Kabanata 13

12.4K 367 82
                                    

"Saan mo dinala ang anak ko Lagdameo?"

"P-pa!" Agad akong nagmano at humalik sa kanya.

"Pa, huwag ka pong magalit kay Zeus. May pinuntahan lang naman po kami."

"I'm sorry Sir.." tinignan ko siya para sabihing makakalis na siya at ako na ang bahalang magpaliwanag kay Papa.

"Hindi porket nagpapasok ka ng malaking pera sa kompanya ay may karapatan ka na sa anak ko. " Ano ba naman to si Papa. Napailing na lang ako.

"Pa, wala nga po kaming ginawa. May pinuntahan lang po kami.." Napansin ko si Mama na lumabas galing kusina. Tinignan ko siya at nagets naman agad ni Mama na nanghihingi na ako ng tulong.

"Ano ka ba naman Fred. Huwag ka ngang OA." Hindi na umimik si papa pero masama pa rin ang kanyang tingin kay Zeus.

"P-pasensya ka na kay Papa, Zeus.." hinatid ko na siya dito sa labas na madala na ni Mama si Papa sa taas.

Natawa lang siya sa akin.

"I understand.." humarap siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Z-zeus.."

"Bakit parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa bibig mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang mahampas siya. Tinawanan lang ako ng loko.

"Umuwi ka na nga, kung ano-ano na ang sinasabi mo."

"See you tomorrow?" Umiling agad ako. May cliniquing kami bukas para sa laban nila Lorenz at Bridgette sa RSPC.

"May training sila Lorenz bukas kaya hindi ako sigurado kung anong oras kami makakauwi. Paniguradong traffic dahil friday bukas." Hindi siya sumagot pero pinatunog niya na ang kanyang sasakyan.

"S-salamat sa paghatid.."

Nginitian niya ako.

"Salamat kasi pinakinggan mo ako. At seryoso ako Summer. Maghihintay ako" hindi ko maiwasang mapakagat labi sa sinasabi niya.

Tumango na lamang ako nang maramdaman at paghalik niya sa aking noo.

"Goodnight Baby.." halos mapapikit ako sa paraan ng pananalita niya.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho.."

Hindi ko alam kung okay lang ba na maging sobrang saya. Hindi ko alam kung deserving ako sa ganitong klaseng kaligayahan. Hindi ko alam kung tama lang ba na pagbigyan ko ang sarli ko.

Pero bakit naman hindi? Bakit hindi ko subukan? Nagawa kong ngang sumubok sa isang taong hindi ako sigurado. Wala rin naman kasiguraduhan si Zeus pero alam kong iba siya kay Josh.

“Okay, fellow SPA bad news hindi po tayo binigyang ng budget para sa pagkain at transpo ngayong RSPC so I’m afraid to say na magkakanya-kanya tayong hanap ng paraan para makakuha ng sasakyan papuntang Batangas.” Narinig ko agad ang reklamo ng mga kasamahan ko.

Last day ng cliniquing nila Lorenz at Bridgette para sa laban nila sa Monday. May last meeting muna kami para sa ilang paalala.

Dati ay libre ang pagkain pati na rin ang transpo ng lahat kaya hindi namroblema ang dating adviser.

Ngayon mukhang kailangan kong isipin kung saan kami kukuha ng sasakyan. Naisip kong makisabay na lang sa ilang naging kakilala pero halos lahat sila magco-commute lang.

Nang matapos ang training nila ay hindi ko na mapigilang mag-alala. Hindi naman pwede ang sasakyan ni Papa dahil ginagamit niya ito pati ang Van ay may nakaschedule na rent.

Anak ng BugawWhere stories live. Discover now