Kabanata 1

176K 5.4K 1.3K
                                    

Kabanata 1: Afraid

Isang gabi pagkauwi ko ay wala akong naabutang Irene sa bahay. Tinanong ko ang mga kasambahay namin at sinabi nilang nagpaalam lang daw na magpapahangin sa labas.

"And... You let her go?" I asked them, a bit annoyed. They let her go out alone. Isa 'yon sa mga bilin kong hindi nila dapat hayaan.

Nagkatinginan ang dalawang kasambahay namin bago sabay na tumango. Napapikit ako sa inis. Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kanilang dalawa.

Inayos ko ang pagkaayos ng back pack ko sa aking likod.

"Anong oras siya lumabas?" kalmadong tanong ko.

Kadarating ko lang galing school at ganito pa ang dadatnan ko. I was so damn tired! Gusto ko nang kumain at matulog pero mukhang mas mapapagod pa ako dahil may isang babae pa akong aalalahanin.

"Kanina pong 5PM..." mahinang sagot ng isa sa kanila.

I took a glance on my watch. "So... She's been outside for more than an hour?" I uttered.

Hindi na sila nakatingin sa akin sa puntong iyon. Napailing na lang ako bago umakyat sa kwarto ko. Masyadong mabigat ang kamay ko habang inaalis ang pagkakabutones ng polo shirt ko. Sa sobrang inis ko ay hinila ko na lang basta 'yon nang nasa dalawa na lang ang butones. Mabilis na nagpalit ako ng damit.

What's with her? Ang dahilan lang ba ng pagpunta niya rito ay para maging pabigat sa amin? Damn it! Ang lakas pa talaga ng loob niyang lumabas ng bahay nang mag-isa?

"Sir.... Sorry po," salubong sa akin ni Aling Soreng na isa sa mga kasambahay namin pagkalabas ko.

"Tawagan niyo po ako kapag nakauwi na siya..." bilin ko bago lumabas.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin o kung saan ang tinutukoy niyang lugar kung saan siya magpapahangin. Kahit papaano ay naiintindihan ko kung bakit niya ginagawa ito.... She was suffocated inside. But that doesn't mean she will go out alone. She could have asked one of us... Especially---I could give her a ride around this place.

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang ingay mula sa covered court. May laro pala ngayong basketball. Napagpasyahan kong sumilip doon.

"Hey!" Napatingin ako kay Jux na nanunuod din pala. "Why are you here?"

"Did you see Irene?" I asked him, with my eyes rummaging the crowd.

Itinuro niya ang isang babae na nakaupo sa bleacher at nakatuon ang atensyon sa mga naglalaro. Hindi ako agad nakakilos nang makitang sumigaw ito matapos maka-score ng lalaking naka kulay pulang jersey shirt na may numerong nuwebe. I haven't heard her scream that loud.

"Hey... You okay?" Jux snapped me out of my dark mood.

What a nuisance woman!

I shook my head. Hinawi ko ang mga taong nakaharang sa daan and I don't care kahit na dumaan ako sa gitna. Nakarinig ako ng mga reklamo mula sa mga taong hinawi ko. I was raging with fire and I could not fucking calm down.

I stood in front of her. Nanlaki ang mata niya at hindi agad nakapagsalita dahil sa gulat. Natigilan din siya sa pagsubo ng popcorn sa bibig.

"Baka gusto mo nang umuwi?" tanong ko. "You've been outside for more than an hour o baka naman gusto mong dagdagan pa ng ilang oras? Just tell me."

"R-Really?" Natawa ako sa isinagot niya.

Really, huh? You still want to waste another hour here? For what? To scream out of your lungs?

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon