Chapter 4

5.1K 155 3
                                    

"HAPPY second anniversary," pabulong na bati ni Lemon kay Joey. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. Napahagikgik siya nang makita ang pagkunot ng noo nito. Umupo siya sa tabi nito. Katulad ng nakasanayan na niyang gawin ay inilagay niya ang kanyang hintuturo sa noo nito. Tinanggal niya ang pagkakakunot ng noo nito at ipinorma naman niya na parang isang ngiti ang mga labi nito. Dalawang taon na niya iyong ginagawa tuwing sinasalubong siya nito nang nakakunot-noo.

Akalain mo 'yon, nakatagal ka ng dalawang taon sa kanya. Pero hanggang ngayon ay unofficially yours pa rin ang drama n'yo, sabi niya sa sarili.

Hindi pa rin naging "sila" ni Joey at ang relasyon nila ay nananatiling hanggang sa rooftop lang. Kapag nasa ibang lugar sila ay parang hindi sila magkakilala. Iyon ang hiling niya kay Joey noon at maayos pa rin naman ang pagsasama nila kahit na ganoon ang setup nila. Iyon nga lang, minsan ay nakakainis isipin na parang sila na pero hindi pa naman pala.

"Here," sabi niya, sabay abot ng isang box dito.

"What's this?" tanong nito. Seryoso ang mukha nito. It looked like there was something odd about him. Parang may mali sa ikinikilos nito.

"Advanced graduation gift ko sa 'yo. Simple lang 'yan pero sana magustuhan mo. Pinagtulungan naming gawin 'yan ni Ate Caraleigh," paliwanag niya rito. Ang laman ng box na iyon ay isang wood carving na may nakaukit na katagang "I love you."

Oras na buksan nito ang box na iyon ay iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na sasabihan niya ng "I love you" si Joey. Aminin man niya o hindi ay inaasam niyang sana ay ganoon din ang nararamdaman nito. Hindi siya pinansin nito kanina nang makita siya nito sa library dahil marami siyang kasama. Nakaupo lang ito sa isang sulok at mukha itong seryoso. Nang pumunta sa kabilang dulo ng library ang mga kasama niya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na lapitan at batiin ito ng "happy anniversary." Pagkatapos niyang gawin iyon ay agad niya itong nilayuan.

"Ano 'yong sinabi mo kanina?" seryosong tanong nito sa halip na buksan nito ang box na ibinigay niya. Nakaramdam siya ng disappointment dito. Ang akala niya ay matutuwa si Joey dahil binigyan niya ito ng regalo. Ang akala niya ay magiging excited itong buksan ang bigay niya pero nagkamali pala siya.

"Here?"

"No. You were saying something."

"Oh, I said, 'happy second anniversary,'" sabi niya rito.

"Why? Tayo ba?"

Napanganga siya dahil sa tanong nito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya kay Joey at sa sarili niya. Pero mas nangibabaw pa rin ang sakit na dulot ng paraan ng pagtatanong ni Joey sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya at hindi nito nakikita kung ano ang mayroon sila. At napakasakit niyon para sa kanya. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan niya kaya hindi niya ito masagot.

Ikalawang taon na nila mula nang makilala niya ito noon sa library kaya niya ito binati ng ganoon. Gusto lang niyang iparating dito na masaya siya dahil nakilala niya ito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon nito.

Tumagal ng dalawang taon ang pagsasama nila nang ganoon ang setup nila dahil masaya sila tuwing magkasama sila. Hindi sila nagkaroon ng dull moments at ang asaran nila ang naging spice ng pagsasamang iyon. Wala man silang opisyal na relasyon ay masasabi niyang higit pa sa magkasintahan ang turingan nila.

Hindi nga lang official, sabi niya sa sarili.

Kung hindi siguro siya nag-iisang anak na babae ng kanyang ina at hindi siya nag-iisang kapatid na babae ng mga kuya niya ay magiging opisyal na ang relasyon nila ni Joey. Pero hindi puwede. Hindi niya kayang magsinungaling nang ganoon sa pamilya niya, lalo na at matindi siya kung kiligin. Kung ano ang mayroon sila ngayon ni Joey ay hirap na hirap na siyang itago, kapag naging sila pa kaya? Mabuti na lang at medyo nag-lie low ngayon ang kanyang pamilya sa pambe-baby sa kanya dahil natuklasan nilang may anak pala ang papa niya sa unang asawa nito. Iyon nga ay ang Ate Caraleigh niya.

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveWhere stories live. Discover now