Chapter 10 :

9.2K 268 0
                                    

*Angel's POV

Himala lahat kaming magkakaibigan nagulat dahil first time ni Yuri lumapit sa amin at nakangiti ang lambing ng boses niya ang sarap pakinggan woottt wag kayo hindi ako tibo sadyang marunong lang ako mag appreciate charot

Habang kumakain kami nagtataka kami kasi ibang iba siya sa nakakasama naming Yuri ang laki ng pinagkaiba masayang masaya siya habang kumakain madaldal din siya hindi katulad noon at kanina sobrang tahimik

Napapanis na ata laway nun dahil hindi man lang nagsasalita tapos sobrang cold pa mas maganda pag ganito siya lagi

"Hmm Yuri sama ka sa amin after ng Class pupunta kaming mall" yaya naman ni Jonna

"Okay sasama ako wala naman akong gagawin sa bahay eh" nakangiting sagot ni Yuri halos kami nakanganga hindi ini expect ang sasabihin niya

"Excited na ako yohooo kasama si Yuri" sabi ni cheska may pagka childish talaga minsan to

Pumunta kami sa mall OMG hindi kami masyado makakilos dahil panay ang tingin sa amin ng nadadaanan namin pano ba naman ang bodguard ni yuri di lang Isa hindi lang tatlo Kundi Apat Jusko humingi naman ng paumanhin si yuri kasi Overprotective lang daw ang mom niya hindi naman namin siya masisi dahil Anak ba naman siya ng Billionaire

Sympre para sa safety naman niya din yon. Pumunta kami sa Arcade tuwang tuwa si yuri para bang first time niya lang makapunta sa ganong lugar

"Hmm yuri nagiisang anak ka lang ni Ms Lincon? Tanong ko sa kanya

Matagal siya bago sumagot " yep only child lang ako kaya ganito kahigpit sa akin si mommy kaya hindi ako pala labas minsan lang marami kasing masasamang tao sa panahon ngayon" sabi niya

Nalungkot naman kami para kay yuri kaya mahirap maging mayaman lol

"Yuri tara rides tayo" yaya ni Jonna para mawala ang tension

"Sige" tipid niyang sagot

Sumakay kami sa Roller Coaster Jusko parang maiiwan ang bituka ko sa taas last na to diko na uulitin to huhuhu

Nakita ko naman silang tatlo game na game tumatawa pa parang wala lang sa kanila tsk

"Nasusuka na ako" sabi ko sila naman mga mababait kong kaibigan hindi ako pinapansin feel na feel nila ang bawat pagikot

After matapos bumaba na kami pawis na pawis na ako at napaupo dahil sa hilo

"Angel anyare nakaisa pa lang tayo na rides sumusuko ka na?" Tumatawang sabi ni Jonna

"Mahina pala si Angel hahahaha siguro marry go around lang siya sumasakay hahahaha" asar ni Cheska si Yuri naman tahimik lang

"Tara kain muna tayo tiyaka na natin ipagpatuloy ang rides" yaya naman ni jonna

Habang kumakain kami si yuri naman panay pag papa cute sa amin

"Jonna lagyan moko ng kanin please" sabi niya

"Cheska pa lagyan naman ng ice tea yung baso ko" sabi niya

Napapailing na lang kami para siyang prinsesa hahaha sabagay anak mayaman sanay pag silbihan pero ang cute niya parang bata kaya natutuwa kami sa kanya

After namin mag rides umuwi na kami si yuri na ang naghatid sa kanya kanya namin bahay mapilit eh hehehe okay na din yun para hindi hassle charoootttt

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now