Chapter 5: Again.

7K 120 3
                                    

Chapter 5: Again.

Dominique’s POV

 

Nagising ako sa tunog ng cellphone ‘ko. Alarm ‘ko iyon at pang-anim na beses na yang tumunog, naka-set kasi siyang mag-alarm every five minutes. And tama kayo, thirty minutes na ang nakalipas sa totoo ‘kong wake up time. What can I say? I’m the queen of the indolence. Kaya nga siguro pinaparusahan ako ni amang maylikha dahil sa tamad ako, one of the deadly sins yun eh.

I set my phone on vibrate mode para hindi ‘ko na itong marinig na mag-alar pa at tinakpan ang mukha ‘ko ng unan. I don’t want to go to school. Don’t get me wrong, hindi naman ako ganito katamad dati na pumasok sa school, pero kasi graduate na ako ng high school, kaya na-bo-bored na ako.

Ayoko namang magpasa nan g form sa college dahil gusto ‘kong makasama sa prom si JP, and I want to enter college na kasabay siya. He’s my bestfriend and I want to do things na kasabay siya. At isa pa, one of my reasons before ay ang makasama si Chris. And you know what happened.

Nagpagulong gulong ako sa kama ‘ko, hindi na ako makatulog. Ang dami ng umiikot sa isip ‘ko, hindi na ako makapag-focus sa pagtulog. Bumangon ako at nilibot ang paningin ‘ko sa buong kwarto ‘ko, nagkalat ang mga papel, libro, ball pen, marker at kung ano ano pa. May isang anatomy Jane pa akong nakakalat ang bawat parts niya sa lapag.

Alam niyo yun? It’s like a Barbie doll pero natatanggal ang mga organs niya. Pinabili ‘ko yan kila mommy nung bata pa ako. Weird no? Imbis na simpleng Barbie doll ang ipabili ‘ko ay yung ganong klase pa. Sabi nga ni JP, hindi lang daw weird, creepy pa daw.

Umalis na ako sa kama at pinulot si Anatomy Jane at inayos ang mga organs niya tapos ibinalik na siya sa box niya. Yung ibang gamit ko... Hinayaan ‘ko lang. Mamaya ‘ko na lang sila lilinisin. Maliligo muna ako.

Kinuha ‘ko yung towel ‘ko at pumasok na sa bath room, naupos muna ako sa toilet habang hinihintay mapuno ng tubig yung tub. Humuhikab hikab pa ako habang nilalagyan ‘ko ito ng sabon, nang makita ‘kong puno na ito ay pinatay ‘ko na yung faucet at inayos ang speaker at iPod ‘ko sa may counter, isinalpak ‘ko yung iPod sa speaker at nagpatugtog.

Napasayaw ako sa kanta ni Demi Lovato na ‘I really don’t care.’ Gumiling giling pa ako hanggang sa matanggal ‘ko na ang lahat ng damit ‘ko at sumampa na sa bath tub. Nang matapon ang excess water ay nag-gasp ako at pumitik, “Eureka.”

Natawa naman ako sa ginawa ‘ko at nilubog ang sarili ‘ko sa tubig.

Halos trenta minute akong nagbabad nang mapagdesisyunan ‘ko ng magbanlaw, nang matapos ako ay nagbihis na din ako kagad, nag-shorts at sleeveless shirt lang ako. Sobrang init kaya ng panahon para mag-mahabang damit pa ako. Tsaka hindi din naman ako papasok.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay iniligpit ‘ko na ang kalat sa kwarto ‘ko, wala akong kahit anong tinapon dahil lahat ng mga akala mong scratch at basura doon ay may naisulat akong importante. Mamaya ‘ko na aayusin dahil tinatamad pa ako.

Though tanda ‘ko naman ang mga nakasulat doon ay ayoko namang ma-stress pa sa kakaisip, yun na lang ang pahinga ng utak ‘ko eh.

Basketball Love Affair 4: Jump BallOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz