Chapter 2

12.8K 341 8
                                    



Kahit hilo na, pakiramdam ni Cher ay hindi niya kayang gawin ang mga pinaplano. It would be unfair for Wulfredo. Was she crazy? What the hell was she doing inside that damned styrofoam cake? Tama nga yata ang kanyang ina sa pagsasabing kailangan niyang magpakonsulta sa psychiatrist. Ang sabi kasi ng kanyang mommy, baka raw may dahilan kung bakit siya masyadong galit sa mundo. Iyon ang deskripsiyon nito sa kanya. Dati naman daw kasi ay hindi siya ganoon.

And what she was doing was just over the top. Hindi tama. Maling-mali.

Pero ano ngayon ang gagawin niya? Kapag nakita siya ni Wulfredo, baka masipa pa siya sa trabaho. Ayaw niyang maging unemployed, lalo na ngayong palaging nanenermon ang kanyang ama.

Noon, naunawaan ni Cher kung gaano kabaliw ang ginagawa niya sa sariling buhay. Walang matinong babae ang mamimikot ng lalaki. Isang kahibangan iyon. Habang-buhay siyang magiging miserable sa gagawin.

Sa tagal ng pagmumuni-muni ay narinig na niya ang pagpasok ni Wulfredo sa kuwarto. Kanina pa siya dapat lumabas. Kunsabagay, may manipis naman siyang veil sa mukha, bukod pa sa makapal ang kanyang makeup. Bridal gown ang kanyang costume—bridal gown ng mga excited sa honeymoon dahil plunging ang neckline niyon at halos hanggang singit lang ang haba.

Gagawin na lang siguro niya ang unang bahagi ng plano. Lalabas siya ng cake, idi-dim ang ilaw nang hindi siya mamukhaan ni Wulfredo. Sa halip na lap dance ay sasayaw na lang siya sa malayo, pagkatapos ay magpapaalam na. Hindi ang tipo ng binata ang maghahabol ng babae. Bahala na ang baklang magpaliwanag mamaya. Bahala na! Nalilito na siya.

Nang makarinig ng pagtikhim ay lalong kinabahan si Cher pero lumabas na rin ng cake. Laking pasasalamat niya at naka-dim na ang ilaw. Nakaupo si Wulfredo sa isang silya ilang dipa mula sa kanya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakapatay ang ilaw na malapit dito.

Nagsimula na siyang umindayog. Wala siya ni isang saplot na inalis. Pagkatapos lang ng isang kanta ay nagpaalam na siya.

"Bye!" sabi niya, tumalikod na. Gusto niyang umiyak bigla. Nangangamba at natatakot siya. Litong-lito ang isip niya, idagdag pang mas nararamdaman na niya ang epekto ng alak. Nahihilo na siya.

"What the...?" sabi ni Wulfredo.

Bago tuluyang makalabas si Cher ay nahagip na ng binata ang kanyang braso. Laking pasasalamat niya at gumana ang isip niya sa estadong iyon. Tumaas agad ang isang kamay niya sa switch ng ilaw at pinatay ang lahat ng mga iyon.

"S-sorry. I can't do it. Ipababalik ko na lang ang bayad."

Narinig niya ang bahagyang paghagikgik ni Wulfredo. Alam niyang nasa tapat niya ito. And he smelled good. Pamilyar siya sa pabangong iyon.

"I better get going—" Hindi na natapos ni Cher ang sasabihin dahil dumako kaagad ang kamay nito sa likod niya at inangkin ang kanyang mga labi.

His lips were so familiar, even his touch. Or maybe she was just drunk? Dahil paano iyon mangyayari kung hindi pa siya nahahalikan ni Wulfredo?

Lalong umikot ang kanyang paligid dahil sa halik nito. His kiss was overpowering, and all her doubts vanished. As a matter of fact, she had a feeling her brain jumped out of her skull the moment his lips touched hers.

At isang patunay na tumalon na ang utak niya palabas ng kanyang bungo ang patuloy na pagtugon niya sa halik at ang hindi pagrereklamo nang ibaba ni Wulfredo ang zipper ng kanyang traje. Ipinatong pa niya ang mga kamay sa balikat nito nang ipagsalikop nito ang mga braso sa mga binti niya at iangat siya. Dinala siya ni Wulfredo sa kama at maingat na ibinaba roon.

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon