Chapter 63

48.4K 1.8K 581
                                    

L'S NOTE: The long wait is over. Merry Christmas guys! Mabuti na lang hindi binaha ang Christmas ko. Haha. Enjoy reading~

Chapter 63. Intruder

____________

RIO'S POV

"Hoy Seth, kamusta ka na? Halos isang buwan ka ng tulog ah, gumising ka naman." Mahinang bulong ni V sa isang tabi.


"Napaghahalataan ka talagang mahilig matulog eh. Isang buwan ka ng hindi nagigising. Wala namang gan'yanan." Pabirong wika ni Justine.





Napabuntong hininga na lang ako. Tama kayo, isang buwan na ang nakalipas simula no'ng aksidenteng nangyari. Bumaliktad ang sasakyan niya dahil iniwasan niya ang school bus, malakas ang pagkakabagsak ng katawan niya't ulo kaya hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon.





"Kapag gumising ka, hinding-hindi na ako mambababae. Magtitino na ako Seth, magising ka lang. Ibibigay ko na rin ang Bugatti Veyron ko." Napangiwi ako sa sinabi ni Jam. Aabangan ko ang pagbabago niyang 'yan. Pati na rin ang pagbibigay niya ng pinakamamahal niyang sasakyan.




"Seth kapag gumising ka, titigilan ko na ang pagiging abnormal ko. Gagawin ko na lahat ng i-uutos mo. Whaaa!" Mangiyak-ngiyak na ngawa ni V. Napa-iling na lang ako, alam kong hindi magtatagal ay magigising na rin siya. Wala namang ibang findings ang doctor, ang sinabi lang ay maaaring magkaroon ng temporary amnesia si Seth paggising niya.




Tumunog ang phone ko kaya kagaad ko itong dinukot sa bulsa ko upang sagutin ang tawag.



"Rio speaking..."


"This is Lavender, the Gangster Attendant. The Gangster Emperor wanted the gangs to report in the Underground as soon as possible."



Saglit kong inilayo ang phone sa tenga ko upang balingan ng tingin ang tatlo ko pa'ng kasama. Napatingin naman sila sa'kin na para ba'ng nakikikinig sa pag-uusap namin.



"Call. We'll be there." Binaba nito kaagad ang tawag kaya napakamot na lang ako ng noo ko.




"It's the Gangster Attendant, the Emperor wants us to be there as soon as possible." Tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Jam at agad nag-dial ng number sa phone niya. Pagkatapos ng ilang segundo, walang sumasagot dito kaya inangat niya ang tingin niya. Paulit-ulit niya itong tinatawagan pero wala talagang sumasagot.




"He's not answering his phone." Napa-iling na lang ako. I tried tracking his phone's location, but it seems like he got rid of the tracking device. Hindi ko na malaman kung saan siya pumupunta. Maaaring tinanggal niya ang micro chip sa phone niya.




"It's almost a month, pero hindi pa rin siya sumusuko kakahanap sa kaniya." Bulong ni V sa kawalan. Napabuntong-hininga na lang ako. He's right about that.




"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang katawan niya, kaya maaaring buhay pa ang pinsan ko." Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni Kiel. Pumasok ito sa loob na may dalang basket ng prutas. Kasunod niyang pumasok ay ang buong myembro ng gang niya.




"How's he?" Sabi niya pagkatapos ipatong ang sa mesa ang hawak niyang basket ng prutas.




"He's doing fine, hinihintay na lang namin kung kailan siya gigising." Sandaling katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto.




Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon