4

3.2K 76 2
                                    

NAG-USAP SILA HANGGANG sa sabihin sa kanila ng manager na magsasara na ang restaurant. Labis nilang ikinagulat ang bagay na iyon. Hindi nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Natawa na lang silang dalawa habang nasa loob ng elevator. Hindi pa nila gustong maghiwalay pero alam nilang dapat na. Nagpalitan sila ng numero bago maghiwalay ng landas, hindi talaga umaasa na mas lalawig pa ang pakiramdam na iyon.

Magaan ang pakiramdam ni Caine na umuwi nang gabing iyon. Kahit na dapat ay pagod na, hindi niya magawang makatulog. Parang punong-puno ng enerhiya ang kanyang katawan. Kaya pumasok siya sa kanyang studio at umupo sa harap ng isang canvass. Pagsikat ng araw ay naipinta na niya ang magandang mukha ni Elora.

Tumingin si Caine sa Elora sa kanyang harapan. "I think I have fallen in love with you that night," aniya sa munting tinig. "Hindi ko masabi ang exact moment pero my heart knew."

Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi nito. "That night had been so special, so magical. It will always stay that way. Two people meet unexpectedly and fell in love. Unexpectedly."

"It was beautiful. What we had was beautiful." Dinampot uli ni Caine ang sulat. Bahagyang nanginig ang kanyang mga daliri nang mapagpasyahan niyang buksan iyon at basahin. Parang sasabog ang kanyang dibdib pero pilit siyang nagpakatatag.

Banayad siyang napasinghap nang tumambad sa kanya ang sulat-kamay ni Elora.

My dearest Caine,

Lately ay madalas kong maalala ang unang pagkakataon na nagkilala tayong dalawa. Malinaw pa rin sa akin ang mga nangyari. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Walang palya. Naitatanong ko rin uli kung bakit mo 'ko nilapitan. I must have looked like a deranged person that night. Hindi ko na maalala kung gaano ako nasaktan nang gabing iyon dahil sa betrayal ng dalawang tao na importante sa akin. Ang nananatili lang sa akin ay ang magaan na pakiramdam na dulot mo. Ang talagang tumatak lang sa akin noong gabing iyon ay noong mga sandaling makilala kita. Ngayon ay nagpapasalamat na lang ako na nagtaksil sa akin si Arnulf at nagpunta ako sa restaurant na iyon para komprontahin sila. Nakilala kita dahil sa mga pangyayari na iyon. Natagpuan natin ang isa't isa dahil hiniwalayan tayo ng mga karelasyon natin. How lucky are we, huh?

Noong gabing iyon, aaminin ko na hindi ko inakalang mamahalin kita nang ganito, nang sobra-sobra. Hindi ko gaanong maipaliwanag kung bakit nagawa kong sabihin sa 'yo kaagad ang mga bagay tungkol sa akin, tungkol sa buhay ko. Contrary sa iniisip mo siguro noon, hindi ako madaldal at open sa ibang tao. Hindi masyado. Siguro kasi you somehow saved me. Siguro kasi pareho tayo ng sitwasyon kahit na papaano. Siguro ay all of the above.

You've caught my interest the moment you touched my arm. Naaalala ko na parang may boses na bumubulong sa akin noon na nagsasabi na magiging mahalagang parte ka ng buhay ko. Hindi ko iyon gaanong pinansin dahil alam ko na mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang boyfriend at kapatid ko. Naisip ko pa na baka hindi na rin naman tayo magkita uli pagkatapos nang gabing iyon. Maigi na lang at mali ako.

You have been my beautiful miracle, Caine. Sobrang nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko dahil naghatid ka ng labis-labis na ligaya sa akin. Hindi ko alam kung gaano ka-boring ang buhay ko bago ka dumating. Thank you so much, my love. Thank you for noticing me that night. Thank you for inviting me to your table. Thank you for that very wonderful and very special night.

Thank you for loving me. I will always, always love you.

Yours for always and forever,

Ellie

Someone Like You (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora