Innocent Seduction

12.6K 280 2
                                    


CHAPTER EIGHT

SINALAT-SALAT ni Iris ang mga labi. Medyo namaga yata iyon sa intense kiss na ginawa sa kanya kanina ng asawa. Kasalukuyang nasa banyo na si Rich at naliligo.
Napapangiti siya habang inaalala ang naging kilos ni Rich kanina. Gusto rin pala niya na halikan ako. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala kasarap at katamis ang totoong halik. Masarap din sa pakiramdam ang first kiss niya, ang halik na ibinigay sa kanya ng asawa doon sa sala ng judge na nagkasal sa kanila, pero mas masarap ang halik na ibinigay nito sa kanya kanina.
Mula nang una niyang makilala si Rich ay wala na siyang pinalapit na lalaki sa kanya. Lahat ng nagtangkang manligaw sa kanya ay basted agad sa unang attempt pa lang. Iisa ang naging goal niya sa love life mula nang makilala si Rich—ang ingatan ang sarili para dito, dahil naniniwala siyang para lang siya kay Rich. Naniniwala siyang ito ang kanyang destiny.
Natitiyak ni Iris na hindi na naman siya makakatulog mamayang gabi. Paulit-ulit na magre-replay sa utak niya ang naging halik nila ni Rich. At gusto niyang maulit pa iyon. Kaagad.
She swooned and collapsed on the bed. Para siyang luka-luka na nakatitig sa kisame habang nakatawa. He kissed me. Really kissed me…
Habang nasa banyo si Rich ay ni-research niya sa Internet kung paano mag-initiate ng kiss. Hindi naman niya puwedeng laging pahiran ng langis ang dibdib nito para maakit na halikan uli siya.
Hindi pa tapos magbasa si Iris ay lumabas na si Rich ng banyo.  Napasinghap siya na parang nahuli sa pang-uumit. Mabilis niyang isinara ang smartphone. Lulunok-lunok na lumapit siya sa asawa. 

NAALARMA si Rich nang paglabas niya ng banyo ay lapitan siya ni Iris. Hindi na niya dapat ulitin ang nangyari kanina. Alam niyang nabigla ito. Hindi nga umiwas si Iris ngunit halatang hindi inaasahan ng asawa ang kanyang naging kilos. Hindi niya alam kung sadyang nadarang ito sa halik kaya gumanti at nagpaubaya, o wala talaga itong ideya sa totoong halik kaya nanggaya lang sa kanya. Hindi makapaniwala si Rich na sa kabila ng katotohanan na lumaki sa lungsod at nakatapos na ng pag-aaral si Iris ay nanatili pa ring inosente. Dahil wala na yatang babaeng inosente sa mga kaedad nito.
“Mag-dinner tayo nang maaga,” sabi nitong kumapit pa sa punong-braso niya. Ang paraan ni Iris ng paghawak ay parang sumasalat. Gumagalaw ang mga daliri nito.
Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa kamay ni Iris at nag-iinit kaagad ang kanyang pakiramdam. Parang nagbaga kaagad ang balat niya na nahawakan nito. Gumapang ang init sa katawan niya patungo sa kanyang nerve endings. “G-gutom ka na?”
“Hindi pa masyado.” Dumausdos ang kamay ni Iris sa itaas ng siko niya. Ang hinlalaki naman nito ang sumasalat sa inner part ng kanyang braso na sensitibo sa hawak.
Nag-iinit na naman ang pakiramdam ni Rich. Kung kanina ay nagawa pa niyang kontrolin ang sarili pagkatapos ng halik, hindi siya nakasisigurong magagawa pa niyang ulitin ang self-control na ibinuhos niya kanina, para lang hindi niya maangkin si Iris in broad daylight. “'Labas tayo,” aniya para lang idisimula ang kakaibang pakiramdam na binubuhay nito sa kanyang katawan.
“Bukas na lang ng umaga. Nakakatamad lumabas ngayon, sobrang init sa labas.”
May katwiran si Iris. Pumalo yata sa thirty-seven degrees celsius ang temperatura kaninang tanghali. Pero mali ito. Mas magiging mainit doon sa loob kapag hindi ito huminto sa paghawak-hawak sa kanya. Gumalaw ang kanyang tiyan nang dumako at pumisil pa ang palad ni Iris sa baywang niya.
“Bakit ang tigas ng waist mo? Bakit sa akin, malambot?” Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Tingnan mo, o.”  Saka dinala sa ukab ng baywang nito.
Holy cow! Alam ba ng babaeng ito kung ano ang epekto sa kanya ng ginagawa nito?
“'Tapos pati dibdib mo matigas.”
Tinanggap na ni Rich ang pagkatalo nang dumantay ang palad ni Iris sa kanyang dibdib.

NAGISING si Rich sa pagkilos sa tabi niya. Pumihit pala si Iris, na himbing pa ring natutulog. Tumatama na ngayon ang marahang buga ng hininga nito sa kanyang tagiliran, malapit sa dibdib niyang may kiliti. Nakagat niya ang ibabang labi. Sumagap at nagbuga siya ng hininga. Hindi siya nananaginip. Totoo pala ang lahat ng nangyari sa kanila. Kung ayaw niyang gisingin si Iris at muli na namang angkinin ay kailangan na niyang mag-iba ng posisyon bago pa muling magatungan ng inosente nitong pagkilos ang kanyang pagnanasa.
Ngunit parang hindi niya kayang lumayo nang mga oras na iyon. Parang napakaangkop na naroon siya at pinagmamasdan ang marahang pagbaba at pagtaas ng braso nito na bahagyang tumatabing sa malulusog na dibdib. At paano nga pala siya kikilos palayo kung nakayakap ang isang braso ni Iris sa baywang niya at nakadantay pa ang isang binti sa kanyang binti?
Itinuon ni Rich ang pansin sa payapang mukha ni Iris. Hindi siya makapaniwala na ang inosenteng mukhang iyon ang muntik nang magpabaliw sa kanya kanina. She had roused a strong passion within himself, a strong need to take her innocence in the same manner that he wanted to give her all that he could just to give her pleasure.
Muli, nanumbalik sa kanyang isip ang kanilang pagniniig. Hindi niya inaasahan na magiging isang tugon si Iris, eksaktong tugon, sa pangangailangang ngayon lang niya napagtanto kung gaano kalalim. Kung gaano kasidhi.
Hindi makatiis na pumihit si Rich hanggang sa magkaharap sila. Payapa ang maganda nitong mukha sa pagtulog. Who would have thought that this innocent bundle beside him possessed more passion than any other woman he had ever met?
He kissed her forehead. Bababa sana ang kanyang mga labi sa tungki ng ilong ni Iris nang bigla itong kumilos at dumilat. Ngumiti ito nang makita siya, nag-inat na parang araw-araw ginagawa ang pag-iinat nang nakahubad habang katabi lang siya at nakatingin. “Hi,” sabi nito sa maaligasgas na tinig. “Happy?”
Napangiti na rin si Rich. Si Iris pa talaga ang nagtanong sa halip na siya. Sa halip na sagutin ang asawa, inilapit niya ang mukha at inangkin ang mga labi nito. Agad na tumugon si Iris sa halik. At muli, nauwi na naman sa pagniniig ang tagpong iyon, sa kabila ng katotohanang mataas pa ang sikat ng araw.

InstaGroom Series 1 Rich COMPLETEDWhere stories live. Discover now