Chapter 2 : Princess Yuri

14.2K 409 1
                                    

*Queen Louise's POV

Magaan ang loob ko sa bata kahit siya ang anak ng asawa ko kay Queen Reika dahil alam ko na na control lang ng asawa ko ni Queen reika dahil ang paniniwala ng taga Felox Kingdom malakas ang magiging anak ng Taga Felox Kingdom kung magkakaanak sila ng pure royal blood at lalong lalo na pag galing sa Keiran Kingdom.

"Anong ipapangalan natin sa kanya Hon?" Tanong ng King

"Ano kaya kung Yuri Samantha?" Sabi ko na nakangiti

"Magandang pangalan bagay na bagay sa kanya" sabi ni King Harold

"May makakalaro na din tong bunsong anak natin hon" habang himas ang malaki kong tiyan kabuwanan ko na kasi

Nakaramdam ako ng matinding kirot at pumutok na ang palatubigan ko

"Hon manganganak na ata ako" sabi ko at dinala ako sa kama ko at tumwag ng kumadrona

"Ahhhhhhhhhhhh" sigaw ko na sobrang sakit

"Congratulations mahal na hari at reyna babae ang anak niyo" sabi niya na nilapit sa amin nagulat na lang kami ng biglang umitim ang anak ko at pilit na ni re revive ng kumadrona pero nakita namin ang lungkot niya

"Mahal na hari mahal na reyna kinalulungkot ko patay na ang mahal na prinsesa" sabi niya

"Hindi Hindi patay ang anak ko tignan mo ulit siya" sabi ko na nagwawala na pero pinapakalma lang ako ng asawa ko

Kinabukasan

Malungkot pa din ako walang ganang kumain nilihim namin sa lahat ang nangyaring pagkawala ng anak ko

"May napagtanungan na ako na pwedeng umampon kay Yuri" sabi ng asawa ko

Nanlamig ako napamahal na din sa akin ang bata magaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit anak pa siya ni Queen reika

Lumapit ako sa asawa ako at umiling nagtaka naman siya

"Hindi natin ipapaampon ang sanggol tayo na ang tatayong bilang magulang niya anak mo siya kaya para sa akin anak ko na din siya ipapalabas natin na siya ang sanggol na iniluwal ko" sabi ko at nakita ko ang galak sa mukha niya at niyakap ako

"Napaka swerte ko sayo hon" sabi niya

"Tatawagin natin siya na princess yuri samantha kezen" sabi ng asawa ko at tumango lang ako at niyakap siya

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now