1

15.4K 195 23
                                    

NAPAPITLAG SI CAINE nang tumunog ang kanyang alarm clock. Habang nakadapa pa rin ng higa ay inabot niya ang alarm clock at pinatay. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay hindi pa siya nakakatulog. Medyo masakit ang kanyang ulo. Nahiling na naman niya na sana ay makatulog naman siya nang deretso at mahimbing kahit na isang gabi lang. He really missed the good night sleep.

"Rise and shine!"

Napamulat ng mga mata si Caine. Napaungol. "Go away," ang kanyang bulong pero tumihaya na siya ng higa. Nakaupo sa gilid ng kama si Elora. As usual, isang maganda at matamis na ngiti ang nakahanda na para sa kanya. Ipinikit niyang muli ang mga mata.

"Bangon na, mahal. Mataas na ang araw."

"So? Hindi naman ako halaman," aniya habang hindi gumagalaw sa higaan.

"Haha. Not funny."

"Go away."

"It's gonna be a good day. You're gonna be happy today."

"'Doubt that."

"It's gonna be a good day. You're gonna be happy today."

Napabuntong-hininga na lang si Caine. Hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nitong iyon pero alam din niya na walang saysay ang pakikipag-argumento. Ipipilit ni Elora ang gusto. Alam niya na hindi niya mababago ang anumang iniisip nito o opinyon.

"Come on. Wakey. Wakey."

"Masyadong matinis ang boses mo."

"Masyadong masigla at masaya," ang pagtatama ni Elora. "And you know you love it. Besides, it's not really my fault na ganito ako."

Nagmulat ng mga mata si Caine. Alam na alam niya na tama ang sinabi nito. He loved everything about her even if she was being annoying. Pinilit na niya ang sarili na bumangon sa higaan kahit na parang masyadong mabigat ang kanyang katawan.

Napapalakpak si Elora. "Yey!"

Naipailing-iling si Caine habang patungo sa banyo. Paglabas niya roon ay nakaligo na siya. Wala si Elora sa silid. Nagbihis na siya bago inayos ang laman ng kanyang bag. Siniguro niya na dala niya ang mga kakailanganin para sa araw na iyon. Paglabas niya sa silid ay sinubukan niyang dumeretso ng labas. Siyempre ay hindi siya nagtagumpay.

"Breakfast!"

Natigil sa paglalakad si Caine at napagawi ang mga mata sa may kusina. Naroon si Elora, nakangiti. Napapabuntong-hininga na pumasok siya sa loob ng kusina imbes na dumeretso ng labas. Inilapag niya ang dalang bag sa breakfast counter.

"Nasaan ang breakfast?" ang kanyang tanong. "If you're gonna remind me to eat, you should at least cook or prepare something for me."

"Don't be silly," ang tugon ni Elora na prente nang nakaupo sa isa sa mga dining chair.

Inabot ni Caine ang non-stick frying pan at isinalang sa kalan. Naglabas siya ng butter, bacon at itlog mula sa ref. Habang nagpi-prito ay inilabas niya ang loaf bread mula sa pantry. Nagsalin siya ng orange juice sa isang baso at inihanda ang lahat ng pagkaing naluto sa isang plato bago siya naupo na rin.

"Walang for me?" ang nakalabing tanong ni Elora.

"Don't be silly," ang balik ni Caine na ikinatawa ni Elora. "I have made progress and I'm not gonna ruin that." Sinimulan na niya ang pagkain kahit na parang wala siyang panlasa. Kailangan niya ng enerhiya sa maghapon.

"Yeah, you did. And I'm so proud of you."

Napangiti si Caine. Hindi katulad ng mga nakaraang linggo na nakaramdam siya ng pagdududa. Sa pagkakataon na iyon ay hindi niya iyon makapa. Inisip niya na ang ibig sabihin niyon ay ganap na siyang naniniwala ngayon. Nagdesisyon siyang ikasiya ang realisasyon na iyon.

Someone Like You (Completed)Where stories live. Discover now