7

2.6K 61 3
                                    

"HAVE I ALREADY TOLD you how gorgeous you are tonight?"

Banayad na natawa si Caine. "Yep. Thirty times na yata." Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo ni Elora. Nagdasal siya na sana ay hindi nito isipin na sinasamantala niya ang pagkakataon. Hindi lamang niya mapigilan ang sarili. She was too close to him. Yakap-yakap nito ang kanyang braso. Mukhang naparami ang inom nito ng wine pero kaya pa naman nitong maglakad nang tuwid. Katatapos lang ng dinner nila kasama ang pamilya nito. Alam niya na hindi naging madali ang dinner na iyon para kay Elora kaya yata naparami ang inom nito ng wine.

Elora's family was interesting. Tahimik lang ang dad nito at parang walang gaanong pakialam sa mga nangyayari. Ang ina nito ang nagsalita nang nagsalita. Pilit nitong inaayos ang gusot sa pagitan ng mga anak nito. Bahagya niyang ikinainis na para bang mas kinakampihan pa nito si Rico. Si Rico na parang walang nararamdamang remorse sa ginawa sa kapatid. Naupo ang kapatid ni Elora na para bang entitled ito sa kapatawaran ng kapatid. Hindi komportable si Arnulf na panay ang sulyap sa kanya. Mukhang gusto nitong mas usisain ang tungkol sa kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya roon pero hindi makasingit sa ina ni Elora. Ang stepfather nito ay masyadong abala sa mga pagkain para pagtuunan ng pansin ang ibang mga bagay. Sa iilang pagkakataon na nagsalita ang ginoo ay mahahalatang kampi rin sa anak at mukhang gusto ring ipilit kay Elora ang pagpapatawad kay Rico.

The night was a total disaster. Almost.

Napangiti si Caine nang maalala niya na inabot ni Elora ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa at hindi na pinakawalan.

Kahit na noong matapos na ang dinner ay hindi nila pinakawalan ang kamay ng isa't isa. Hindi pa nila gustong umuwi at hindi rin naman nila sigurado kung saan sila magpupunta kaya naman naglakad-lakad na muna sila.

"You are very gorgeous tonight."

Muling natawa si Caine. "Tonight lang? I am gorgeous all the time."

"Fine. You are gorgeous all the time."

"You are drunk." Kailangan na siguro niyang iuwi ang dalaga. Kahit na masarap pakinggan ang mga sinasabi nito ay kailangan na rin nitong magpahinga.

"Yes, I am. The dinner was terrible. I hate my family."

"No, you really don't." Alam ni Caine na totoo ang kanyang sinabi. She loved her family more than they deserved even. "Darating ang araw na magiging maayos na talaga ang lahat. Kusa mong ibibigay ang pagpapatawad at blessing mo kina Rico at Arnulf. Hindi ka na kailangang pilitin ng mom mo o ng kahit na sino." Sa ipinapakitang pagpupursige ni Elora ay hindi malabong mangyari ang bagay na kanyang sinabi. Baka nga mas mabilis pang mangyari kaysa sa inaasahan ng lahat.

"Bakit ba lagi ka na lang tama?"

"Hindi pa sigurado kung tama ang sinasabi ko. Anuman ang gawin mo, anuman ang maging desisyon, anuman ang pagdaanan mo, palagi mo lang alalahanin na narito lang ako para sa 'yo. Nakasisiguro ako sa bagay na iyon at makakasiguro ka rin."

"You are the sweetest, you know that? Gorgeous and sweet."

Lalong natawa si Caine. "Malaki na masyado ang ulo ko, honey."

"Samantalahin mo na. Bukas ay wala na 'to. Bukas ay kaya ko nang magsinungaling. Or kaya ko nang huwag magsalita. Or whatever."

"You came so unexpectedly," ang halos wala sa loob na nasabi ni Caine.

"Tell me about it. Kapag binabalikan ko ang simula, napapailing ako. Minsan ay parang gusto kong lumubog sa kahihiyan pero mas madalas recently na natatawa ako. You are my rainbow after the rain. Or parang breathtaking beauty sa isang thunderstorm."

Someone Like You (Completed)Where stories live. Discover now