Kabanata 19

62.4K 2.4K 1.2K
                                    

Kabanata 19: Party

I leaned my back against the wall and crossed my arms in my chest. Klaus was standing in front of me. Pinaglalaruan niya ang apron na hinubad niya. Pagkapasok ko kanina ay agad na hinila ko siya palabas para kausapin.

"So, tell me, Klaus... Ano ba talaga ang kailangan mo kay Irene?"

Sinalubong niya ang tingin ko.

"Kaibigan?" hindi siguradong sagot niya.

Bumali ang leeg ko dahil parang may kulang sa sinabi niya. Tumikhim ako bago muling nagsalita. "Where did you get her phone number?" sunod na tanong ko.

He gulped. "I sent her a friend request on Facebook and we had conversations there. She gave me her phone number," he said, tensed. "Wait... What's with this confrontation? I didn't do anything horrendous to her," dipensa pa niya.

"I am her brother, Klaus, remember? Gusto kong magkasundo tayo para sa kanya."

"Okay. We are friends and she gave me her phone number. We exchanged text messages and one time, we had talked through phone. Satisfied?" He gave me a bored look. "Now, can I go back to work?"

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Irene. Hindi ata alam ni Irene na sa panahon ngayon ay delikado na ang magbigay ng mga personal information katulad ng phone number sa isang estranghero.

I cleared my throat.

"So, just friends?" paninigurado ko. "You have no plans of crossing the line?" I retorted.

I saw how his face suddenly turned into a cold one. Parang nawalan siya ng interest at bahagyang nakaramdam ng pagkainis. Bumuntong-hininga siya bago mahinang tumango.

"Gusto ko siyang ligawan," bulong niya.

"Ginagago mo ba ako?" Dumiretso ako ng tayo at sinamaan siya ng tingin. Nabahala naman ang mukha niya. "Ang sabi mo ay kaibigan lang tapos ngayon sasabihin mo na gusto mo siyang ligawan?"

"Ang sabi niya ay kaibigan lang ang pwede sa akin! We can be friends but not more than that." Bahagyang tumaas ang boses niya. Lumunok siya bago bahagyang umiwas ng tingin. "Wala na. Hindi ko naman siya pipilitin kung kaibigan lang talaga. I still know how to respect decisions."

Muli niya akong binalikan ng tingin. "Then what's with the secret rendezvous?" I arched both my eyebrows. "Is that what friends do?" I mocked him. "

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?" He retorted.

I smirked. "Alam ko na, Klaus. Palihim kayong nagkikita," naiiling kong sabi. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Wala naman sa akin kung kaibigan lang pero pakiusap, huwag palihim," mataos kong pakiusap.

"Wait..." Bahagya siyang natawa. "I don't understand. Hindi pa ako nakipagkita sa kanya, I mean... Personally."

Natigilan ako sa sinabi niya. "I told you not to lie, right? It's okay with me. Basta huwag na lang mauulit," dumiin ang boses ko.

"We just had chats but I have not invited her yet to go out. The last time we had engagement was when I introduced myself to her. Remember?" He glared at me.

Sumeryoso ang tingin ko. Tumitig ako sa kanyang mga mata at pakiramdam ko ay nagsasabi siya ng totoo. "You know I love my sister, right?"

"Of course, and you may not know me deep down than what you see... I am telling the truth." He looked into my eyes, sincerely.

Tumango na lang ako at inaya na siyang bumalik sa trabaho. Habang nagtatrabaho ako ay hindi ko mapigilang isipin kung sino ang kinikita ni Irene sa labas. Ang akala ko ay si Klaus at inamin na rin niya.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon