Chapter 38: Remembered Everything

6.3K 202 0
                                    

*Princess Yuri's POV

Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko lumabas ng Academy kahit gabi na si Xenora naman tulog na.

Hindi ko namalayan na nasa labas na ako ng dorm gusto ko magpahangin

Ang lamig - sabi ko sa sarili ko

Napatingin naman ako sa labas ng Academy may dalawang babae akong nakita

Sino yon? San sila pupunta?

Nagteleport ako sa labas yun lang kasi natatandaan ko gamitin dahil mahina pa katawan ko kaya hindi pa ako nakakapag training

Saan sila pupunta? Gubat na to ah? Bat ko pa kasi sinundan mahina pa naman ang katawan ko

"Sino yan? Bat mo kami sinusundan?" Boses ng babae bakit familiar?

Lumabas sila at napa atras nang makita ako naka takip ang mukha nila kaya hindi mo makikita ang itsura nila

"Umalis ka na princess" sabi ng isa

"Taga feloxians kayo? Anong ginagawa niyo sa academy nakita ko kayo sa labas" sabi ko sa kanila

"Mas mabuti pang umalis kana princess" sabi naman ng isa

"No hindi ako aalis. Familiar ang boses mo." Sabi ko sa kanila

"Ano bang pinagsasabi mo" sabi niya pa

"Vera???? Kaboses mo si vera.. vera ikaw ba yan? Feloxians ka?" Tanong ko

"Wala na tayong choice" sabi ni vera sa kasamahan niya

Nakita ko na may nilabas siyang usok familiar sa akin to hindi ko namalayan na nakatulog na ako

Nagising na lang ako sa di familiar na silid.. teka naalala ko may sinundan akong dalawang babae.. si vera? Nasan ako? - sabi ko sa sarili ko

"Gising ka na anak" sabi ng babae pero parang familiar siya sa akin tumingin ako sa kanya

"Sino ka? Bat mo ako tinawag na anak?" Takang tanong ko

"Dahil anak kita . Ako si Queen reika ng Felox Kingdom" sabi niya na nakangiti at niyakap ako ng mahigpit

Lumayo ako sa kanya
"Anak mo ako? Nagpapatawa ka ba? May amnesia lang ako pero hindi ako tanga para maniwala sayo" sabi ko na naiinis na

"Gusto mo ba maalala ang lahat?" Cold niyang sabi sa akin at lumapit

Natakot naman ako kaya napa atras ako
"Anong gagawin mo? Wag kang lalapit" sabi ko sa kanya

Pero huli na hinawakan niya ang ulo ko at nag chant na siya ng spell

"Ahhhhhhh arayyyyyyyy angggg saaakittyy" sigaw ko at nawalan na ako ng malay

"'Mom bakit mo binalik ang memorya niya? Tama kaya ang desisyon mo?" Sabi ng familiar na boses at nagmulat na ako ng mata nakita ko si mom na lumabas ng kwarto

" Venuss??" Sabi ko

"Ako to kapatid mo ang ate mo yuri" sabi niya na nakangiti

"Ate? Diba pinsan lang kita ? Paanong magiging ate kita??" Takang tanong ko

"Dahil yun ang totoo sinabi lang namin sayo na pinsan mo ako pero hindi. Ate mo ako yuri at ikaw ang bunso kong kapatid" sabi niya

Sumasakit na ang ulo ko sa kanila mababaliw na talaga ako dito

Naalala ko pala na nag enroll siya sa Kei Academy yun ba yong pinaguusapan nila ni mom nung nandito pa ako?

"Anong pina plano niyo bat nag enroll ka sa kei Academy??" Tass kilay kong tanong sa kanya

"Hindi mo na kailangan pang malaman pa" cold niyang sagot at naging seryoso ang mukha

Kinakabahan ako alam kong may masamang mangyayari sa academy

Ang barrier may nilagay sila don para manghina hindi kaya may balak silang umatake pag nasira na ang barrier? - sa isip ko

"Don't hurt them" cold kong sabi sa kanya
Ngumisi lang siya sa akin at hinaplos ang buhok ko

"Please ate wag mo silang saktan" sabi ko sa kanya

"Talagang mahal na mahal mo sila ano?" Sabi niya at nakita ko ang galit sa mukha niya kaya hindi na ako nakapagsalita

"Magpahinga kana" cold niyang sabi sa akin at lumabas na ng kwarto

KEI Academy - The most powerful princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon