Chapter 3

12.1K 346 4
                                    



Napapangiti si Cholo habang pinagmamasdan si Cher. Nakahalukipkip ito sa tapat ng mesa. They were having breakfast, she had no choice. Kanina pa nanghahaba ang nguso nito, mukhang gigil na gigil na sa kanya. Panay ang pakawala nito ng buntong-hininga.

Had it been only four years? Parang mas mahabang panahon pa ang lumipas mula nang makilala niya ang dalaga. Nag-enroll siya sa ikalawang kursong gustong kunin nang makilala si Cher. Hindi na niya eksaktong maalala kung paano sila nagkakilala.

Cholo must admit he became a player. The girls were there, why would he say "no"? Pero naalala niyang si Cher ang isa sa mga naging girlfriend niya na hindi puwedeng hindi seryosuhin. She was one of those he dumped because they were nice girls. And he must also admit that he had forgotten about her. She was so young when they met. Hindi lang sa edad, maging sa pananalita at experience.

At ngayon, naaalala na niya na nagkahiwalay sila noong araw na nahuli siya nito sa dormitoryo ng kaibigan nito. And now he remembered one of the reasons why he wanted to break up with her was her best friend. Nakalimutan na niya ang pangalan ng babaeng iyon. All he could remember were her not-so-subtle come-ons.

Nang araw na maghiwalay sila ni Cher ay pinapunta siya ng kaibigan nito sa dormitoryo at sinabing nandoon daw si Cher. Gusto na niyang tapusin ang relasyon nila ni Cher dahil alam niyang wala silang mararating. He was not looking for anything serious. Cher was obviously taken by him.

Nang makarating si Cholo sa kuwarto ng kaibigan nito ay bigla na lang siyang hinalikan ng babae. He tried fighting back at first but he was as horny as the devil that time. Palagi kasi niyang hindi itinutuloy ang make-out sessions nila ni Cher. In the end, he succumbed to his hormones. Cher's friend offered to give him head. She was all over him. Hindi eksaheradong sabihing ipinipilit nito ang sarili sa kanya.

At sa huli, ayaw man, ano ang magagawa niya kung nasa harap na niya ito? Alangan namang sipain niya? Talagang ginawa ni Cholo ang lahat ng makakaya para umiwas sana, but the woman was apparently hornier than him. Aminado naman siyang kasalanan talaga niya, siya at ang kanyang libido. Pero nangyari na iyon. At hindi rin naman natuloy.

Na-guilty rin siya, at mukhang na-guilty rin ang kaibigan ni Cher. Iyon na ang huling pagkakataong nakita niya ito. Through the years, he had forgotten about them. Masyadong maraming nangyari sa nakalipas na apat na taon. The incident was one of those things one tried best to forget, and in the end, keeping it buried somewhere in the subconscious became, well, buried.

Pero ngayong nahukay uli iyon ay parang mahirap nang ibaon uli sa limot, especially with what happened last night. Last night was great. Cher smelled so nice, she felt so tender in his arms, she let out those soft purrs that drove him nuts.

Umpisa pa lang, alam na ni Cholo na hindi si Foxy Mael ang nagsasayaw sa harap niya. But she was so graceful he didn't even care anymore. He was aroused by her sensuality even though he couldn't make out her face.

She looked so pure, yet so sexy in her skimpy wedding gown. Nang magtangka itong umalis ay hindi na niya ito pinakawalan. And they ended up making love. At iyon nga, si Cher pala ito, his ex. She looked like a woman now. Kahit ordinaryong maong at blusa lang ang suot nito. Malayo na ang mukha ni Cher ngayon sa natatandaan niyang hitsura nito apat na taon na ang nakalilipas. She was still pretty, but she was no longer sweet definitely. Her eyes were no longer innocent. Ah, baka siya ang may gawa niyon kagabi.

Pero mukhang si Wulfredo ang gusto nito.

Too late for that now.

"Eat," utos niya.

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon