Chapter 5

13.8K 290 6
                                    

Hindi pa man humihinto ang mga sasakyang dala namin ay sinasalubong na kami ng mga batang nagtatakbuhan. Nang huminto ang sasakyan ay akmang bubuksan ko na ang  pinto nang hawakan niya ang braso ko para pigilan.

“Sandali..”

Bumaba siya ng sasakyan at patakbong pumunta sa pinto sa gilid ko at pinagbuksan ako. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito.

Kanina sa bhaye ay laging nauuwi sa asaran ang usapan namin kaya lagi akong napipikon na siyang ikinatutuwa niya naman.

Pagbaba ko ay hindi ko nabalanse ko ang tayo sa dami ng bato. Agad niyang nahawakan ang braso ko upang hindi matuluyang mapaupo. Mabato ang daanan.

“Careful..” banayad niyang sabi, medyo kinilabutan ako nang mahimigan ko iyon ng pag-aalala

“S-salamat..” hindi mo kailangan mautal Sum. Muntik na akong mapailing.

Napansin ko nang nagkagulo na ang mga bata na agad namang sinundan ng mga tanod sa lugar upang pabalikin sa kanilang lugar.

May nakita agad akong lumapit kay Mama, nakasuot siya ng kulay neon green na vest. Ito yata ang Kapitan ng kanilang Brgy. Nakipag kamay ito at iginiya na si Mama sa kung saan.

Pinagmasdan ko ang paligid ko, kung mayroong mga  batang nagtakbuhan, ay mayroon din namang nanatili sa kanilang mga pwesto at mataman lamang na pinagmasdan ang mga Volunteers na isa-isa nang ibinababa ang mga karton. Nakita ko na rin ang mga Doktor na nag-aayos na sa mga lamesang inihanda para sa libreng Check-up .

Agad akong tumakbo sa Van upang tumulong sa pagbubuhat ng ilang  karton, pero muntik na naman akong matapilok.

“I said, be careful..” halatang naiirita na naman siya sa akin dahil siya na naman ang nakahatak sa braso ko.

Kahit pa nakasuot na ang kanyang wayfarer ay halata pa rin ang pagkunot ng kanyang noo.

“Salamat.” Nakita kong dala at nakasabit na sa kanya ang isang A9 Sony Camera. So mahilig siyang kumuha ng pictures?

Agad na akong pumuwesto upang tumulong sa pamimigay ng mga gamit sa school sa mga batang nakapila, dito ang gusto ko, sa mga bata.

Naging abala na ang lahat sa pamimigay, tirik na tirik pa rin ang araw sa oras na alas-dos pero hindi alintana ng mga nakapila sa arawan ang sakit sa balat na iyon. .

Nagkakaingay ang mga bata sa pila pero agad naman silang nagpapasalamat kapag iniaabot na sa kanila ang plastic.

“Ate,Ate, Crush ka daw nito oh, si Toto!” at nagtawanan sila. Natawa naman ako, ako na ang nag-abot ng plastic sa batang lalaking hindi na makatingin ng maayos sakin.

Biglang sumulpot ang mokong sa tabi ko, napansin kong basang-basa na siya ng pawis.

Kanina nakita kong busy siya sa kaka-click ng dala niyang camera at paminsan-minsa ay tumutulong sa pagbubuhat ng mga carton na naiwan pa sa Van.

“Naku To, may syota na!” sigaw naman isa pa nilang kasamahan, nagtawanan naman ang ilan. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bata. Anong syota pinagsasabi mo.

“Mag-aral muna kayo bago ang syota-syota” mahinahon naman ang pagkakasabi niya pero nahihimigan ko iyon ng pigil niyang pagtawa.
At bakit iyon lang ang sinabi niya, hindi niya man lang sinabi na hindi naman talaga kami mag-syota.

“Kayo talaga, hindi naman kami—“

“Oh Next na, nabibilad na sa init yung nasa likod” hindi man lang niya ako pinatapos sa sasabihin ko, paano kung akalain nga ng mga ito na mag-syota kami baka akalain na pumapatol ako sa unggoy.

Anak ng BugawWhere stories live. Discover now