Chapter 1

16.1K 222 10
                                    

IGINALA ni Lemon ang kanyang paningin sa paligid. Napangiti siya nang makontento siya sa nakitang ayos ng paligid. Siniguro niyang magiging maganda ang ayos ng garden ng bahay ng mga Montinola para sa matalik niyang kaibigan na si Pepper. Minsan lang itong mae-engage at kailangang memorable iyon para dito, lalo pa at sa katulad ni Joey ito magpapakasal.

She smiled to herself. Wala sa hinagap niyang magpapakasal si Joey dahil sa negosyo lang naka-focus ang isip nito. Ngunit kung gagawin nito iyon dahil sa negosyo ay maiintindihan niya ito. Wala itong ibang iniisip kundi ang negosyo ng mga ito at kung paano palalaguin iyon. Maraming sangay ang negosyo ng Montinola Group of Companies at alam niyang pagdating sa production industry ay talagang magkakasundo ito at ang kompanya nina Pepper.

Iyon lang ang nakikita niyang dahilan kung bakit pumayag sina Pepper at Joey na magpakasal sa isa't isa. For Pepper, it was definitely because of her family and their tradition. As for Joey, it was obviously because of business and a much greater influence. Love? Hindi uso sa dalawa ang pag-ibig. Pareho ng personalidad sina Pepper at Joey. Walang iniintindi ang mga ito kundi trabaho. Kung hindi pa siguro sa kanila nina Sugar at Ginger ay hindi maiisip ni Pepper ang salitang "fun." Sinabi na rin mismo sa kanya ng kaibigan na hindi nito—at ni Joey—kailangan ng pag-ibig para magpakasal. Both of them were too engrossed with the idea of becoming more powerful.

And you're smiling because? kastigo niya sa sarili. Napapangiti siya dahil nakakatuwang isipin na magpapakasal ang dalawa. Ano kaya ang magiging buhay ng mga ito?

Probably dull, sabi niya sa sarili. Nagkibit-balikat na lang siya.

Hindi ka malulungkot na ikakasal na ang first love mo? kastigo niya sa sarili.

Pinili niyang hindi iyon sagutin para hindi na niya maalala pa ang nakaraan. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot at hindi na niya dapat pang maalala kung anuman ang nangyari noon.

Bakit umiiwas ka pa rin sa kanya? kastigo pa rin niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit kung kailan engaged na si Joey ay saka doon pa lumabas ang mga ganoong tanong sa isip niya.

She had overcome her feelings for Joey a long time ago. Hindi na siya kinakabahan tuwing napapalapit dito o naiilang tuwing tumitingin ito sa kanya kapag nagkikita sila. She was definitely over him! Kung may dapat siyang ikalungkot ngayon na dapat din niyang ikasiya ay dahil sa pagiging mag-on nina Seff at Sugar.

Nahirapan din siya sa drama ng dalawang iyon kaya dapat lang na magkatuluyan ang mga ito. Inaamin niyang matindi ang pagkagusto niya kay Seff. Ito ang perfect picture ng Prince Charming na palagi niyang inaasam na makilala. Pero may sabit na ito. Alam niyang noong una pa lang ay mahal na nito ang kaibigan niyang si Sugar pero dahil sa pagtanggi nito ay itinanggi na rin niya sa sarili ang totoo. Sinubukan niyang mapalapit dito. Pero nang malaman niyang nagtapat na ito kay Sugar at binasted ito ng huli ay nakaramdam siya ng simpatya para dito. Gusto niya itong aluin hindi lang dahil gusto niyang mapalapit dito kundi dahil kaibigan niya ito. Tinulungan niya itong ipaglaban ang pag-ibig nito kay Sugar at ngayon nga ay nagtagumpay sila.

Masaya siya para sa dalawa niyang kaibigan, lalo na at malapit na ring ikasal ang mga ito katulad nina Joey at Pepper. Si Ginger naman ay siguradong magiging maayos na ang love life ngayong magkaibigan na ito at si Yoej. Isa-isa nang nagpapakasal ang mga kaibigan niya. May kapareha na ang mga ito sa buhay. Kailan kaya siya magkakaroon ng sarili niyang Prince Charming?

"Ma'am Lemon, tapos na po tayo," pagbibigay-alam ng tauhan niyang si Carrie sa kanya.

Tumikhim siya at inayos ang sarili. Kilala siya ng mga tao sa paligid niya bilang isang seryoso at istriktong amo. Ang dating malambing na Lemon noon ay parang maton na kung kumilos ngayon. "

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon