3

3.4K 74 1
                                    

"SO BAKIT MO 'KO tinulungan kanina?"

Hindi kaagad sumagot si Caine. Nilunok muna niya ang pagkain na nasa loob ng bibig at inabot ang kanyang wineglass. Nang mailapag niyang muli iyon ay naghintay pa siya ng ilang sandali pa bago nagsalita. "The food here is great," ang kaswal niyang sabi. "Hindi ko inakala. The portions aren't so tiny. I like the food. I like the view and the ambiance. Not so bad at all."

Tumango-tango si Elora. "Yes, not so bad. Sulit kahit na medyo mahal. Maganda ang services. Hindi uptight. Makakapag-relax ka. Ma-e-enjoy mo nang husto ang food."

"I gather hindi ito ang unang pagkakataon mo rito?"

"My third today. Dinala ako ng isang girl friend the first time. I begged Arnulf to take me here the second time. Nagustuhan din niya rito at madalas niyang sabihin na dapat ay bumalik kami pero as you know, mas kilala na ngayon ang restaurant at mahirap ng magpa-reserve ng table. Limited lang kasi para ma-maintain ang privacy ng diners, which I really like. Plus, naging sobrang busy naming dalawa na hindi na kami nakakalabas nitong mga nakakaraang buwan. Ang hindi ko alam ay pinagkakaabalahan din ng boyfriend ko ang kapatid ko. 'Sucks, isn't it? First time tonight?"

"Yes. Matagal na akong kinukulit ng gilfriend ko na dalhin ko siya rito. So kahit na medyo mahirap makakuha ng reservation para sa birthday niya, pinilit ko pa rin."

"Ah, there it is. Hindi ka sinipot ng girlfriend mo."

This girl is good. "Yes, hindi ako sinipot ng girlfriend ko." Wala nang saysay na ikaila pa ang bagay na iyon. Gusto naman niya ang naging resulta ng hindi pagsipot ni Terri sa kanilang dinner date. Nakilala niya si Elora. Nasisiguro niya sa sarili na mas kikilalanin niya ang babae. Hindi matatapos sa gabing iyon ang meeting nila. Habang lumilipas kasi ang mga sandali ay mas nararamdaman niya ang paglago ng interes. May kadaldalan ang babae. Ang dami na nitong nasabi sa kanya habang kumakain sila at dapat ay nawawala na ang misteryo, pero kabaliktaran ang naging epekto sa kanya. Parang mas gusto niyang kilalanin si Elora. Parang mas gusto niyang dumaldal ang babae tungkol sa sarili nito.

"Tell me about it," ang kaswal na hiling sa kanya ni Elora.

"No."

"Come on! You've seen how I acted earlier. Alam mo na pinagtaksilan ako ng boyfriend kong hindi ko alam na gay. Baka makapagbigay sa akin ng comfort ang kaalaman na hindi lang ako ang miserable ngayong gabi. Ano ang ginawa ng girlfriend mo sa 'yo? Bakit hindi ka niya sinipot? Have you guys broken up?"

"Yes, we've broken up over the phone. Katatapos lang naming mag-usap nang magsimula kang mag-eskandalo."

"Ohh! Interesting! Tell me more."

Sa palagay ni Caine ay fair lang na magkuwento siya nang kahit na kaunting bagay tungkol sa nangyari sa kanila ni Terri kaya naman hindi na siya nag-alinlangan o nahiya man lang.

"What a bitch. Ano ang nagustuhan mo sa kanya?" ang sabi ni Elora pagkatapos niyang sabihin ang nangyari.

Nagkibit-balikat si Caine. "She was sweet and kind when I met her."

"Perfect din si Arnulf noong unang beses ko siyang nakilala. I thought he's the one for me kasi nalagyan niya ng check ang lahat ng mumunting box sa checklist ko."

"Siguro ay ganoon talaga sa simula. Parang masaya at perfect ang lahat. Halos hindi natin namamalayan na nami-misrepresent na natin ang mga sarili natin sa isang potential life partner. Wala kang ibang nakikitang iba kundi ang magagandang katangian niya dahil masaya ka. Saya na mapanlinlang. Parang you're too happy and in love na hindi mo makita kung ano ang mali sa inyong dalawa. Kaya kapag lipas na ang happiness at love, wala ka ng ibang nakikita kundi ang hindi magagandang qualities ng isa't isa."

Someone Like You (Completed)Where stories live. Discover now