Chapter 12: What if's and regrets.

4.8K 83 6
                                    

Chapter 12: What if's and regrets.

Dominique's POV:

 

Third week of December na, at last day na ngayon ng MUD. Ilang araw na din pagtapos nito ay christmas break na. Umaga pa lang kaya nandito pa ako sa classroom namin at binibilang ang perang nalikom namin sa cafe na ginawa namin.

Bawat organization kasi na sinasalihan ay required na magtayo ng dalawang booth mula sa pondo na meron. And each students ay required namang sumali sa mga organizations, at kasali ako sa shades and hues, ako ang every-MUD-member nila.

Never kasi ako sumasali sa mga organization, ayoko kasing nahahati ang oras ko sa mga bagay, kung gusto kong mag-aral, yun lang ang gagawin ko. Kaya naman kinausap noon ni Jhester si Yyan para gawin akong miyembro nito.

Ako din ang nag-introduce nito kay Chris. Speaking of, kasalukuyan niyang inaayos ang mga round tables na nilagay namin dito sa classroom at nilalagay ito sa isang gilid.

Yung iba naman ay inalis na ang kulay puting kurtina na may abstract painting na gawa ng org, at yung iba ay inalis ang nakasabit na paintings and sketches sa pader.

Lahat ng nandito, from the table cloth, to the plates, cups, and all the things we used in this cafe ay ni-design ng organization. Ang galing nga, lahat ay personalize.

Nang matapos ako sa pagbibilang ng pera ay isinulat ko iyon at inulit, dalawang beses ko ng binilang at itong ngayon ang pangatlo, pag nagkaparehas ang counting ko ay ibig sabihin tama.

Ilang minuto ay natapos na ako at parehas naman ang bilang ko sa lahat, "Guys, we collected six thousand seven hundred eighty seven." Sigaw ko dahilan para maghiyawan at magpalakpakan sila.

Lahat ng nakolektang pera dito ay mapupunta sa bahay ampunan na siyang napili ng eskwelahan. Taon taon daw kasi ay ganon, lahat ng nalilikom tuwing MUD ay malamig na mapupunta sa charity na napili. Malamig ibig sabihin, kung magkano ang naipon ng bawat estudyante, bawat sentimo ay mapupunta doon. Walang kaltas, pero minsan may dagdag.

Ngumisi ako at nilagay sa maliit na envelope ito, kinuha ko ang wallet ko at nagdagdag ng apat na libo sa perang nakolekta namin. Sinulat ko sa likod ng envelope ang halaga ng pera at kung anong organisasyon ito nanggaling.

Nagsialisan ang ilang miyembro at naiwan ako, si Chris at isang babae na miyembro ng S&A, "Chris, punta tayo sa Melody mamaya." Pag-aya ko sa'kanya habang inaalis niya ang frame sa pader.

"We can't be seen together, Dominique." Ngumuso ako at humalukipkip.

Oo nga pala, hanggang sa ginagawa namin ang palabas namin, hindi kami pwedeng makitang magkasama. Hindi kami pwedeng maging normal na magkaibigan. Abnormal friends kami for the mean time.

"Basta pumunta ka sa melody."

Tumango naman siya at um-oo sa'kin. Pinipilit ko siyang pumunta doon dahil napag-alaman kong miyembro nun si Bea. At nag-ma-match make ako ngayon.

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now