Goodbye

5.9K 133 2
                                    

****
revised

CASS

huh asan ako?

"Sweetie"

"Cass"

"Ateeee!!!"

"Ma? Chloe? Nasaan kayo?"

I can't see anything, puro itim lang ang nasa paligid ko, kahit sarili kong katawan hindi ko makita

Oh shit, am I dead?

For reals?

Totoo na 'to?

Tunay na tunay?

Walang halong joke?

"Hahaha sweetie calm down"

I heard my mom's chuckle, it was very sincere and serene, nakakagaan sa feeling lagi ang tono ni mommy.

"Mommy?"

"GAHH ATE I MISS YOU!!!"

"Keep it down Chloe"

"Hehe sorry mommy!"

"Mommy? Chloe?"

"Ugh"

Minulat ko ang aking mga mata sandali pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag.

"H-hey"

Hanggang sa luminaw na ang aking paningin nakita ko ang imahe ni kuya Nathan, kita ko ang mga itim sa ilalim ng mata nito at halatang pagod na pagod na.

Inayos ko ang upo ko at inikot ang buong tingin sa paligid, all I can see is white, that means nasa hospital kami.

Again.

Kung saan huli namin nakita at nasilayan ang nasunog na katawan ni mommy, kaming tatlo nila kuya Nathan at si Chloe..

"May masakit ba sayo? Tatawag ba akong nurse? Tatawag ako ng nurse ha sandali lang"

"Kuya, I'm fine. No need, relax hahaha"

"Oh well"

"You're the one who doesn't look okay"

"Iwan mo ba naman ang mga kaibigan mong may saltik sa akin? No way."

"Hahaha sorry, my bad"

Naramdaman siguro ni kuya Nat na hindi ako masyado mapakali kaya naman pinatay nito ang ilaw at binuksan ang moon lamp na galing sa kwarto ko.

"WOAH NICEE!!"

Pumasok si Lyka at nasa likod nito ang iba pa naming mga kaibigan, kahit sila Gab ay nandito din.

Napagdesisyunan nilang dito tumambay ng overnight. Masaya rin ako dahil buo kami lahat, nasabi rin nila na ayos na ang pakiramdam ni Julia dahil halos one week rin pala akong tulog.

They also said that Mica is in jail now and Monique? I don't have news about her but I pray that she's alright.

Lyka also mentioned na kumalat sa balita ang nangyayari sa pamilya ni Butler Lee, his step daughter is in jail, the step mother of Monique's is in a psychiatric ward, kaya ang ginawa ni kuya Nat ay binigyan niya ng vacation si Butler Lee para masamahan at mabantayan ang nagiisa niyang anak na si Monique.

I feel so bad for Monique and I couldn't let Butler Lee go, sakanya rin ako lumaki, so Butler Lee's quite a family for me now.

"Cassy oh! Inorder ko favorite mong meal sa BK hihi"

"Wow thanks"

Maghapon kaming nagkwentuhan at nagkulitan, paminsan minsan rin kaming napapagalitan dahil masyado na raw kaming maingay at naiingayan ang mga pasyente sa mga kalapit kong kwarto, pero kada alis nila ay tinatawanan lamang namin sila. Mga ugok talaga.

Umalis si kuya Nat sandali dahil kailangan raw siya sa opisina niya. Pinagsabihan kami na huwag masyado maingay at manood na lamang ng movie, kaya si Tyler bilang isang boy scout, may dala siyang mini projector at speaker.

Bumili narin ng makakain sila Kyle at Christian sa labas.

Buong palabas ay tahimik kami lahat, may pagkakataong nagtatawanan kami, ang mga babae ay minsanang naiiyak dahil sa napapanood, maya maya ay nagaasaran na sila lahat, pero ako ay tahimik lamang napapangiti habang pinapanood sila.

Kumikirot kasi kapag gumalaw ako ng bahagya, minsan ko ring napapansin ang pagtingin sa akin ni Gab kapag nasasaktan ako or may masakit sa akin, pero nginingitian ko lamang ito para hindi na siya magalala pa.

"Bagsak lahat ha"

Napadako ang tingin ko kay kuya Nat, sa sinabi nito ay dahil tulog na sila lahat, kahit si Gab na walang ginawa kundi kumain at huminga lang kanina ay bagsak rin.

"Kuya Nat?"

"Yes baby?"

"Can I talk to you? Umm, outside?"

Sumeryoso ang tingin nito at tumango na lamang.

"Do you really need to do this? Alone?"

"Yes kuya, this is the only time. Please? For me?"

"Fine fine"

Bumalik kami sa room ko at nakitang tulog mantika parin ang mga kaibigan ko.

I really need to do this.

I'm so sorry guys.

Tahimik kong inayos ang mga gamit ko, nagpalit narin ako ng damit, nakahoody na ako ngayon at pants.

Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko sila ng tingin.

"Okay ka na? Wala ka na bang ibang iniwan?"

Tumango ako kay kuya at sinara na ang pintuan.

"Bukod sa mga alala nila sa akin, wala na akong ibang naiwan"

is this really a goodbye?


From: December 9, 2019

Sorry po kung ganito yung pagkakaayos ng story!! I was too young back then and mali mali pa ang mga grammars. I hope you guys understand and thank you po for supporting me despite of my weaknesses in making stories!!

Please do well vote and read and also support my on going story na In the Heart of the Sea, made by yours truly.

Iloveyou guys!! ❤️

She's the Gangster Queen (REVISED & COMPLETE)Where stories live. Discover now