Escaped - Wakas

164K 4.2K 3.2K
                                    

Hi, guys! Maraming salamat po sa panahon na ginugol ninyo para basahin ang kwentong ito. I hope you learned something from this story. That's life, right? Instead of escaping, live it! After all... We all have our own adventures, make yours a worth-telling one. Don't be scared... Why the hell would you?! Come on! /winks/


Now Playing: Highway Don't Care by Tim McGraw, Taylor Swift, Keith Urban


***

Escaped

Malakas na ulan ang angad na bumungad sa akin pagkalabas ko ng building na pinanunuluyan ko. Sa kabilang kalsada pa ang waiting shed kung saan makakakuha ako ng taxi. Wala akong payong o magagamit man lang para hindi mabasa.

Ngumuso ako nang mapagtanto na mukhang wala akong pagpipilian kung hindi ang sabayan na lang ito, mukhang matagal pa rin bago ito tumila. Inayos ko ang shoulder bag ko bago sinuong ang malakas na ulan.

Nanginig ako sa lamig pagkasilong sa waiting shed. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para magpunas. Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko, nakatingin ito sa akin.

"Ang ganda mo, Ate..." Nakangiti niyang sabi.

Nahihiyang napangiti na lang ako bago bumalik sa pagpupunas. Siya ang unang sumakay sa taxi na dumaan at ang sumunod ay ako. Iniiwas ko sa akin ang aircon dahil giniginaw ako.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng drayber.

Kinuha ko ang aking phone sa loob ng shoulder bag at binasa ang meeting place. Sinabi ko 'yon sa driver kaya nag-umpisa na rin siyang magmaneho. Sumandal ako sa upuan at ibinalin ang tingin sa labas ng binatana.

Masyado pa ring malakas ang buhos ng ulan. Mukhang hindi ito titila hanggang sa maabot ko na ang lugar.

Hindi ko maiwang matuwa dahil ngayon ko na makukuha ang ipinangako niya sa akin. Hindi na ako makapaghintay na tuluyang makalaya sa tanikala ng nakaraan. Pero alam kong makalaya man ako ay mananatili na ang bakas nito.

If someone would ask me if I somehow regret my decision, I wouldn't hesitate to nod my head. But out of all the regrets... There was this kind of satisfaction. I am so proud of myself.

Pagkapasok ko sa coffee shop ay samu't-saring amoy ng iba't-ibang klase ng kape ang bumungad sa akin. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko dahil hindi malamig sa loob.

I roam my eyes around... Where is he? There! Natagpuan ko siya sa bandang dulo. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. I made my way to him.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Nakangiting umiling naman siya sa akin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Napansin ko ang isa pang bakanteng upuan kaya nagtaka ako.

"Oh, here..." May kinuha si Zac sa kanyang bag. Inilabas niya ang isang envelope at ibinigay sa akin 'yon. "It is all yours... Thank you."

Binuksan ko ang envelope. Napangiti ako nang makita ang pangalan ko bilang bagong may-ari ng titulo ng bahay at lupa sa Davao. Hindi naman na daw sila umuuwi ro'n at saka ipinamana na raw sa kanya ng magulang niya. Meron ding plane ticket.

I am so thrilled!

"T-Thank you for this..." I smiled, widely.

He nodded his head. "Mamaya na rin ang lipad mo..." Ngumiti siya.

"I-Irene?" Umangat ang tingin ko nang marinig na may tumawag sa pangalan ko.

Bumagsak ang mga balikat ko nang makita ang gulat na mukha ni Aara. Wala sa sariling napatayo ako at nayakap siya. Ilang segundo ang lumipas bago siya yumakap pabalik. Naramdaman ko ang sobrang lungkot... Ayoko na ng pakiramdam na ito.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon