Kabanata 28

62.3K 2.2K 663
                                    

Kabanata 28: Family

I was hurt she just left without waving goodbye, she could have let me know she was already leaving. But on the other side of my mind, it was such a relief that finally, she’s already far away from us. I did my best to make her feel loved and I hope she felt it. I wish nothing but her happiness.

Later that night, I called my Mom on the phone and informed them that we are coming home.

“Let me talk to him,” dinig kong sabi ni Daddy sa kabilang linya. Bahagyang naging magulo ang tunog. “Jude? How’s Irene?”

Napakapa ako ng mga salita. Tumingala ako sa malawak na kalangitan at pinagmasdan ang mga nakakalat na bituin doon. Ngumiti ako bago mabigat na huminga.

“She’s safe, dad…” I answered.

Muling bumagsak ang tingin ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang idudugtong doon.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. It was a relier laugh. “Bring her home, please…” he said in excitement.

Lumunok akong muli. “She’s already home…” halos naging pabulong iyon.

Umabot ng ilang segundo bago muling nakasagot si Daddy. “You mean…”

I nodded my head as if he could see me.

“Yes, dad… U-umuwi na siya sa kanila.” Parang may bumara na naman sa lalamunan ko kaya kinailangan kong lumunok. “I did my best, dad…” I bit my bottom lip. “I-I’m sorry…”

Bumuga ako ng hangin nang maramdaman na naman ang pagtutubig ng mata ko. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod ko sa bench. Kinalma ko ang sarili ko para mas maging maayos ang pagsasalita ko.

Napatingin ako kay Aara na kalalabas lang ng bahay, may dala itong dalawang beer at inabot niya sa akin ang isa. Ngumiti ito bago umupo sa tabi ko at sumandal sa aking balikat.

“I-It’s okay, son… Don’t blame yourself. Tatawagan ko na lang ang pamilya niya roon,” muling pahayad ni Dad sa kabilang linya.

It’s not okay, I know.

“D-Dad… I hurt her,” I admitted in a deep voice.

Naramdaman ko ang kamay ni Aara sa hita ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang ito. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin pa ng mga kasalanan ko.

“You did your best, Jude. I am sure Irene felt it. I’m so proud of you, son…”

Fuck! My tears! Bahagya kong iniliko ang mukha ko palayo kay Aara para ikubli ang mga mata ko. Mabilis na pinunasan ko ‘yon bago suminghap.

“C-Can you tell her I am sorry?” I asked. “Please, dad. I haven’t had the chance to say that…”

“Sure, son… Umuwi na kayo bukas.”

After a few more words, he ended the call. Mabilis na pinunasan ko ang luha sa mata ko at binulsa ang aking phone. Binuksan ko ang beer at lumagok doon. Naramdaman ko ang titig ni Aara kaya sinabayan ko ang titig niya.

“You are good, Jude…” she smiled.

“Ano bang klaseng kapatid ako?” bigla kong natanong. Bahagya akong napaiwas ng tingin. “I wish I could spend more time with her.”

“She is better off without us. This sacrifice is for her. Irene will be okay…” Napatingin ako kay Aara. She was giving me a bright smile. “Trust me. After all… I’ve seen how tough she was too. She can be more than that.”

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon