Chapter 4

14.2K 283 8
                                    

Ala-una pa lang naririnig ko na si Mama at Papa sa  kusina. Malamang at naghahanda ng pagkain bago kami umali. Kinuha ko na ang bagpack ko pagtapos kong masiguro ang mga dadalhin ko.

"Goodmorning Ma, Pa"

"Goodmorning anak, ready na ba ang mga dadalhin mo?" Si Papa na tinutulungan si Mama  na magdala ng pagkain sa lamesa.

"Opo 'Pa"

" 'Nak, nasabihan mo ba sila Josh na sa foundation na tayo magkikita-kita.?"

"Opo 'ma."

"May gusto ba sayo ang Josh na yan?" Muntik ko ng mabuga ang kape ko.

"Pa naman. Wala po,magkaibigan lang po kami."

"Siguraduhin mo lang. Ayokong nagpapaligaw ka kung saan-saan"

"So kung dito sa bahay liligawan ang anak mo ay okay lang?" Si Mama.

"Wala akong sinabing ganoon, magconcentrate ka sa pag-aaral mo" kinindatan naman ako ni Mama. Napailing na lang ako.

"Opo pa."

"Mag-iingat kayo ha. Walang kasama si Lorenz sa bahay kaya kailangan ko ng bumalik."

Mabilis na akong yumakap kay papa at ganoon din si Mama.

"Fred, pupunta si Bridgette sa bahay, pakisabihan ang anak mo na maging nabait sa tutor niya."

"Opo, hayaan mong dumiskarte ang anak natin" sinamaan siya ng tingin ni mama. Agad naman siyang niyakap ni papa. 

“Oo na.. Huwag ka na sumimangot dyan” nakakakilig talaga sila pagmasdan. Sabay-sabay kaming napalingon ng makarainig kami ng busina. Tatlong sasakyan ang paparating.

Isang SUV na kulay itim at dalawang Hi-ace Van.

“Ayan na yata ang anak ni Mayor” bigla akong kinabahan sa sinabi ng isa sa mga volunteer.

At hindi nga siya nagkamali. Nakasuot siya ng kulay puti na V-neck shirt at maong pants. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap.

“Magandang umaga po Ma’am” magalang na bati niya kay Mama.

“Magandang umaga naman Hijo, salamat at nagkaroon kayo ng time sa ganitong klaseng activity. Teka, nasaan ang mga pinsan mo?”

Halatang Masaya si Mama na makita siya. Hay naku ‘Ma, kung alam mo lang…

“Nagkaroon po ng emergency, sa susunod daw po  sasama na talaga sila. Nagpadala rin po pala si Daddy ng dalawang Van just in case daw po na magkulang at marami ang kailangan dalhin.”

Nagpalakpakan ang mga volunteers.

“Talaga ba, salamat kung ganoon. Ang totoo namomroblema nga kami sa sasakyan. Hindi kasi pwedeng gamitin ang sa amin dahil may site viewing sa malayo ang asawa ko ngayon” tumingin si Mama kay Papa.

“Good morning po, Sir” tumango naman si Papa at tinanggap ang shake hands na inalok ng mokong.

Teka, bakit parang naiba ang ihip ng hangin. Hala baka may sakit ang lalaking ‘to ngayon. Baka kinokombulsyon siya kaya ganyan siya ngayon.

“Magandang umaga.” Narinig kong sagot ni Papa. Naku pa, huwag kang magpapauto dyan.

“Good morning Sum” nagulat ako sa bati niya. nakangising aso ang mokong. Inirapan ko lang siya. Nagtatakang nilingon naman ako ng Papa kaya umayos ako ng pagkakatayo ko. .

“G-good morning.” Napipilitan kong sagot, baka kung ano ang isipin ni Papa kapag hindi ko ‘to pinansin.

Nagpaalam na rin si Papa dahil walang kasama si Lorenz at may kailangan pa rin daw siyang aralin.

Anak ng BugawWhere stories live. Discover now