Chapter 1

14.8K 322 7
                                    



Nagkakaingay sa kapaligiran. Nasa loob na ng presidential suite ng hotel ang sampung may-ari ng Territorio de los Hombres. Si Wulfredo na lang—ang may birthday—ang hindi pa dumarating. Siguradong darating ito dahil usapan na nila iyon. Alam naman nitong naghanda sila, pero ang hindi nito alam ay ang surprise party.

Silang magkakabarkada lang ang a-attend sa party. Hindi kasi mahilig sa mga ganoong party ang pinaka-leader ng kanilang grupo na may birthday. Nagkaroon na kahapon ng party para sa mga kasamahan ni Wulfredo sa trabaho, maging sa mga kliyente nito. It was a success. Pero bigla itong nagkaroon ng meeting sa firm kanina kaya wala pa rin hanggang ngayon.

Hindi naman sila nag-aalala dahil sinabi na ni Jose Maria na nasa chopper na raw ang celebrant.

Nilapitan ni Cholo ang mga kaibigan. Tinapik niya sa balikat si Burt na dating modelo. Ang fiancée nito ang number one fan nito at ngayon ay food and beverage manager ng hotel.

"Excited ka naman?" tanong nito.

"Aba, oo naman! Si Jules ang kumuha ng strippers, pare. Hindi ko pa nakikita pero malaki ang tiwala ko sa batang 'yon." Nakababatang kapatid ang turing nilang lahat kay Julian. Pinakabata kasi ito sa kanila at saling-pusa lang sa barkada noon. Si Julian ang pinakagala, ang pinakamakulit, at isa sa pinakababaero sa grupo.

"Nakita ko na, pare," sabi naman ni Antonio, ang kapatid ni Julian. "Ang gaganda. Artista pala ang mga 'yon."

"Talaga?" Namula naman ang mga hasang ni Cholo. Kasiyahan na nila ang magagandang babae tulad siguro ng karaniwang binata. Of course, there was also Territorio, where everything rewarding could be found. It was a leisure park—kompleto sa amenities at nandoon ang lahat ng kailangan para sa relaxation. Last week lang ay binuksan na ang mas na-improve na spa. Maybe he would try a Swedish massage tomorrow. Si Julian na rin ang nagsabi, mahuhusay raw ang masseuse. At magaganda pa.

"When are you all gonna settle down?" tanong ni Burt. Ito pa lang ang mag-aasawa na.

"How about never?" sabi ni Julian na kakalapit pa lang sa kanila. "With all the chicks I brought, who would think of settling down? Hey, you might even change your mind after tonight."

Dahil sa sinabi ay nakatikim ito ng kotong mula kay Burt, maging sa sariling kapatid, tulad ng ginagawa nila noong mga bata pa sila.

Hindi rin makapaniwala si Cholo sa itinakbo ng mga buhay nila. Hindi na siya nagtakang matagumpay sa buhay sina Jose Maria, Salvador, sa magkapatid na Antonio at Julian, kay Carmencito, Francisco, at Pablito. Isinilang ang mga ito na may gintong kutsara sa bibig, wika nga. Si Urbino naman ay maykaya na sa buhay noon pa man. Pero silang tatlo nina Wulfredo at Burt, nakakamanghang naging maganda ang buhay sa kabila ng katotohanang noong mga bata sila ay hindi nila naisip na makakaalis kailanman sa bayang kinalakihan—ang Pakyit-pakyitan.

Noong bata si Cholo, ordinaryo nang may paso siya ng sigarilyo at mga galos sa katawan. Normal na noon ang isang tinapay lang na baon buong maghapon sa eskuwelahan. Mapang-abuso ang kanyang ama at sunod-sunuran ang kanyang ina. Tagpi-tagping yero lang ang bahay nila na kapag umulan sa labas ay umuulan din sa loob ng bahay.

Nagbago ang lahat nang mapasama siya sa tinulungan ng ama ni Jose Maria na gobernador noon ng kanilang lalawigan, at ngayon ay bise presidente na ng bansa. Espesyal na pabor na nakuha nila mula sa gobyerno dahil na rin kay Jose Maria.

Malaki ang utang-na-loob ni Cholo sa kaibigan. Dahil dito, nabigyan niya ng magandang kinabukasan ang sarili, maging ang ina. Nakatakas din sila sa impiyernong buhay kasama ang kanyang ama.

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon