Chapter 9 :

10.2K 294 4
                                    

Sa keiran Kingdom

"Kamusta na kaya ang anak natin? Sana maayos siya namiss ko na din siya kahit may pagka matigas ang ulo minsan" sabi ni Queen Louise na bakas ang pangungulila sa mukha

"Magtiwala tayo sa anak natin ako man namimiss ko na si yuri pero alam natin eto ang makakabuti" sabi naman ni King Harold

"Tama ka kelangan niya mag stay sa mundo ng mortal hanggat hindi pa siya tumutuntong ng 17 years old dahil sa ikalabing pitong kaarawan niya lalabas ang darkness power niya kelangan niya pumunta sa mortal world para hindi maramdaman ng Feloc kingdom ang presensiya niya" mahabang sabi ni Queen Louise

Sa Felox Kingdom

"Anak ko sana andito ka pa sabay natin pamumunuan ang mundong ito malapit na ang ika labing pitong kaarawan mo lalabas na ang darkness power mo pero wala ka na pinatay ka nila"sabi ni Queen reika habang hawak hawak ang Damit pang sanggol

"Pangako anak hindi ko sila papatahimikin" patuloy na sabi ni Queen Reika



*Princess Yuri/Andrea's POV

"Ahhhhhhhh ang sakit ng ulo ko" sigaw ko sa kwarto ko

"Ano yong narinig ko? Anak? Hindi papatahimikin? Ahhhhhh ang sakit sakit ng ulo ko" sigaw ko

Biglang may nagbukas ng pinto si mom pala si fake mom

"Anong nangyayari?" Tanong niya

"Bigla na lang sumakit ang ulo ko sobrang sakit may naririnig akong nagsasalita" sabi ko at bigla na lang ako nawalan ng malay

*Lia's POV

Sino kayang narinig niyang nagsasalita - sa isip ko

"Malapit na ang kaarawan niya mag lalabing pito na siya kelangan natin siyang protektahan" sabi ko

"Tuloy pa din ang plano" sabi ko sa kanila at tumango naman sila

Binabantayan ko ang prinsesa na mahimbing na natutulog nagaalala ako ako kelangan ko siyang lalong bantayan hindi pwedeng malingat dahil malapit na ang kanyang kaarawan

Princess Yuri/Andrea's POV

Lahat ng students dito naiilang sa akin pag dumadaan ako umiiwas sila

Hay ikaw ba naman ang anak ng mayari ng school na to tsk

Nagulat na lang ako ng may tumapik sa akin at mabilis pumunta sa harap ko

"Ang aga aga nakabusangot ka smile naman diyan" nakangiting sabi ni Jonna

"May bayad ata pag ngiti ni Yuri eh" sabi naman ni Angel

"Teka hintayin niyo ako" sabi naman ni cheska na mabilis tumakbo papunta sa amin

Tsk nauna na ako sa kanila ang bagal eh nakasalubong ko naman si Queen bee Cara nakangiti sa akin

Nakain nito? Himala ngumiti muna sa akin

"Good morning Yuri" masayang bati niya sa akin
Tinignan ko lang siya at pumasok na sa school nakita ko naman na sumimangot siya Plastik nga naman umiling na lang ako

Bigla akong tumayo habang nag didiscuss si sir nakaramdam ako ng sikip ng dibdib ko

"May problema ba yuri?" Nag aalalang tanong ni sir

"Mag c cr lang ako" tipid kong sagot at tumango naman siya mabilis akong pumanta sa cr ginamit ko ang speed ability ko

Pag pasok ko sa cr pumasok ako sa cubicle at naramdaman ko na pasikip ng pasikip ang dibdib ko at kumikirot ang ulo ko yay lalabas nanaman ang isang personality ko letsee naman oh bakit dito pa sa school?

~10 minutes later~

Nakita ko na tapos na ang first subject at nakita ko na nagkwe kwentuhan sila Jonna,Cheska at Angel lumapit sila at nagulat first time ko kasi ginawa to ang lumapit sa kanila

"Hi girls tara kain tayo sa Cafeteria" malambing kong yaya sa kanila" napansin ko naman ang pagkabigla nila at agad naman nakabawi

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now