°CHAPTER 50° THE TEAR'S FINALE

5.7K 95 8
                                    

  -ARRNY's POV-

NGAYON na ang alis namin patungong new york at magsimula sa bagong buhay kasama ang mga anak ko.
Masaya ako ng malaman kong kambal yung baby ko at malaki ang pasalamat ko ng malusog at malakas ang kapit nila sakin kahit sa kabila ng lahat ng mga masasakit kong karanasan, nanatili parin silang kumapit sakin at hindi bumibitaw.

Isang desisyon ang hinding hindi ko pagsisisihan.
Hindi ko ito gagawin para sakin kundi para sa anak namin.
Masyado na akong nasasaktan sa mga nangyayari kaya mas mabuti pang magpakalayo-layo na muna ako.

Ayoko ko na siyang makita pa at lalong-lalo na't ayoko ko siyang makilala ng mga anak ko.
Hanggang ngayon sariwang-sariwa parin sakin ang lahat ng mga kagagohan niyang ginawa.

Kahit mahirap para sakin ang gagawin ko pero ito lang ang tanging paraan para makalimutan ko siya at malayo sa kanya.
Hindi na siya yung enzo na nakilala ko.
Ibang-ibang na siya.
Akala ko nagbago na siya. Pero mali ako, maling mali ako.

"Arrny, umiiyak ka na naman. " sulpot ni claud sa harapan ko.

Kaya napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na pala namalayan na umiiyak na pala ako.
Kailan ba titigil ang mga luha ko sa kakaiyak.
Hindi ba siya nag sasawa, dahil ako sawang sawa na.

Ningitian ko lang siya ng mapait "Hindi ko maiwasan claud. Hanggang ngayon sobrang sakit parin. Ang sakit sakit parin." hagulhul na iyak ko kaya naramdaman ko nalang na niyakap ako nito at hinagod ang likod ko.

Bakit ko ba pa siya minahal kong ganito lang din ang ipaparanas niya sakin.
Sobrang sakit.

"Shhhh, tama na arrny nakakasama yan sa baby mo. Please, huwag mo nalang siyang isipin. Forget him, and make a new life without him. Alam kong mahirap para sayo to pero isipin mo ang dinadala mo arrny. Maaapektuhan ang bata. Please tahan na okay." kitang kita ko sa mga mata nito ang pag alala kaya tumango na lamang ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Tama ka claud, i need to be strong. Mas kailangan ako ng magiging anak ko. Kaya tama lang tong naging desisyon ko." sambit ko at hinimas himas ang malaki kong tiyan.

'Sorry babies kong hindi ko kayo mabibigyan ng kompleto at masayang pamilya. Masyado na akong nasaktan ng daddy niyo kaya lalayo na muna tayo sa kanya. Andito naman si mommy mamahalin at aalagaan ko kayo kahit wala ang daddy niyo bubuhayin ko parin kayong mag-isa. Mahal ko kayo kapit lang kayo kay mommy, magpakatatag ako para sa inyo.'

Sabi ko sa aking isipan at ngumiti.
Ilang minuto nalang at lilipad na kami, may inaasikaso pa kasi sila cath at wincy sa baba kaya sila nalang ang hinintay ng piloto.
Private plane kasi yung ginamit namin para mapadali lang yung pag alis namin.

"Hi babie's excited na si titamommy pauleen na makita kayo diyan, huwag niyong pahihirapan sa paglabas niyo ang mommy niyo ah. Sasapakin ko talaga kayo." napatawa nalang ako sa sinabi ni paul habang kinakausap ang mga anak ko sa loob.

Binatokan naman ito ni claud kaya napasimangot ito.

"Hehehe joke lang naman eh." naka pout na sabi nito sabay himas sa binatokan ni claud.

"Joke, joke ka diyan." sabi nito at ginaya pa ang boses ni paul, kaya napatawa nalang ulit ako.

"Tama na nga yan, para kayong mga bata diyan." suway ko sa kanila at inirapan naman nito si claud.

Hays, tong babaeng talaga to.
Napaka childish psh.

"ARRNY! WIFE! PLEASE LUMABAS KA DIYAN ALAM KONG ANDIYAN KA! PLEASE! HUWAG MO AKONG IWAN WIFEY!" Bigla namang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa boses ng isang lalaki.

Ang boses na matagal ko ng hinahanap hanap na marinig.
Ang boses na matagal ko ng iniiyakan.  

 Dahan-dahan akong lumingon sa bintana at nakita ko itong nagpupumiglas na makalawa sa mga security guard kasama na rin sina daryll, kent at kevin.

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon