Sorry (PART 4)

31 3 37
                                    

CHRISSA'S POV

Ilang araw narin ang nakalipas simula nung maghiwalay kami ni Jaebum pero nandidito parin yung sakit dulot ng katangahan ko. Damn.

Hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko o kung may dapat nga ba kong gawin.

Pakiramdam ko, sinuntok ko yung sarili kong repleksyon sa salamin kung saan ako na nga yung nanuntok, ako din yung nasaktan.

I fuckin' miss him.

Ang tanga ko kasi. Akala ko sasaya ko pag hindi siya yung kasama ko pero iba eh. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari lalo na ngayong hindi na siya sakin. Wala na kong karapatan sa kanya. And that's killing me.

Mahal niya pa kaya ako? O minahal niya ba talaga ko? Iyan yung mga malaking katanungan para sakin na alam kong siya lang yung makakasagot.

Kinuha ko yung cellphone ko tsaka ko tinawagan yung number ni Jaebum. Ilang ring na yung nakalipas bago niya sinagot yung tawag ko.

"J-jaebum..." I bit my lower lip para pigilin yung pagtulo ng luha ko.

["What?"] Sabi niya sa kabilang linya at ramdam na ramdam ko yung malamig na pakikitungo niya sakin.

"C-can we talk?" Tanong ko tsaka ko pinunasan yung luha ko.

[We're already talking.] Sabi niya na para bang bored na bored siya na kausap ako kaya hindi ko maiwasang masaktan.

"I-I m-mean in p-person..." Naiiyak na sabi ko habang pinipigil ko yung paghikbi ko.

["Talk about what?"] Cold na sabi niya pero hindi ko na ininda yung sakit dulot ng pakikitungo niya sakin. Dahil ang mahalaga sakin ay... SANA maayos ko pa kung ano man yung meron samin dati.

Chrissa, tatagan mo yung sarili mo! Paano mo ipapaglaban yung nararamdaman mo sa kanya kung sa mga salita palang niya eh nasasaktan ka na?! Nagawa mo ngang ibaling niya sayo yung atensiyon niya dati, diba?

Huminga muna ko ng malalim tsaka ko pinahid yung luha ko. "T-talk about u-us?" Patanong na sagot ko sa kanya.

Ilang segundo na yung nakalipas tsaka ko narinig yung sarkastiko niyang pagtawa. ["Meron ba?"] Sarkastikong tanong niya na nakapagpadurog ng puso ko.

Meron nga ba? Wala na nga pala. Dahil sinayang ko yun. Sinayang ko siya dahil sa katangahan ko.

Hindi ko na nagawang sumagot sa kanya dahil bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at sa gulat ko ay napatay ko na yung tawag.

Agad kong pinunasan yung luha ko tsaka ko pinasigla yung boses ko. "Pasok!" Sabi ko at iniluwa ng pintuan si Daniella.

"Wag ka ngang magmukmok diyan! Lumabas ka na, dali! Maglalaro tayo!" Excited na excited na sabi niya tsaka niya ko hinila palapit sa pintuan.

"A-ano ba! Wag ka ngang manghila diyan atsaka wala akong gana, noh!" Walang ganang sabi ko kaya napahinto siya tsaka siya lumingon sakin.

"Tingin mo pag nagmukmok at nag-iiyak ka diyan, babalikan ka niya?" Sarkastikong tanong niya sakin kaya inis ko siyang tiningnan pero hinila niya lang ulit ako ng hinila.

Hindi pa man kami nakakarating sa sala ay rinig na rinig ko na agad yung kwentuhan nila. May narinig din akong boses ng mga lalaki at shempre nangunguna yung maingay na pagtawa ni Ella.

Nang makarating kami ay agad na pumunta si Daniella kay Baekhyun at sumandal naman si Baekhyun sa kanya, kitang-kita ko din si Marianne na nakahilig sa balikat ni T-yong habang magkahawak yung kamay nila at tumatawa. Si Xuimin naman nakaakbay kay Shane habang nakikitawa din sila. Si Luhan naman nakasandal lang kay Rane pero mukhang nasa iba naman yung atensiyon na hindi mo maintindihan. Si Lovely naman masayang nakikipagkwentuhan kay Mark, ganon din naman si Rigelle na masayang nakikipagtawanan kay Suga na may kasama pang hampas sa braso. Si Ella naman, tawa ng tawa at panay yung pagwawalang-hiya sa mga magboyfriend-girlfriend kahit na kasama naman niya si Jackson na nakatingin lang sa kanya. Tiningnan ko si Carmela. Akala ko kaming dalawa yung hindi belong dito pero ako lang pala yun. Nandito din pala si Jinyoung. Siguro kasama siya ni Jackson? Pero kahit naman na magkatabi sila ni Carmela, hindi sila nagpapansinan dahil nakikilait din 'tong si Jinyoung na parang si Ella na bitter sa kung ano. Kasama din ni Carmela si Suho at Sehun na mga guy bestfriend niya na laging nandiyan para sa kanya.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now