2: Over?

68 4 28
                                    

CARMELA'S POV

1 week later...

1 message recieved!

Binuksan ko kaagad yung cellphone ko nung marinig kong tumunog yun.

From: Hon💕

Hello my beautiful Hon, Good Morning and as always I'm thinking of you.

Napangiti naman agad ako nung mabasa ko yung message niya. Re-reply-an ko na sana si Jinyoung nung bigla kong marinig yung pangalan niya...

"JUNGKOOK!" Sigaw ni Ella habang nasa tenga niya yung cellphone.

Magkatawagan nanaman sila?! Psh!

"Jjinja?! Waaaahhhhhh!" Rinig kong sabi ni Ella habang ngiting-ngiti sa kabilang linya.

Oo na! Edi sila na yung close!

"Fine! Sorry... I'm just excited. Hihihi~" Rinig kong maarteng sabi nanaman ni Ella kaya napabuntung hininga nalang ako.

Carmela, ano ba?! May Jinyoung ka na, okay?! Mahal na mahal ka nung lalaking yun kahit alam niyang gusto mo palang siya! Damn.

"Yeah. Whatever! Letse ka!" Rinig ko nanamang sabi ni Ella.

"Whuat?! Nakakapagsalita ka narin ng tagalog?! Psh! Do you really love me that much?" Rinig kong natatawang tanong ni Ella kaya sinamaan ko siya ng tingin at alam kong napansin niya yon.

"I know. I know. Tsk. Bye~ Labyu! Hihi." Paalam niya sa kabilang linya tsaka niya ko hinarap.

"Ano yung pinag-usapan niyo?" Tanong ko kay Ella tsaka nag-cross arms.

"Ahm, wala naman." Sagot niya tsaka umupo sa harapan ko tsaka niya ininom yung coffee niya.

Nandito kami ni Ella sa may veranda dahil dito namin naisipang magbreakfast.

"Wala naman? Eh bakit tuwang-tuwa ka?" Tanong ko ulit sa kanya tsaka humigop ng coffee.

Inilapag niya yung tasa niya tsaka niya ko tinitigan ng maigi kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Don't tell me... You're still inlove with him?!" Mataray na tanong niya kaya napaiwas lalo ako ng tingin.

"O-of course n-not!" Nauutal na sabi ko tsaka ako humigop ulit ng coffee. Damn!

"Okay. Kami na nga pala ni Jungkook---"

"WHUAT?!!!!! WHERE?!!! AND WHEN?!!!" Sigaw ko kay Ella pero tumawa lang siya ng nakakainsulto.

"Just kidding." Biglang seryosong sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Hoy, Carmela Marie! Ipapaalala ko lang sayo, ha? Baka kasi nakakalimutan mo na eh! May boyfriend ka na mahal na mahal ka, okay?! At si JINYOUNG yun!" Seryosong paalala sakin ni Ella kaya napayuko ako.

Damn it!

"H-hindi naman k-kasi madaling m-mawala yun---"

"EH GAGA KA PALA EH! MAHAL MO PA PALA SI JUNGKOOK EH BAKIT MO SINAGOT SI JINYOUNG?!" Inis na tanong sakin ni Ella kaya tumingin ako sa kanya.

"Because I like him!" Inis ring sabi ko kaya inirapan niya ko.

"But you love Jungkook!" Inis na sabi ni Ella kaya napabuntung hininga nalang ako.

"Siya parin?" Agad naman kaming natigilan ni Ella nang marinig namin yung boses na yun mula sa likuran ko.

Napatayo ako at unti-unting tumingin sa likuran ko at nakita ko si Jinyoung na seryosong nakatingin sakin habang may hawak siyang life-size na unicorn stuff toy.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now