Chapter 28 - Revelation

7.5K 229 3
                                    

*Princess Yuri's POV

"Bakit naging ganyan ang itsura mo?" Gulat na sabi ni Queen Reika

Tumingin ako sa salamin

"Tsk lumabas na naman tinago ko na to eh" inis na sabi ko

"Tinago?" Takang tanong niya

"Oo sabi kasi ni Lia itago ko daw ang itsura ko tsk ang hirap nga eh mabigat sa pakiramdam" sabi ko teka wait bat ako nag she share sa kanya kaaway siya ahh

"Meron ka bang birthmark na Bilog na may F sa gitna at kulay pula?" Nanginginig niyang tanong

Tumalikod ako sa kanya at tinaas ko ang buhok ko at pinakita ko ang batok ko "Ganito ba?" Cold kong tanong

Narinig ko na umiyak siya bat naman umiyak tong demoyitang to?

"Hindi imposible bakit meron ka niyan? Ang anak ko lang meron niyan. Pero patay na siya" sabi niya

"Ha? Ehh pinanganak na akong meron nito ehh at tiyaka ayaw kitang maging nanay noh iisa lang nanay ko si Queen Louise lang" sabi ko sa kanya

Narinig kong may sinabi siya "Gold Dragger Rox" lumapit siya sa akin na seryosong seryoso

"Aray bat mo ako hiniwa" inis kong sabi sa kanya at nakita ko na hiniwa din niya ang braso niya

Mayamaya nagliwanag ang braso namin at nakita namin ang panganganak niya hindi lang isa ang pinanganak niya kundi dalawa

"Twins?" Sabi ko

"Ikaw ang kakambal ng anak ko na si riyanne may anak pa ako ikaw ang anak ko" sabi ni Queen Reika at niyakap ako

Nakatulala lang ako hindi ko lubos maisip na si Queen Reika ang kaaaway lahat ng Kingdom ang mom ko? At si Queen Louise hindi ko mom?

Bigla kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin

"Hindi totoo yan. Imposible si Queen Louise ang mom ko hindi ikaw" sabi ko sa kanya na naguguluhan

"Kung siya ang mom mo pano mo mapapaliwanag ang darkness power mo?"sabi niya sa akin at napaupo ako sa higaan nanghihina

"Ako ang totoo mong pamilya tayong dalawa wala kang lahing keiran inampon ka lang nila para mawalay sa akin natatakot sila na may nakapag mana ako pinatay nila ang kakambal mo pinatay ni Queen Louise" umiiyak na sabi ni Queen Reika ang real mom ko ang biological mom ko

"Hindi magagawa ni mom pumatay ng sanggol" sabi ko

"Maniwala ka anak andon ako non inangat ni mom ang kamay niya at may lumiwanag pinakita niya ang nangyari

~Flashback~
"Ibigay mo sa akin ang anak ko" sigaw ni Queen Reika at inabot naman nito ang bata

"Bakit wala ng buhay ang anak ko?" Nanginginig na galit na galit si Queen reika

"Pinatay ko siya. Dahil yon ang nararapat pinatay ko ang tagapagmana mo" sabi ni Queen Louise
~End of Flashback~

"Totoo nga pinatay niya ang kakambal ko pero bakit niya ako binuhay at nilayo sa inyo?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam anak kaya maniwala ka sa akin masasama sila hindi mo sila makakapagtiwalaan" sabi sa akin ni mom

Nalilito pa din ako hindi ako makapaniwala na kayang pumatay ni mom na sanggol pero nakita ko mismo at siya pa ang nagsabi

"Aray" kumikirot na naman ang ulo ko

"Anak anong nangyayari sayo?" Nagaalalang tanong ni mom

"Mom lalabas nanaman ang pagka childish ko help me mom ayaw ko ng ganito" sabi ko sa kanya na hawak hawak ang ulo ko sa sobrang sakit at Nawalan na ako ng mAlay

"Anak gising kana sa wakas" masayang bati ni Queen Reika este my mom

"Bakit ilang araw ba akong natulog?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga

"Dalawang Linggo" sabi ni mom

"Ha? Ang tagal naman" gulat na sabi ko dalawang linggo na ako dito hinahanap na nila ako

"Dahil gumamit ako ng Spell anak at tinanggal ko ang isa mo pang personality hinanap ko pa sa lumang spell book ng lola mo kaya dalawang linggo kang tulog" sabi ni mom

"Thanks mom ikaw lang pala ang makakaalis ng weird na side ko" sabi ko sa kanya na nakangiti nakita ko naman ang saya sa mukha niya ng sinabi ko yon

"Bumaba na tayo at kumain may kukunin lang ako sa kwarto ko hintayin mo na lang ako sa lamesa" sabi ni mom at hinalikan ako sa noo at lumabas na

Nasa table na ako ng makita kong dumating si Vera at nagulat

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Bakit wala ka sa kulungan? Takang tanong niya

Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa niya

"Ewan" nangaasar na sabi ko at nakangiti

"Gusto mo kumain tara sabay ka" nakangising sabi ko sa kanya

Lumapit siya sa akin at tinulak ako

"Galangin mo ang mahal na reyna bawal anb mga keiran kumain sa lamesa ng mahal na reyna" sabi niya na nagagalit

Tumawa lang ako sa kanya

"Masyado ka palang loyal kay Queen Reika" sabi ko

"Dahil malaki ang utang na loob ko sa mahal na reyna kahit kapalit pa ang buhay ko" sabi niya na seryosong seryoso

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong sumisikip ang dibdib ko hindi ko pa kasi magamit ang kapangyarihan ko nanghihina pa ako

Nakita ko na nakangisi si Vera at natitiyak kong siya ang may gawa

"Anong gingaw..a m..o sa a..kin vera" nauutal kong sabi at napaluhod na hawak hawak ko ang dibdib ko

"Hahaha dapat lang sayo yan wala kang galang sa reyna namin" sabi niya na demonyong tumatawa

Isang malakas na sampal ang narinig ko si Queen Reika este si mom sinampal si Vera

"Mahal na reyna bakit po?" Umiiyak na sabi ni Vera at ako naman napahiga sa sahig

"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko" galit na sabi ni mom mabilis siyang lumapit at nakita ko na hini heal niya ako

"Anak?" Takang tanong ni Vera

"Oo siya ang anak ko kakambal ni Reyanne" cold na sabi ni mom

"Patawad mahal na prinsesa" lumuhod naman siya

"Tumayo kana Vera" sabi ni mom
Agad naman siyang tumayo at kitang kita ang kaba sa mukha niya

"Iaakyat ko na ang anak ko sa kwarto niya bahala ka na muna dito vera" cold na sabi ni mom

Hiniga niya na ako sa kama hindi ko namalayan na nakatulog na ako

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now