Si Josh isa sa mga naging una naming kaibigan ni Geneva.

"Oo naman, bakit hindi. Mas maraming kasama mas marami ang matutulungan."

"Sige, anong oras ba sa Sabad--"

"Ay!" Hindi ko naiwasang mapatili ng may tumamang bola sa ulo niya dahilan para matumba siya. Agad akong napalingon para tignan kung sino ang may gawa noon, at hindi ako nagkamali si asungot na si Zeus Lagdameo.

Kahit kailan epal talaga ang lalaking ito. Tinulungan ko agad si Josh na makatayo.

"Okay ka lang?" Pinagpag niya ang pants niyang nalagyan ng kaunting lupa.

"Oo okay lang ako Sum." Doon naman lumapit ang mayabang na si Zeus at ang mga ka-team niya sa basketball.

"Brad sorry. Paharang-harang ka kasi" sabay tawanan ng mga kasama niya sa team.

Hindi ko mapigilang mapairap sa kanya. Ang yabang talaga.

"Tara na Josh" Hinatak ko na sa braso si Josh pero bigla niyang nilaglag ang bola sa dadaanan ni Josh kaya napatid ulit ito. Muntik na akong masama sa pagkatumba niya pero may humatak sa akin palayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang pahlingon ko ay sobrang lapit ng mukha ng damuho sa mukha ko.

Agad ko siyang tinulak palayo pero hindi niya ako binitawan kaya agad din akong tumalbog pabalik sa kanya.

"Ano ba!" Hinatak ko ang kamay ko sa kanya at tinulungan ulit si Josh.

"Brad, sorry ulit" pero halata namang hindi siya sincere sa paghingi ng sorry. Hindi na ako nakatiis at sinamaan siya ng tingin.

"'Pwede ba, kung wala kayong magawa,huwag naman kayong manakit. At ang sorry binibigay yan kapag sincere ka o talagang nagsisisi ka at sa palagay ko wala ka dun sa dalawa." Muli kong hinawakan si Josh sa braso pero hinatak niya ako.

"Tinulungan na nga kitang hindi matumba kasama niya nagagalit ka pa."

"Pwes, salamat. Pero mas pipiliin ko na lang na matumba at masugatan kung ikaw lang din naman ang tutulong." Napansin ko ang paggalaw ng kanyang mga panga sa galit. Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata.

Napansin ko na ring marami na ang nakatingin sa aming mga estudyante.



"Sum, salamat ha." Agad akong ngumiti.

"Ok lang ano ka ba. Wala naman ako nagawa. 'Tsaka nakakinis naman talaga ang lalaking iyon. Simula nang pasukan. Wala na iyon ibang ginawa kundi mam-bully sa mga freshmen na katulad natin."

"Hindi ka natatakot sa kanya?Anak siya ng Mayor dito lugar natin."

"Okay lang, anak naman ako ni Fred at ni Rain" nagtawanan kaming dalawa.

Aaminin ko magaan ang loob ko sa kanya. Inaasar na nga ako ng bestfriend kong si Geneva sa kanya kasi crush ko daw siya. Siguro crush ko nga siya kasi masaya ako kapag kasama ko siya.

"Mabalik ako, anong oras sa sabado?"

"Ang alam ko madaling araw aalis. Kasi aakyat pa tayo sa bundok. Teka, papayagan ka ba ni Tita" ang pagkakaalam ko kasi may pagka-istrikto ang mga magulang niya lalo na ang Mommy niya.

"Oo, nagpaalam na ako. Pinayagan naman ako kasi magandang exposure daw iyon kay Papa kapag nakikitang tumutulong ako pero huwag mong masamain Sum gusto ko talagang tumulong." Alam ko naman na bukal sa loob niya 'yun.

Ang pagkakaalam ko kasi ay tatakbong Mayor ang Tatay niya sa susunod eleksyon.

Nagpaalam na si Josh dahil malapit na magstart ulit ang klase. Pero bago ako makarating sa Classroom ko ay nakita kong nakatambay si Zeus mayabang sa isa sa mga bench na dadaanan ko.

Wala sana akong balak na pansinin siya pero hinarangan niya ako.

"Anong kailangan mo?" Halata na sa boses ko ang pagkairita dahil para na kaming nagpapatentero dahil hinaharangan niya ang bawat daan ko.

"Alam mo napakasungit mo, feeling maganda ka"
Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Hindi ako feeling maganda,at bakit mo ba ako hinaharangan. Baka ma-late ako sa klase ko. Kung wala kang magawa huwag ako ang pagtripan mo"

"Taray mo talaga 'no. Hindi mo ba kilala kung sino ako at kung sino ang mga magulang ko?"

"Kilala kita sa pangalan, ipangalandakan mo ba naman dahil sa kayabangan mo. Kilala ko mga magulang mo kasi sila ang binoto ng mga magulang ko. Masaya ka na? Kuntento ka na?" Nagulat siya sa mga sinabi ko pero bigla naman siyang ngumiti pagkatapos kong magsalita.

"Ok fine"

"Ano?"

"May karapatan ka nga mag-maganda" wala na akong balak makipag usap sa kanya dahil halata naman na iniinis niya na lang ako.

"Pwede mo na ba akong padaanin?" Hindi na siya nag salita pero nakatitig lang siya sa akin at umalis na sa daanan ko.






"Bakit sambakol 'yang mukha mo?" Si Tito Junie. Siya ang taga-hatid at sundo namin ni Lorenz sa School.

"Wala po Tito. May asungot lang po sa school"

"Naku, mukhang simula na ng kalbaryo ni Fred" hindi ko siya naintindihan kaya tumahimik na lang ako sa sasakyan.

"Ano ba, paulit-ulit na lang tayo sa topic na to! Ang slow mo nman!"

"Hindi ako slow, hindi ka lang magaling magturo"

"Bwiset ka talaga!"

"Feeling maganda ka naman"

Bakit ba ang hilig sabihin ng mga lalaki ang mga linyang yan! Haysss.

May asungot na nga sa School, aabutan ko pang nag-aaway si Lorenz at Bridgette.

"Huwag kayong mag-away. Lorenz naman be nice to Bridgette pinakiusapan na nga lang siya ni Mama eh"

"Eh Ate, ikaw na lang sana nag-tutor sa akin. Ang arte-arte ng babaeng 'to" doon na siya sinabunutan ni Bridgette. Napailing na lang ako at aakyat na sana sa taas nang marinig ko ang boses ni Mama sa kusina.

"Ma"

"Su, anak! May good news ako sayo"

"Ano po 'yun?"

"Marami na tayong makakasamang mag vo-volunteer sa sabado"

"Talaga po? Mabuti naman po Mama, sasama nga rin po pala si Josh"

"Good yan anak pero kasi 'yung secretary ni Mayor nakausap ko, willing daw sumama 'yung isa sa mga anak ni Mayor kasama ang iba pa niyang mga pinsan" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Medyo kinakabahan na ako.

"S-sino po doon Ma?" Please. Sana hindi siya.

"Si Zeus Lagdameo daw"

Ok.

Anak ng BugawWhere stories live. Discover now