Chapter 18: What?

5.8K 81 5
                                    

JhasMean:

Last 2-7 chapters na lang. Hahahaha! Since, I’m still not sure. XDAnyway, enjoy reading po. Thank youuuu. :D

~~~

Chapter 18: What?

Dominique Michelle Alcantara

"Jhester, anong mas maganda, itong purple o pink?" Tanong ko kay Jhester at tinapat sa kanya ang kulay purple na cocktail dress na hawak ko.

Inalis naman niya iyon sa tapat ng mukha niya at sinabing 'yung kulay purple ang maganda. Well, ha has no choice naman since kahit sabihin niyang 'yung pink ang maganda, ipipilit ko pa din 'yung purple. Tsaka, ano bang alam ni Jhester sa ganitong damit. Haha!

Buti nga at sinamahan niya ako dito ngayon sa mall, eh. April na ngayon, at tuwing April ay may celebration ang Avery Hospital, foundation kasi iyon ng Ospital. At sa celebration na 'yon ay twenty pro-bono operation ang isasagawa, meaning, libreng operasyon. Not exactly libre, may parang mag-sponsor lang para dito. Mamimili sila sa mga pasyenteng gusto nilang bigyan ng libreng operasyon. Syempre ang mga kasama lang sa listahan ay 'yung mga mahihirap na walang pambayad sa operasyon.

Kumapit ako sa braso ni Jhester nang napag-desisyunan ko ng kunin ang kulay purple na dress, nagbayad na ako and when I'm about to hand to the cashier my credit card ay nilahad na ni Jhester 'yung sa kanya.

"Ayun, libre!" Pumalakpak ako at kumapit sa braso ni Jhester at tumawa.

Nagpasalamat kami sa babaeng kahera na tulalang nakatitig kay Jhester at tumango na lamang. Hindi ako na ako nagseselos dahil nuon pa man ay madalas nang mangyari iyon, woman drool over my best friend-- boyfriend, rather.

"Jhester, punta tayo ng Avery. May pinapakuha sa akin si Daddy kay Kuya, eh." Tumango ito at kinintilan ako ng halik sa pisngi at inakbayan palabas ng mall.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang si Jhester, not that it's new to me, pero alam kong may iniisip siya. Jhester silence' means so many things, it's either he's bored, he doesn't want to talk, nothing to say or he has problem.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa gear at mahinang pinisil ito, lumingon siya sa akin ng tumigil ang sasakyan dahil sa stop light at nilapit ang kanyang mukha upang halikan ako sa labi.

"I love you, Dominique."

"I love you, too." Pagsagot ko naman sa kanya at hinaplos siya sa pisngi.

Napapitlag kaming dalawa mula sa pag-mo-moment namin nang businahan kami ng sasakyan sa likod namin, natatawa namang pinaandar ni Jhester ang sasakyan at muling hinawakan ang kamay ko.

Pagdating sa ospital ay tinahak namin ang opisina ng chief of surgery which is si Kuya, ang kaso, wala ito doon. Ang naabutan lang namin doon ay ang isang intern na inaayos ang gamit niya.

How did I know na intern iyon? Iba kasi ang suot nilang scrub sa mga attendings. Navy blue kasi ang sa attendings at light blue ang sa resident at intern. Now how'd I know na intern siya? Kasi nagulat siya ng pumasok ako doon.

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now