Chapter 13: MUD Night.

5.4K 89 3
                                    

Jhassy: Guys, pabasa nung bagong post kong story, yun yung story na pinasa ko sa NWC ni nayinK. L1234 ang title niya. Thanks ng madami! Just click the external link or kung naka-mobile kayo, kindly go to my profile na lang. Hihihih! Dankes!

~~~~~~~~~

Chapter 13: MUD Night.

Dominique's POV:

Tinanong ko si Chris kung sino ang isasama niya sa MUD night, ang sabi niya, si Angelique daw. I asked him kung bakit hindi na lang niya yayain si Bea. Nagtaka naman siya kung bakit niya yun yayayain.

Haynako. May pagka-dense si Chris. Epekto siguro ng sakit na pinararamdam ko sa'kanya kaya namanhid na. Ha-ha! Ang ganda ng joke ko. =___=

Nang matapos kaming mag-usap ay naligo na ako. Halos forty five minutes din pala kami nag-usap.

Seven twenty na nang mapuno ko yung bath tub. Thirty minutes akong nagbabad. Hindi naman talaga dadating ng eight si Jhester, sinabi niya lang yun, pero mga quarter to nine na yun dadating dahil alam naman niyang matagal ako.

Natapos ako ng mga quarter to eight na at pumasok na ako sa walk in closet ko. Kinuha ko yung dress na susuotin ko at sinabit lang ito sa may gitna, naupo ako sa tapat ng tokador at nag-make up.

Hindi naman ako kagaling mag-make up. Marunong lang ng onti. Light lang. Yung tipong, foundation, light eye shadow, blush on at lipstick lang. Hindi ko kaya yung smoky eyes or yung mga style style sa eye liner.

Nang matapos ako ay sinuot ko na yung dress at humarap sa salamin, na hindi ko nanaman kailangan mag-effort pa dahil bawat sulok nito ay salamin. Umikot ikot ako at ngumiti.

Naupo ako sa kulay violet na sofa ko at sinuot ang doll shoes ko na kulay puti na may shades of black. Ako ang gumawa nito, bumili ako sa divisoria ng plain na doll shoes at ako mismo ang nag-design.

Oh diba? Maganda na, mura pa. Napatingin ako sa wall clock ko at nakitang eight thirty na, kinuha ko na yung phone ko para sana itext si Jhester na tapos na ako nang makita kong nag-text siya.

 

Jhester:

Nasa labas na ako.

Kinuha ko ang black and white purse ko at nilagay don ang isang foundation, lipstick, panyo at phone ko. Astig no? Nagkasya sila.

Madaling bumaba na ako at naabutan ko si daddy at mommy na nasa sala at nanonood ng operation ni kuya dati, yung neurocystocercosis. At si kuya naman ay hawak ang PSP niya dun sa single sofa.

"Maaaaa!" Sigaw ko kay mama, napalingon silang lahat sa'kin. Si Daddy ay biglang tumayo at si kuya naman ay ngumisi lang at pinagpatuloy ang paglalaro niya.

Lumapit sa'kin si mama at hinawakan ako sa braso, "Why didn't you tell me na may pupuntahan ka pala? Dapat ay naasikaso kita." She said habang malungkot ang expression.

"No need, ma. Alam ko namang nagpapahinga kayo eh." Ngumiti ako na ikinangiti din naman niya.

"Still. Next time sabihin mo sa'kin. I want to be a mother."

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now