Chapter 4

11.9K 316 3
                                    



Isang ungol ang kumawala sa mga labi ni Cher nang magising nang nakadapa at nadadaganan ang sariling braso. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nangalay na siya sa posisyon. Marahan siyang umunat. Hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonang kuwarto. Napabalikwas siya. Head rush. Natutop niya ang noo.

Sobrang dami ng nainom niya kagabi at sumasakit ang ulo niya. Nang may marinig na ungol ay napalingon agad siya sa kanyang tabi. Nandoon si Cholo, tulog pa.

Pilit na inalala ni Cher ang nangyari nang nagdaang gabi pero hindi na malinaw ang mga iyon. Hindi niya malaman kung totoo o panaginip lang ang mga eksenang naaalala. Ang huling naalala niya ay nagtatawanan sila sa hotel suite. Nasaan na ba siya ngayon? Nagpasya siyang gisingin na si Cholo.

May marka pa ng unan sa pisngi nito nang bumangon. Ngumiti ito sa kanya. "How did we get here?" tanong nito.

"Where are we?"

"My house."

"Oh, this is your house? How did we get here?" tanong din niya, at sabay pa silang natawa mayamaya. "I better get going. Baka nag-aalala na sa akin sa bahay."

Pareho naman silang bihis na bihis kaya wala siyang dapat ipag-alala. Pumunta na siya sa banyo. She cleaned herself up. Nang lumabas ay wala na sa kuwarto si Cholo. Lumabas na rin siya. Nakita niya ito sa kusina. Maliit lang ang bahay. Ang hula niya ay nasa apartment building sila.

"Mauna na ako sa 'yo," sabi niya.

"Not after some breakfast. I'm making French toast. Have a seat, please."

Sa counter na inihain ni Cholo ang almusal. Gumaan ang pakiramdam ni Cher pagkatapos kumain. Hindi niya alam kung nasaan ang kanyang sasakyan, pero ang sabi ni Cholo, malamang daw ay naiwan nila sa hotel dahil wala raw sa parking lot sa ibaba. Ito na lang daw ang bahalang magpakuha niyon.

"Ako na ang maghahatid sa 'yo. I presume hindi ka na muna papasok?" tanong nito. Nagkakape sila sa sala.

"No. Bukas na siguro."

Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Nang buksan iyon ni Cholo ay tumambad sa kanila si Jules. Kasama nito si Wulfredo at tatlo pang lalaking hindi niya kilala pero namumukhaan niya ang isa. Tanging si Jules lang ang nakangiti. Kinabahan siya. Ano ang ginagawa roon ni Wulfredo? Ano ang sasabihin niya rito?

"Pare, ano'ng ginagawa n'yo dito?" tanong ni Cholo sa mga dumating. "By the way, this is Cher. Cher, this is Urbino, Burt, Jose Maria, of course, Wulfredo and Jules."

"So how are the newlyweds?" nakakunot ang noong tanong ni Wulfredo.

"Who?" sabay pang sabi nila ni Cholo.

"Kumusta na kayo?" tanong naman ng ipinakilalang Burt. Naalala na niyang nakita na ito sa isang magazine. Isa itong modelo. Hindi niya alam na marunong palang mag-Tagalog si Burt. Mukha kasi itong Caucasian. "Nauna ka pa sa 'kin, Cholo."

"Ano ba'ng sinasabi ninyo?" tanong ni Cholo.

Pumasok na ang mga lalaki. Si Cher naman ay natigilan sa kinauupuan. May flashes ng naganap nang nagdaang gabi sa isip niya at kinakabahan na siya. She could vaguely remember being married to Cholo. Sa harap ng isang huwes na kilala ni Jules nangyari iyon. But that was just a dream. Or wasn't it?

"Ikaw ang ano'ng sinasabi," sabi ni Jules. "Tinawagan n'yo ako kagabi, pinapunta sa hotel. 'Tapos, kinulit n'yo akong ipakasal kayo. So we went to a judge I know and you two got married."

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon