AUTHOR'S POV
Isang linggo na yung nakalipas simula nung hindi magparamdam si Chrissa kay Jaebum.
"DAMN IT!" Naibato na lamang ni Jaebum yung cellphone niya sa kung saan dahil sa sobrang inis sa girlfriend niya.
"Is she really that busy to the point that she's forgetting me? Tsk." Naiinis na tanong niya sa sarili.
Wala siyang ideya kung ano ba yung pinagkakaabalahan ng dalaga. Hindi nito sinasagot yung mga tawag at text niya. Hindi rin naman sila nag-away dahil naayos naman agad nila kung nag-aaway man sila. Pumupunta siya sa dorm ng dalaga ngunit wala naman ito doon. Para bang iwas na iwas ito sa kanya. Tsk.
2nd Anniversary nila ngayon kaya naman naisip na lamang niya na baka abala lang ito sa kung ano man yung balak ng girlfriend niya sa anniversary nila.
Napabuntong hininga na lamang siya tsaka niya tinuloy yung ginagawa niya kanina pa.
Sa beach niya naisip na surpresahin si Chrissa kaya naman nagtungo agad siya dun at inayos niya yung surprise niya para sa espesyal na araw nilang dalawa.
(A/N. Iyan yung surprise niya. Hihihi.😆😍)
Nang matapos na niya yung surprise niya ay agad niyang kinuha yung cellphone niya para itext si Chrissa.
To: Baby👑
Baby? I want to show you something. I will wait for you. Take care. I love you.
Message sent!
Maya-maya lang ay tumunog na yung cellphone niya kaya't dali-dali niya itong tiningnan.
From: Baby👑
I'm busy.
Bumagsak agad yung mga balikat niya nang makita yung sagot sa kanya ng dalaga. Busy?! Bakit naman ito naging busy?! Naitanong na lamang niya sa sarili.
"Aish! What's wrong with her?!" Inis na tanong niya sa kawalan na akala mo ay may sasagot sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya tsaka niya inis na tinawagan yung number ni Chrissa pero mukhang nakapatay na ito dahil hindi na ito nagriring kaya't tinext na lamang niya kung saan niya papapuntahin yung dalaga.
YOU ARE READING
Forever Fan of Yours
FanfictionIn my eyes, you are my EVERYTHING. but In your eyes, I'M JUST A FAN and it f@cking hurts, you know! FOREVER FAN OF YOURS Original Story By: sassyprettyme