1: Visit

46 4 31
                                    

ELLA'S POV

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa dorm namin dahil kakatapos lang naming magpractice para sa upcoming na album namin.

Masaya kaming nag-uusap nang biglang tumunog yung doorbell...

*DING-DONG*DING-DONG*DING-DONG*
*DING-DONG*DING-DONG*DING-DONG*

"Hoy! Buksan mo nga yun!" Utos sakin ni Daniella kaya inirapan ko siya tsaka ako dumeresto sa pinto.

"Letse naman oh! Ang aga-aga eh!" Inis na sabi ko tsaka binuksan yung pinto.

Nagulat naman ako nang makita ko si Jaebum sa harap ng pintuan. "Oh? Jaebum---" Hindi pa ko natatapos sa sasabihin ko nang bigla niya kong hinawi kaya muntik na kong masubsob sa pader.

Grrrrr! Peste talaga siya! Argh!

Hindi pa ko nakaka-recover sa ginawa sakin ni Jaebum nang may bigla namang bumangga sakin kaya inis ko namang tiningnan kung sino yun at nakita ko naman si T-Yong na dire-diretso lang naglakad papasok.

Argh! Isa pang bwiset!

Inis naman akong tumingin sa pinto at nakita ko dun si Xuimin na parang naaawa sa sitwasyon ko.

"H-hello..." Alanganing bati niya sakin kaya nginitian ko siya. Buti pa siya--mabait.

"Hel---" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla niya kong lampasan kaya naikuyom ko yung kamao ko sa inis.

Hindi siya mabait! Nakakainis siya!

"Peste!" Inis na sabi ko.

Hindi pa man ako nakakatingin ulit sa pintuan nang may bumangga naman sa kaliwa't kanan kong balikat kaya iritang tiningnan ko yung mga yun at nakita ko si Baekhyun at si Luhan.

Nagpapadyak ako sa inis atsaka galit na tiningnan isa-isa yung mga lalaking 'to.

"NAKAKARAMI NA KAYO AH!!!" Inis na sigaw ko pero hindi nila ko pinansin. Grrrrr!

"Argh!" Inis na sigaw ko tsaka lumapit sa pintuan.

Akmang isasara ko na yun nang may bigla namang may nagbukas ng pinto at nauntog ako dun kaya napahawak ako sa noo ko.

Pakshet!!!!

"Ooppps, Sorry..." Nagpantig agad yung tenga ko nung marinig ko yung boses na yun kaya galit ko siyang tiningnan.

"ISA KA PA!!!" Galit na sigaw ko kay Jinyoung.

"Woah! Easy! Hahaha." Natatawang sabi niya tsaka niya tinapik yung balikat ko tsaka siya pumasok sa loob.

Hmp! Nakakagigil talaga yung mga lalaking 'to! Pasalamat sila't gwapo sila dahil kung hindi! Grrr! Inipit ko na yung mga leeg nila sa pinto!

Padabog kong sinarado yung pinto tsaka ako inis na pumunta sa sala kung saan nandoon silang lahat atsaka padabog na umupo sa harapan nila.

Isa-isa ko silang tiningnan ng masama dahil nakakaasiwa silang lahat. Para bang pinagkakalandakan nila ng harap-harapan sakin na MAINGGIT AKO DAHIL MAY MASAYA SILANG LOVELIFE AT AKO--WALA! Ts.

At ito pa ang nakakainis! Pag nandito yang mga lalaking yan bigla nalang silang nagiging 'PABEBE MODE'!

"I miss you, baby..." Malambing na sabi ni Jaebum tsaka siya yumakap kay Chrissa kaya napangiwi naman ako.

"I miss you too, baby..." Sabi naman ni Chrissa tsaka niya inihiga yung ulo niya sa dibdib ni Jaebum.

Yan! Ganyan si Jaebum! He's sweet in his own way. May pagkacold yung personality niya--yung tipong nagkakalabugan na kayo ng bungo pero siya deadma lang. Pero ibang-iba siya kay Chrissa to the point na maiisip mong ibang tao siya kasi sobrang sweet niya. Yakap niya lang mararamdaman mo na kung gaano ka talaga niya kamahal. Siya yung tipo ng lalaki na hinding-hindi mo na gugustuhin na pakawalan pa--pero shempre, dahil hindi naman ako yung nakakaramdam nung pagmamahal ng lalaking yun, nakakabwiset talaga siya!

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now