Chapter 32 : Amnesia

7.1K 216 0
                                    

* Someone's POV

Dalawang buwan ng hindi nagkakamalay si Princess Yuri alalang alala na kami sa kanya araw araw bumibisita sina Queen Louise at King Harold at kitang kita ko ang pagkabalisa nia

"Sorry po mahal na reyna mahal na hari kung hindi niya po ako niligtas hindi po mangyayari sa kanya yan" umiiyak na sabi ni princess Ariana

"Shhh Wag kang umiyak princess Ariana walang gusto na mangyari to" sabi ni Queen Louise

"Pagbabayarsn ng mga Feloxians sa nangyari sa Anak ko" galit na sabi ni King Harold

~ FlashBack~

Nagkwekwentuhan kaming mga royalties

"Asan na ba sina Yuri at Ariana? Kaninang umaga ko pa hindi nakikita si yuri sabi niya pupunta daw siya ng Library at gusto mapagisa. At si Ariana naman umalis lang sandali hindi na bumabalik" mahabang sabi ni Prince Ken

"Mamaya andito na yon alam mo naman yong dalawang yon parang kabute basta basta na lang sumusulpot" sabi naman ni Princess Bea

Maya maya may naring kaming malakas na BLAGGGGG!! Si princess Ariana sugatan natumbas siya sa pintuan

"Bessyyyy anong nangyari sayo? Sinong may gawa niyan?" Nagalalang tanong ni Princess Yumi

"Malalagot sa akin ang may gawa niyan" gali na sabi ni Prince Drei ahem matagal na kasing may gusto si drei kay arianna

"Ang mga Feloxians may gawa nito kinidnap nila ako at dinala sa Felox Kingdom sinundan pala ako ni Yuri at tinakas pe...roooo nagpaiwan si yuri sa Forest at nilalabanan ang mga Feloxians kelangan niya ang tulong niyo puntahan niyo siya" pagkasabi ni yuri nawalan na siya ng malay dinala siya ni prince drei sa Clinic

"Ang kapatid ko kelangan natin siya tulungan" nagaalalang sabi ni Prince Aldrin

"Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya tara na" sabi nila princess Laira

"Pag may nangyari sa kapatid ko humanda sila hinding hindi ko sila mapapatawad" galit na sa ni princess Selena

Nagaalalang nagteleport si Prince Aki basta kay Yuri talaga sobrang nagaalala siya pumapag ibig na

~End of Flashback~

*Princess Yuri's POV

Princess - tawag nang boses babae na naririnig ko pero liwanag lang ang nakikita ko

Patay na ba ako?

Sino ka? Magpakita ka - sabi ko naman at nakita ko ang babae na nakatalikod pero hindi ako makalapit sa kanya may kung anong nakaharang

Princess ikaw ang nakatakda na tatapos ng kasamaan

Piliin mo sana ang kabutihan at hindi ang kasamaan wag mo akong bibiguin mahal na prinsesa paalam.

Sabi ng babae at naglaho na

Teka lang Sino ka ba? Kabutihan? Kasamaan? Nakatakda?

"Mahal na reyna mahal na hari si princess Yuri gising na" sigaw ng babae na parang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas

"Anak kamusta kna? Alalang alala kami ng dad at mga kapatid mo huhuhu" umiiyak na sabi ng babae na nagpapakilala na mom ko

"Sino po kayo? Hindi ko po kayo kilala?" Sabi ko na natatakot at ayaw kong magpahawak

"Dr paanong hindi kami matandaan ng anak ko?" Takang tanong na nagpakilalang dad ko

"Naubos niya po ang kapangyarihan niya ng masagupa niya ang mga kalaban at tumama din po ang ulo niya sa bato na naging sanhi kaya nagkaroon siya ng amnesia" magalang na sabi ng Doc

"Hanggang kelan siya ganito?" Nagalalang tanong ng babae at ate ko daw siya si Ate laira

"Hindi po natin masasabi kung babalik pa ang alaala niya o hindi na" sabi ng Doc

Umiiyak naman si mom at mga royalties sa sinabi ng Doc

Bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa ulo ko

"AHHH Arayyyyyy ang sakit ng Ulo ko" sigaw ko at nataranta naman sila lumapit agad sa akin si doctor at tuluyan na ako nawalan ng malay

*Vera's POV

Lihim akong pumunta sa Clinic at nakikinig sa pinaguusapan nila at nalaman ko na walang maalala si Princess Yuri na nagkaroon siya ng amnesia.

Kelangan malaman ng mahal na reyna ang nangyari sa anak niya

At nagmadali na akong pumunta sa Felox Kingdom

Nakita ko ang mahal na reyna nakaupo sa trono niya Halatang dinamdam ang ginawa ng anak niya sa kanya

Dahil mula non mas lalo siyang nakakatakot at lalong naging ruthless kaya nakakanginig pag kinakausap mo siya na parang mararamdaman mo ang kamatayan mo

"Ma..hal n.aa re..eyyna may da..apatt po kayong malaman tungkol kay princess Yuri" nauutal kong sabi habang nakayuko na lumuluhod

"What is it?" Cold na tanong ni Queen Reika

"Nagising na po siya" sabi ko na kinakabahan

Wala akong narinig na sagot niya kaya nagpatuloy akong nagsalita

"Pero may amnesia siya mahal na reyna" sabi ko

"Gusto ko makuha ang anak ko Vera. Akin lang ang anak ko mabuti na din at wala siyang maalala sa ganon madali natin siya makukuha sa kanila" cold na sabi ni Queen Reika

"At may plano ako" sabi ulit ng mahal na reyna at ngumisi lang siya at tumatawa

Mukhang exciting to!!

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now