•CHAPTER 14•

4.6K 99 3
                                    

  -ARRNY's POV-

NAGISING nalang ako sa hindi ko alam kung nasaan ako.
Isang napakadilim na kwarto ang pinapasukan ko.
Hindi ko magawang kumilos dahil nakatali ang paanan ko at kamay ko.


Hindi rin ako makasigaw dahil my nakatakip sa bibig ko.
Nag simula ng umagos ang mga luha ko.
At ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


Pinilit kong kumalawa dito sa kinauupuan ko, pero hindi ko magawa dahil ang higpit ng pagkakatali.


Maya maya pa ay biglang lumiwanag ang buong paligid.
At narealize ko nalang na nasa isang kwarto ako at hindi na maimpinta ang mga gamit dahil sa sobrang kalat.


At halos masusuka nalang ako sa mga nakikita ko sa sahig.
Mga patay na babae na hubo't hubad.
Duguan at maraming saksak.


Nahagip naman sa mga mata ko ang anino ng isang lalaki na seryoso at walang ka emosyon emosyon.
Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil naka mask ito.


Palapit ito ng palapit sa pwesto ko habang palakas ng palakas din ang kabog ng puso ko.


'E-enzo, nasaan ka na ba! T-tulungan m-mo a-ko!'


Sigaw ko sa isip ko at pilit magwala pero wala na akong sapat na lakas para gawin pa yun.


Hindi ko rin alam kung bakit si enzo ang unang pumasok sa isip ko na sambitin ko.


"Finally your here, Ms.Kingsley."


Sambit niyang malademonyong lalaki at marahas na hinaplos ang pisngi ko.
Kaya napawingi naman ako sa ginawa niya.


Tinanggal niya din ang panyo na nakatakip sa bibig ko at hinawi ang makalat kong buhok sa mukha ko.


"T-tulong!!! T-ulong!!!"


Buong lakas na sigaw ko at pinagtatadyakan ang sahig.
Tumawa lang siya ng napakademonyo at sumeryoso ng tingin sakin.


"Sumigaw kalang hanggang sa mawalan kana ng hininga. Wala namang tutulong sayo dito. At walang makakarinig sayo mula dito. Pwera nalang kung ililigtas ka sa shining in armor mo."


Malakas ulit na tawa niya at umikot ikot pa sa kinauupuan ko.
Anong ibig niyang sabihin?
Bakit parang pamilyar sakin yung boses niya?
Bakit parang kilala na niya ako ng husto.


Kilala ko ba ang lalaking ito?
Pero saan? Kailan? At pano?


"Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ako kinulong dito?"


Buong lakas kong sigaw at lumuhod naman ito sakin para magkapantay kami.
I swear kapag ako makatakas sa pesting upuan na to papatayin ko tong buwisit na to.  




Marahas naman niyang hinaplos ang pisngi ko.
Parang may gusto siyang ipahiwatig sa bawat pag haplos niya.


"Please! Pakawalan mo na ako dito! Ano bang kailangan mo sakin?"


Nagmamakaawang sambit ko at nag uunahan ng lumabas ang mga luha ko.
Nagsidatingan naman ang iba pang mga lalaking naka hood.
At naka palibot pa samin.
Sa tingin ko nasa twenty silang lahat.


"Don't worry, hindi kita sasaktan kapag tumupad lang sa usapan ang 'Boyfriend mo, makakaalis ka dito ng buo at buhay."



Cold niyang sagot at pinunasan ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.
Pero nung sinabi niyang boyfriend ko.
Wala naman akong ibang fake-boyfriend kundi si Enzo lang.


You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon