Trouble with the New Girl

37.6K 652 3
                                    

First Update!!! So ayun nga, I decided to re-write it... AGAIN.... Ewan ko ba, hindi ako nakuntento.

****

CASS

Nagising ako sa magkakasunod na ingay ng alarm clock. Padabog akong umalis sa kama na muntikan pa akong matumba dahil sa bra kong nakaikot sa aking paa na nakasabit sa paanan ng aking higaan.

"Shit naman" I groaned, nang makuha ko ang bra ay saka ito inihagis paalis.

"Ano 'yon? ANO 'YON?!"

Pinandilatan ko ng mata ang nagtatakbong hinihingal na pinsan kong si Julia. Narinig siguro nito ang kalabog at pagbasag ko, pati narin ang isa sa aking mga alarm clock sa may desk.

"A-anyare sayo pfft?" pigil tawa nitong sabi.

"Ang sabi nila, instead of breaking their hearts, might as well break their bones because they 306 of 'em."

Pinagpag ko ang aking pajamas at tumayo.

"Kaya kung tatawa ka, siguraduhin mong makakatakbo ka agad." pagbabanta ko.

"Whatever"

She just shrugged at tumango tango habang sinasarado ang pintuan ng kwarto ko.

Wala talaga siyang takot sa akin kasi narinig ko pa ang malakas na tawa niya matapos niyang maisara ang pinto.

"JULIA!"

Ilang minuto siguro akong nagdadadabog para matanggal itong pesteng bra na ito sa pagkakakabit sa aking kama, sasabihin ko nalang si manang mamaya na alisin na ang mga ganito kong bra, kung kinakailangan magninipple tape nalang ako. Ugh.

Muli akong napahiga sa kama at mas inilubog ang sarili sa aking comforter. Sinilip ko ang isang dosenang mga alarm clock sa gilid ng kama ko.

Kailangan ko to dahil tulog mantika ako, at kung hindi ako gagamit ng ganito kadaming alarm clock malamang sa alamang na mapapatalsik nanaman ako sa eskwelahang pinapasukan ko ngayon.

Diba? Wala tayong choice.

Pinagmasdan ko ang iba't ibang kulay na glow in the dark na star shaped na nakadikit sa aking kisame at muling pumikit.

Modern designed ang room ko pero I decided to put some stars sa kisame. Pang bata man tignan but it really comforts my soul.

Nanatili akong nakahiga, mga ten minutes siguro.

Maya maya pa ay saka ko lamang napagpasyahan bumangon ng may lumanding na isang bituin sa aking noo.

"Punyeta talaga"

I rolled my eyes, at itinapon nalang ito sa tabi. I didn't bother na ilagay ulit yun sa kisame, nakakatamad.

Nakatayo ako sa harap ng malaki kong salamin habang dahan dahang sinusuklayan ang aking mahaba at makapal na buhok. Dahan dahang bumaba ang aking tingin sa katawan ko, hapit na hapit ang uniform na aking suot na siyang nagpadefine ng magandang hubog nito, huling napadako ang aking tingin sa mata kong kulay light brown na pares sa buhok ko.

"Sis bilisan mo naman" saad ni Julia na bahagyang nakasilip na pala sa pintuan ko. Hindi ko na pinansin kung paano niya ito nabuksan.

"Oo sandali, eto na"

Ibinaba ko na ang hawak kong suklay at pinagpag ang medyo nalukot kong uniporme, kinuha ko na ang aking bag at bumaba na. Hindi na ako nagabalanh sulyapan pa ang kwarto ko, makalat din naman sa loob.

---------

Greenfields Academy

Tatlo lang naman kaming nasa loob pero van pa ang ginamit. Rich kids - ika nga nila.

She's the Gangster Queen (REVISED & COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora