5

2.8K 58 2
                                    


SA COFFEE SHOP NGA ni Nita sila nagkita ni Elora. Ang ganda ng ngiti nilang dalawa noong magkita. She ordered black coffee and healthy cupcakes. He ordered their sweetest coffee and slices of sugary sinful cakes. Ang ending ay pinagsaluhan nilang dalawa ang mga order nila. Mukhang hindi natiis ni Elora na tikman ang kanyang mga cake. Gusto niyang malaman kung ano ang lasa ng healthy cupcakes kaya tinikman din niya ang cupcake nito.

"Not so bad pala," aniya matapos tikman ang kulay green na cupcake. Malunggay at kalabasa cupcake raw iyon.

"It's so good," ang sabi naman ni Elora na mabilis na napangalahati ang kanyang chocolate cake. "Konti lang. Ngayon lang." Pero halos ang dalaga ang nakaubos ng lahat.

"I can't believe we're doing this," ang sabi ni Elora matapos humigop sa mapait nitong kape. Siguro ay perfect iyon pagkatapos ng lahat ng sugar na na-consume nito gaya ng perfect ang sugarless cupcake na kinain niya sa kanyang sugary coffee.

"Hindi mo mapaniwalaan na nagkita uli tayo pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant?" paglilinaw ni Caine.

Tumango si Elora.

"Mas nakapagtataka kung hindi tayo magkikita pagkatapos ng nangyari. We're like these coffees and cakes. Perfect for each other."

Natawa si Elora. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Caine. Hindi niya sigurado kung ano ang nasabi niya na nakakatawa.

"Ang corny ng line na iyon."

"It's not a line."

"Hmn."

"Why do you think this is a bad idea?" ang tanong na lang ni Caine. Siguro ay hindi niya masisisi si Elora kung hindi kaagad maniniwala sa mga sinasabi niya. Ganoon naman talaga dapat. Kakikilala pa lamang naman nila.

"Hindi pa ba obvious at kailangan mo pa akong tanungin niyan?"

Nagkibit ng balikat si Caine. May mga ideya siya kung bakit pero gusto niyang marinig ang iniisip ni Elora. "Pagbigyan mo na lang ako."

"Rebound relationship is always a bad idea."

Tumango si Caine bilang pagsang-ayon.

"Rebound love is not real."

Muling tumango si Caine.

"So what are we doing here?" Mukhang gusto talagang malaman ni Elora ang sagot sa katanungan na iyon. Nakita niya ang kaguluhan sa mga mata nito. Itinatanong nito siguro sa sarili kung ano ang ginagawa nito roon kahit na alam nito na hindi iyon magandang ideya.

Hindi na kailangan pang magtanong ni Caine. Alam na alam niya kung bakit siya naroon. Gusto niyang makasama si Elora. Ganoon lang kasimple.

"Who say's this is rebound relationship or a rebound love? Wala naman tayong ginagawa kung tutuusin." Wala pa. "Malay mo naman kung friendship lang ang habol ko sa 'yo?" Hindi malaman ni Caine kung paano man lang niya nasabi nang deretso ang huling pangungusap. That was full of crap. Kahit na sinong makarinig ng statement na iyon ay hindi maniniwala.

Nagsalubong ang mga kilay ni Elora at mataman siyang pinagmasdan. Sandaling naningkit ang mga mata nito. "You're right. Wala namang masama kung magiging friends tayo."

"No, I did not mean that," ang maagap na sabi ni Caine, medyo prantiko na ang tinig. Hindi niya gustong ma-friendzoned.

"You don't wanna be friends?"

"Hindi mo na kailangan na tanungin 'yan. Obvious naman kahit na sa sinabi ko kani-kanina lang. I don't want us to be friends. I want us to be more."

Someone Like You (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora