Chapter 6

11.9K 303 13
                                    


"Kung makatingin pa, akala mo..."

Kanina pa bulong nang bulong si Cholo at inis na inis na si Cher. Hindi man siya direktang sinasabihan, alam niyang siya ang pinapatamaan ng mga ibinubulong nito. Hindi lang siya sigurado kung sadyang hindi lang nito namamalayan ang mga sinasabi o sadyang nagpaparinig sa kanya.

Ano ba naman kasi ang ipinagpuputok ng butse nito? Wala naman siyang ginawang masama. At kahit na may ginawa pa siyang pagpapa-cute kay Wulfredo—na wala naman talaga—ano ba ang pakialam nito? He was only her employer. Wala na itong pakialam sa personal life niya.

"Parang walang ibang tao sa paligid kung makatitig," patuloy na patutsada nito.

Bigla, parang gusto na niyang matawa sa iniaakto ni Cholo. Daig pa nito ang isang batang nag-aalboroto. "Para kang sira."

"Ikaw ang parang sira."

"Ikaw kaya?" Natawa na siya. "Ano ba'ng ibinubulong-bulong mo diyan? Pinariringgan mo lang naman ako. Hoy, para sabihin ko sa 'yo, hindi ako nagpapa-cute sa kaibigan mo dahil matagal na akong cute."

"Nagpapatawa pa, hindi naman kalbo."

"Bakit, hindi ba ako cute?"

"Of course you are. But... Ugh! That is not the point!"

Muling napahagikgik si Cher. "Ang laki ng problema mo, Cholo."

"I just don't want you looking at him the way you did there. You know, your face was dreamy and you were sighing and your eyes were so far away, damn! You know, like you were drifting off with Wulfredo, oblivious in front of us all. That sucks."

"That's not what I was doing."

"Yeah, right."

Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang wala siyang sasabihing paniniwalaan ni Cholo. Hanggang sa matigilan siya. Nagseselos ba ito? Napangiti siya sa naisip. Oo nga naman, iyon lang ang logical explanation kung bakit ito nagkakaganoon. May kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. Tiningnan niya si Cholo, salubong pa rin ang mga kilay nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Hey!"

"What?"

"Galit ka pa?"

"Hindi. Hindi ako galit."

"Galit ka, eh."

"Hindi nga!"

Napahagikgik siya.

Napakamot na lang si Cholo sa ulo pero may munting ngiti na sa mga labi. "Hindi ka pa nakakaikot dito, 'no?" pag-iiba nito sa usapan.

"Hindi pa nga."

"You wanna see the place? Ipapasyal kita."

Tumango lang si Cher. Bumalik sila sa bahay at nagpaalam sa inay nito. Nang makalabas ng bahay ay mas pinili nilang maglakad na lang. And off they walked, hand in hand.

MAY ISANG grupo ng foreigners na nagna-night swimming sa lake. Malawak ang lake at maliwanag dahil sa mga poste sa paligid kahit na-preserve naman ang mga puno roon.

"How do you become a member anyway?" tanong niya.

"You apply. But we screen members. Minsan naman, kami mismo ang nag-o-offer sa kanila."

"Beach lang pala ang kulang dito."

"Yeah. But it's so common. May mga beaches din sa kabilang bayan, an hour drive from here."

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraWhere stories live. Discover now