Bye... for now (PART4)

40 2 10
                                    

MARIANNE'S POV

Nandito kami ngayon sa practice room at hindi namin kasama yung babaeng hinila ni Taeyong. Psh.

Hindi naman yata siya enjoy-enjoy para magtagal sila ng ilang oras, noh?😐

Nagpapahinga kami sa mga oras na 'to dahil ilang oras narin naman kaming nagpapractice.

"Oy? Alam ko na kung bakit pumayag yung CEO natin na paghiwalayin kayo ni T-Yong!" Sabi ni Ella at umupo sa tabi ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko tsaka ako nag-ayos ng buhok.

"Kasi, type niya si T-Yong! Oh, diba? Diba?" Sabi ni Ella tsaka tumawa ng malakas kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Seriously, Ella? Ts. May asawa na yung CEO natin, noh! At si 'Choi Minho' yun! Psh." Sabi ko tsaka ko ako uminom ng tubig.

"Sus. Ika---"

Hindi na naituloy ni Ella yung sasabihin niya nang bigla nalang bumukas yung pinto ng pagkalakas-lakas kaya napatingin kami dun.

What the?

I thought, nasa Paris sila?

Unti-unti silang naglalakad papalapit samin. Tunog palang ng mga takong sa sapatos niya ay nakakakaba na kaya napalunok ako at pakiramdam ko nawala yung dugo ko sa katawan nang tumapat siya sakin.

"Marianne. Follow. Me." Mariing sabi niya tsaka sila mabilis na lumabas ng practice room.

Damn.

---
AT CEO'S OFFICE...

Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad si C.E-Unnie (C.E.O + UNNIE) na nakaupo sa swivel chair niya habang parang inis na inis na nilalaro yung ballpen na nasa ibabaw ng table niya habang si C.E-OPPA (C.E.O + OPPA) naman ay nakatayo lang sa gilid ng asawa nito habang pilit na pinapagaan yung loob nito.

Sila yung C.E.O namin dahil silang dalawa yung nagtayo ng Entertainment na 'to. At dahil nga mahal na mahal ni C.E-OPPA si C.E-UNNIE sa kanya nalang ipinagalan yung building kaya naging JCP ENTERTAINMENT stands for, JOSSLYN CLAIRE PEREZ ENTERTAINMENT.

"Why did you walk out?!" Nagpipigil na inis na tanong niya sakin matapos kong makalapit sa kanya. "Alam mo bang galit na galit sayo yung mga army ngayon dahil pakiramdam nila pinahiya mo si Taehyung, ha?!" Dugtong niya.

Napabuntong hininga muna ko bago sumagot. "Because, I can't stand him anymore!" Nagpipigil na inis na sabi ko kaya tinaasan niya ko ng kilay.

"Sana nakisakay ka nalang! Just smile kahit gustong-gusto mo na siyang patayin!" Inis na sabi niya habang hinihilot pa yung ulo niya.

"Hey, calm down..." Sabi sa kanya ng asawa niya habang nakahawak ito sa balikat niya pero bumuntong hininga lang ito.

Damn. Kailan ba nila maiisip yung nararamdaman ko?

"Kakatapak pa lang namin sa lupa ng Paris nang makita namin yung balitang yan! Imbes na nagde-date at nagpapakasaya kami sa Paris ay nandito ulit kami sa Korea dahil sa ginawa mo! And you even slapped him in front of media?! Ano nalang yung sasabihin ng media?! Ng mga fans niyo?!" Galit na sigaw niya sakin.

"How about me? How about my feelings?" Mapait na tanong ko.

"Marianne, that's the life of an artist. Their feelings first before yours, naiintindihan mo? Hindi sila ang mag-a-adjust para sayo, kundi, ikaw ang mag-a-adjust para sa kanila!" Nagpipigil na galit na sabi niya.

"How about my happiness? Pati ba iyun, dapat kong pag-adjust-an para sa kanila?" Mapait at inis na tanong ko.

"Of course! When you are an artist, you're feelings is useless. Di bale nalang kung gusto ka nila para sa taong gusto mo. Iyan yung buhay na meron kayo ngayon. Cameras are always following you. Lahat inaalam at pinapakialaman!" Mariing sabi niya habang hinahampas pa yung lamesa niya kaya napayuko nalang ako.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now