8

7K 150 53
                                    

"CONGRATULATIONS."

Ngumiti at nagpasalamat si Caine. Makailang beses na niyang narinig ang salitang iyon nang gabing iyon pero masarap pa ring pakinggan. Masaya pa rin siya na naging matagumpay ang gabi na iyon para sa kanya. Hindi na muna niya inisip ang mga kulang sa kanyang buhay, mas pinagtuunan niya ng enerhiya ang mga mayroon siya sa kasalukuyan.

Matagumpay ang kanyang art exhibition nang gabing iyon. Marami siyang narinig na mga papuri. Mas nangibabaw ang paghanga sa kanyang obra kaysa sa awa para sa kanya. Iyon naman ang talagang gusto niya. Gusto niya na makita ng mga tao si Elora. Ang ngiti nito. Ang kislap ng mga mata. Ang pamumula ng mga pisngi. Ang pagmamahal na kanyang nadarama at habang-buhay na mararamdaman. Gusto niyang makita ng iba kung paano niya nakita si Elora. He wanted to imortalize her through his paintings.

Lahat ng painting ni Caine sa exhibit na iyon ay portrait ni Elora. It started with the angry and hurt Elora. Ang Elora na nakita niya sa restaurant. Nagtatapos iyon sa Elora na nakakalbo at nakaratay sa higaan. Kahit na hirap, she managed to smile. Kahit na mukhang masyado nang napapagod at nanghihina, siniguro niya na maipapakita sa painting na hindi ganap na natalo ng cancer ang fighting spirit nito. She had the sparkle and sass up until the very end.

Maraming pagkakataon na parang mapapabulalas sa iyak si Caine nang gabing iyon pero pilit siyang nagpakatatag. He felt like he was moving on and that was just wrong. The painting used to be locked and private. Ginawa niya ang mga iyon para masiguro sa sarili na hindi niya makakalimutan si Elora. May mga pagkakataon na pakiramdam niya ay hindi niya nakukuha nang tama ang mga detalye kaya naman susubukan niyang muli. Naipon nang naipon ang mga painting. Nang sabihin ng isang kaibigan na maaari na niyang ilabas ang mga iyon sa isang exhibition ay hindi kaagad siya pumayag. Masusing pag-iisip muna ang kanyang ginawa.

Hindi rin inakala ni Caine na marami ang magkakainteres sa painting. The Ellie collection had been his best work so far. The critics loved most of the pieces. Some paid a great deal of money to have a piece. Lahat ng kikitain niya sa gabing iyon ay mapupunta sa isang charity organization na tumutulong sa mga batang may mga espesyal na pangangailangan.

Niyaya si Caine ng ilang kaibigan sa isang lugar para makapag-celebrate pero tumanggi siya. Sinubukan din siyang yayain sa kung saan ng ilang kapamilya. Nagpapasalamat siya sa concern ng mga ito pero kailangan niyang tumanggi muna. Kailangan niya nang kaunting panahon para mapag-isa. Kailangan niya ng makita at makasama ang mga painting sa huling pagkakataon bago mai-ship ang mga ito sa mga bagong may-ari. Kailangan niyang magpaalam.

Naiwan si Caine na mag-isa sa space na iyon sa gallery. Tahimik ang buong paligid. Patay na ang ilang mga ilaw. Naupo siya sa sahig, sa harapan ng isang malaking portrait ni Elora. Makulay iyon. Nakangiti ang dalaga. Napakasaya ng mga mata.

Namasa ang mga mata ni Caine. "I love you," ang kanyang usal.

"I love you, too."

Tumingin si Caine sa kanyang kanan. Nakaupo na roon si Elora. Ginawaran siya nito ng isang banayad na ngiti. "I will always love you."

"Why did you have to go? Why did you have to die?" Nang malaman niya ang pagkakaroon nito ng cancer ay hindi niya hinayaan na matakot at magpanic nang husto ang sarili. Kumbinsido siya na may magagawa pa sila. Kumbinsido siya na kaya pa nilang labanan iyon. Ginawa nila ang lahat pero hindi na talaga kaya. The cancer spread quickly. Napagpasyahan nila na samantalahin na lang ang limitadong panahon na mayroon silang magkasama. Hanggang sa bumigay ang katawan nito. Hanggang sa iniwasn siya nitong mag-isa.

"Ganoon talaga. Hindi naman ako magagalit kung magmo-move on ka na, Caine. Mananatili mo naman akong mahal. Mananatili kitang mahal. Kahit na wala na ako, hindi rin naman magbabago ang katotohanan na minahal natin nang husto ang isa't isa. What we had was real. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na magiging real ang magiging relasyon mo sa ibang babae in the future. I think you can find something real again."

Umiling-iling si Caine. "I don't think I can ever love again."

"If I'm talking about it, you're surely thinking about it."

"Well-played."

"I'm just in your head. Binuo mo lang ako para makapagpatuloy ka sa araw-araw. I'm just a manifestation of your subconscious."

Tama ang mga sinasabi nito—o ang mga sinasabi niya sa sarili.

"Pero sooner or later ay alam mo na kailangan kong mawala, maglaho."

Umiling-iling si Caine. "I don't want you to go."

"Maybe. Pero alam mo na hindi na ito nagiging healthy. Alam mo na kailangan mo 'kong pakawalan."

"Ayoko talaga. I don't want you to go."

"But I'm already gone, Caine."

Noon na bumagsak ang mga luha ni Caine.

"You'll find someone like me one day."

Umiling si Caine. "I don't think so."

"Okay, you'll never find someone like me. Because I'm unique and what we had was also unique. Pero darating ang araw na magiging ready ka na uli. You're gonna find someone better. She's going to be so incredible and you're gonna be happy again. Your love will be amazing. Siguro ay matatakot ka sa simula pero kilala kita. You'll eventually leap and let yourself fall. Kahit na mayroong posibilidad na masaktan at maiwanan ka na naman. It's gonna be okay."

Hindi magawang magsalita ni Caine. Nananakit masyado ang kanyang lalamunan.

"You have to be open for new love or for new possibilities, at least. Let yourself fall and be happy again. My love for you will never go away."

Tumingin si Caine sa painting sa kanyang harapan. Parang may bahagi pa rin ng kanyang puso ang nagpo-protesta pero alam din niya na tama ang mga sinasabi niya sa sarili.

"I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa noong nabubuhay ka pa. I'm sorry kung hindi ko nasabi ang lahat ng gusto kong sabihin sa 'yo. I'm sorry kung hindi ko palaging naiparamdam kung gaano kita kamahal. I'm sorry sa lahat ng pagkakataon na hindi ako humingi ng sorry pero dapat."

"It's okay, honey. It's okay."

"And thank you. Thank you for giving us a chance. Thank you for making me the happiest man. Thank you for loving me in good times and in bad. Thank you for always being there."

Unti-unting tumayo si Caine. Alam niyang dapat na siyang tumalikod pero hindi pa rin niya maigalaw ang kanyang mga binti.

"You have to let me go."

"I really don't want to, Ellie."

"I'm already gone."

"I heard you the first time," ang naiinis niyang sabi.

"I have to go, Caine."

Tumutulo ang mga luha na tumalikod siya at naglakad palayo. "Good-bye, Ellie."

-wakas-

belle feliz

Someone Like You (Completed)Where stories live. Discover now