Truth or Dare

15.7K 353 2
                                    

no to silent readers awooo~

***
revised

CASS

Buong araw kami dito sa kwartong to, gulo gulo narin yong ibang sulok at puro kalat na ng paper cups, pero pumasok si Lola Claire kanina habang nagsasasayaw sila sa harap ng tv para maglinis ng kaunti. Ang sabi ko naman ay hindi na kailangan at kami na ang bahala magligpit kasi paniguradong madadagdagan nanaman ang kalat mamaya.

Prente lamang akong nakaupo habang kumakain ng chips sa sofa. Bahagya akong napalingon sa katabi ko na umiinom ng soda, si Gab.

Medyo nagalit si Lola Claire kanina kasi ang kalat kalat na raw ng kwarto.

Ayaw pa naman nun na makalat ang kapaligiran niya, kaya ang nangyari ay pinaglinis niya kaming lahat dito bago ipinagpatuloy ang pagpaparty nila.

Mga 7 pm narin ng gabi at hinahanda na ni Lola Claire ang hapag kainan sa baba.

Nagpaalam sa akin sila kuya na aalis muna na kasama si Chloe, magbabonding siguro silang dalawa.

Maya maya pa ay narinig ko na may kumatok sa pinto, hindi nila ito napansin kaya ako nalang ang nagabalang magbukas.

Si butler Lee lang pala, sinabihan ako nito na kakain na sa baba.

"Pinapatawag na po kayo ni Ma'am Claire young lady" tumango ako rito at sinabing susunod na lang kami.

Pinatay ko ang tv na siyang kinainis nila pero tinaasan ko lamang sila ng kilay.

"Cass namaaaan!"

"Baba na, kakain na tayo ULIT"

Kanina pa kasi sila kumakain, samantalang ako ay nakatulog na kanina habang pinapanood silang
mag pakabaliw sa harap ng tv.

"Yes kakain nanaman!!" sigaw ni Tyler, nauna na silang bumaba at naiwan kami ni Gab dito sa kwarto.

"Hindi ka pa ba baba?" tanong ko rito, saglit niya akong tinitigan pero tumayo lamang ito at lumabas. Sungit.

***
S

aktong pagbaba namin ay siyang pagbukas ng main door, at base sa mga yabag ng paa at ingay, alam kong sila kuya na 'yon.

Katabi ko si Chloe sa kaliwa at sa kanan naman ay si Lyka, bali walo kami ngayon sa hapag kainan at magkakatapat lamang sila, ako lang ang walang katapat dahil lima kaming babae at sa kabila naman ay silang tatlo nila Tyler, Christian at Gab.

"Salamat po lala" nginitian kami ni lala at pumunta na muli sa kusina upang sabayan si butler Lee na kumain ng hapunan.

"Bukod sa pagsasayaw at arcade ano pang pwede nating gawin?" Christian, ang sumunod na medyo maingay sa tropa nila.

"May alak bang kasama?" tinignan ako ni Lyka at nagkibit balikat lamang ako, eto namang si Lyka ang lasinggera sa amin, mahilig uminom per mabilis malasing. Mahina.

"Meron yan sus! Cassy pa ba? Hihi" sabat naman ni Tyler, ang fucboi, alam niyo na manlalandi ng iba't ibang babae at iiwan sa huli, hindi marunong sa commitment, wala sa vocabulary niya iyon.

"TRUTH OR DARE!!" nagulat sila dahil biglang sumigaw si Chloe, aba't ke bata bata pa at may nalalaman ng ganyan.

"Hehe sorry ate, 'yun kasi ang madalas na nilalaro namin sa school kapag ka free time" paliwanag nito

"Chloe!! Matalinong bata!!" pinanliitan ko ng mata si Tyler, siguradong puro kalokohan nanaman ang nasa utak nito.

"Pwede naman, pwede narin" umoo si Julia sa tugon ni Chloe kaya napangiti ang bata at tumingin sa akin. Nginitian ko nalang ito at muling bumalik sa pagkain.

She's the Gangster Queen (REVISED & COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon