Chapter 3

15.5K 357 13
                                    

Hindi ko namamalayang nagiging excited akong mag-sabado dahil makakasama si Josh. Isa sa pinagbabawal sa bahay lalo na ni Papa ay ang magpaligaw ako dahil masyado pa daw akong bata at alam ko naman iyon.

Wala akong balak pumasok sa isang relasyon sa maagang edad. Hindi iyon ang prayoridad ko, pero hindi naman na siguro masama na humanga ako sa kanya.

"Sum, dadaan ako sa inyo bukas para sabay na tayo pagpunta sa foundation."

"Hindi na Josh, si Papa ang maghahatid sa amin." Mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin. Paniguradong iba ang iisipin ni Papa sa oras na makita siya.

"Sum, Sorry talaga at hindi ako makakasama ha. Nakakainis kasi bukas pa na-sched ang  salon ni Mama." Si Geneva. Bestfriend ko, alam niya ang kwento ng buhay ko dahil panatag ang loob ko sa kanya.

Hindi ko kinakahiya na ampon lang ako, pero hindi ko rin naman pinangangalandakan lalo na kung wala naman nagtatanong. Ilang beses na akong nadala na sa oras na malaman ng mga bago kong mga kaibigan na hindi ako tunay na anak ay paunti-unti silang nawawala at parang hindi kami magkakilala. Si Geneva lamang ang hindi natinag at nanatiling kaibigan ko.

Naalala ko pa dati, ilang beses nagpunta ng Guidance office si  Mama at Papa para lang ireklamo ang mga kaklase kong bully.

Nahihiya ako hindi dahil na-bully ako, kundi nahihiya akong naiistorbo ko sila Mama para lang sa mga kaklase kong hindi alam ang salitang respeto. Hindi naman mahalaga ang opinyon nila sa pagkatao ko dahil hindi nila alam ang kwento ng buhay ko.

Kaya masaya akong bukod sa pamilya ko ay may Geneva at Josh pa akong tanggap ako sa kung sino ako.

"Ok lang Gen, basta sa susunod sama ka na ha"

"Oo naman, teka Josh, buti pinayagan ka ni Tita na sumama bukas?"

"Okay lang naman daw. Siguraduhin ko lang daw na magpakuha ako sa official photographer para makita ang ginagawa ko" sabay kaming napailing ni Gen.

"Sorry Sum ha, pero bukal sa puso ko ang pagtulong."

"Don't worry Josh. Alam ko naman iyon. Sana in-invite mo na rin sila Tita"

"Naku naman Sum, para namang hindi mo kilala si Tita." Nilakihan ko siya ng mata. Baka kung ano isipin ni Josh. Agad naman siyang tumugil nang makita ako.

"Okay lang Sum" matipid akong ngumiti.

"Ma? Bakit po?" Hindi ako laging tinatawagan ni Mama kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Wala naman Sum, kaya lang kasi nang tumawag ako sa office ni Mayor para magtanong kung sasabay ba sa atin ang anak ni Mayor, ang sabi ay siya na lang daw ang tanungin  ng personal." Mukhang nakakaba nga ang tinutumbok nitong si Mama.

"Sana Ma, hiningi mo na lang ang number niya"

"Ayaw ibigay dahil nagagalit daw ito kapag binibigay ang personal na numero. Kaya ako tumawag para utusan ka sanang ikaw na lang ang magtanong tutal ay parehas naman kayo ng School." Napakagaling talaga ni Mama.

"Pero Ma, nakakahiya po.."

"Anak, bakit ka naman mahihiya. Para naman ito sa program. Magtatanong ka lang naman. Sige na, please? Sum?"

Hindi ko maiwasang huminga ng malalim. Oo nga naman, ano naman ang nakakahiya. Pero hindi alam ni Mama kung gaano kayabang ang lalaking 'yun at malamang galit din iyon sa akin dahil sa nangyari noong nakaraang araw.

"Opo Ma, kapag nakita ko po siya"

Ngayon Sum, paano mo gagawan ng paraan ang pabor ng Mama mo?

Nagpaalam na sila Gen at Josh dahil may klase na sila, ako naman ay wala na dahil wala daw ang dalawa naming Prof.

Kailangan ko nang matapos ang pinapagawa ni Mama para wala na akong iisipin pa. Kung tutuusin simple lang naman.

Ang kailangan ko lang gawin ay lapitan siya at tanungin kung sasabay ba sila ng mga pinsan niya o hindi sa pagpunta sa bundok bukas.

Nagkakaingay ang gym pagpasok ko, malamang may practice na naman ang Basketball team ang pagkakaalam ko kasi may darating na laban next week.

Naglalaro kaya ang mokong na iyon?

"Go Zeus!" Halos mapatalon ako nang sabay-sabay na sumigaw ang mga babae sa likuran ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapalingon habang hawak ang tenga ko.

At sila na ang sumagot sa tanong ko kung nasaan ang lalaking iyon. At nang tignan ko siya kumindat pa siya sa mga babaeng tumili kaya para silang mga bulateng sinawsaw sa asin. Hindi ko maiwasang mapailing.

Bigla naman akong napa-pormal ng ayos nang magtama ang paningin namin.

Sinimangutan ko siya pero bigla naman siyang kumindat. Mas lalo tuloy nagkagulo sa likuran ko.

Baliw siya.

Mabibingi ako nang maaga kapag hindi pa ako umalis sa pwesto ko kaya pumunta na lang muna ako sa likod at doon na lang maghihintay na matapos siya.

Nilabas ko ang isa sa mga  libro ko at pilit inaliw ang sarili sa pagbabasa at nagtagumapay naman ako dahil hindi ko namalayang tapos na pala ang practice

"May kailangan ka sa akin?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses niya. Bagong ligo na siya. Teka, kanina pa ba tapos ang practice?

Inayos ko na ang gamit ko.

"Sasama daw kayo bukas sa Outreach program ng Foundation?"

"Oo, may problema ba?"

"Wala naman, pero pinapatanong kasi ni Mama ko kung sasabay kayo bukas?"

"O baka naman ang gusto mong sabihin ay gusto mo akong makasabay" hindi ko tuloy maiwasang mapairap sa sinabi niya.

Ok Sum, tapusin mo na ang pakikipag-usap sa kanya bago ka pa mawalan ng pasensya.

"Mr. Lagdameo, matutuwa na sana ako na sa kabila ng kagaspangan ng ugali mo ay kahit papaano ay may puso ka pa rin sa pagtulong sa mga mahihirap kaso sa pinapakita mo ngayon mukhang i-extend mo lang sa bundok ang kayabangan mo." Mas lalo akong naiinis dahil mas lalong lumalapad ang ngisi niya habang nagsasalita ako.

"Wow, sakit naman 'nun Ms. Miller pero para sa kaalaman mo bukal sa kalooban ko ang pagtulong sa mga maihirap." Hindi ko tuloy maiwasang mapairap sa sinabi niya.

"So, pwede sagutin mo na lang ang tanong ko para makaalis na ako" nilagay ko na sa bag ko ang librong nilabas ko kanina.

"Oo sasabay kami."

"Kung ganoon, magpunta na lang daw kayo sa foundation para sa kaunting meeting ng 3am medyo malayo ang bundok malaysia."

Tumalikod na ako at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko. Akmang may sasabihin siya pero napatigil ng humarap ako.

"Bakit?"

"W-wala.. sungit mo" at imbes na ako ang mag walk out siya na tuloy ang nauna.

Hmp. Mayabang ka naman.


Anak ng BugawWhere stories live. Discover now