Epilogue

59.7K 1.8K 774
                                    


V'S POV

"Doctor Mendoza! Doctor Mendoza!" Napabangon ako nang marinig kong tinatawag ng nurse ang napakagwapo kong pangalan.

"Why?" Inayos ko ang suot kong lab coat bago siya harapin.

"Nawawala po ang pasyente sa room 206!" Mabilis akong lumabas ng office ko't tumakbo paakyat ng room 206, at nang makarating ako doon ay naabutan kong nakahandusay ang dalawang lalaking nurse habang may nakatarak na injection sa leeg.

Agad akong napamura't tumakbo pababa ng ground floor. Malakas ang kutob kong hindi pa siya nakakalabas dito. Hingal na hingal akong tumigil sa ginta ng daan kung saan tanaw na tanaw ko ang mga pasyenteng naka-upo sa hardin.

Hindi maaaring makalabas ang baliw na 'yon, at hindi ko siya hahayaang makalabas dito. Nahagip ng tingin ko ang isang nurse na nagmamadaling lumabas kaya napangisi ako.

"Nurse!" Natigilan siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, at biglang yumuko upang magbigay galang.

"Good morning nurse, masyado naman atang maaga upang umalis ka na kaagad?" Kumurap siya't biglang tumikhim habang tinatakpan ng mabuti ang bibig niya gamit ang face mask. .

"M-may pasyente kasing kinakailangan ng pain killer, naubos na kasi ang stocks kaya lalabas sana ako upang bumili." Tumango na lang ako. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang maliit na bote ng gamot na may lamang pain killers.

"Hindi mo na kailangan pa'ng lumbas para bumili, ito na lang ang gamitin mo." Nag-aalanganin naman niya itong kinuha. Yumuko ako upang salubungin ang mga mata niya, na siya namang todo iwas niya upang hindi ko siya makilala.

"Get back," Hinablot ko ang braso niya't mahigpit itong hinawakan, dahil dito'y nai-angat niya ang tingin sa akin.

"Akala mo ba talaga makakatakas ka? Hangga't naririto ako, sisiguraduhin kong hindi ka makakaalis dito." Tinanggal ko ang mask niya't hindi nga ako nagkamali kung sino siya.

"Please V, get me out of here. I'm begging you please..." Natawa na lang ako. Hinigit ko ang braso niya kaya napalapit siya sa akin ng husto.

"Baka nakakalimutan mo? Napakalaking kasalanan ang ginawa mo sa mga kaibigan ko. Dahil sa'yo maraming buhay ang nawala. Sa tingin mo ba talaga'y tutulungan kitang makaalis dito?" Mapanuya kong tugon.

"Please, this place is hell! Hindi ko gusto rito V! Mamamatay ako rito!" Napangisi ako.

"Mamamatay ka? Mas mabuti 'yon." Napakurap siya sa sinabi ko't bahagya pa'ng umawang ang labi niya.

"Magkano ba ang gusto mo? I will give everything you want! Name the price! Just please, nakikiusap ako patakasin mo ako rito." I tilt my head. What does she take me for?

"Hindi ko kailangan ng pera mo, at kahit kailan hindi ako gagawa ng desisyon na ikakasira ko sa mga kaibigan ko. Hindi ako tulad mo'ng gagawin ang lahat makuha lang ang gusto mo." Halos mangiyak-ngiyak na siya nang tawagin ko ang mga lalaking nurse para ibalik siya sa kwarto niya.

"Siguraduhin niyong hindi na makakatakas pa ang pasyenteng 'yan. Pag nangyari ulit 'yon tanggal kayo agad sa trabaho. Am I understood?" Nagsitanguan ang mga ito't buong pwersang kinaladkad pabalik ang babaeng halos magwala na.

Irish that bitch, I will never forgive her. She'll rot in here, at hangga't ako ang in-charge sa kaniya, hinding-hindi siya makakalabas dito.

"Doc, it's time for Mr. Sukarap's consultation." Napakamot na lang ako ng batok.

Umakyat ako ng third floor at pumunta sa room 301. Pagpasok ko'y napataas ang kilay ko nang makita kong nakaupo siya ng maayos sa upuan. Mukhang matino ata siya ngayong araw. Nung nakaarang buwang pagkonsulta ko sa kaniya'y nagwawala siya dahil gusto niyang lumabas at tiradorin ang buwan.

Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon